Chapter 18

5.9K 86 1
                                    


Ayokong mag alala pero hindi ko mapigilan lalo na parang alam ko kung sino ang may gawa noon sa kaniya.


"So ano po ang urgent saatin?" Nakangiti kong tanong sakanila, hindi pinapahalata ang pag aalala.


"Napag desisyunan kasi namin ng fiance' ko na i move nalang next month ang engagement party namin, ayaw na naming patagalin ang kasal lalo na baka malake na ang tiyan ko niyan kung matatagalan pa ang kasal. Gusto ko naman sexy parin ako sa kasal namin at sexy sa honeymoon!" Sabi niya pa at pilit akong ngumiti.


"Medyo TMI pero sige po ma'am, mas maganda nga po na ma move na at bilisan ang pagpapakasal niyo dahil mukhang excited na rin kayong dalawa!" Sabi ko.


"Oo naman! Hindi na nga siya makapag hintay sa honeymoon kaya inaaraw araw niya ako." Pilyo pang sabi ni kendra.


EWWW


"Hindi tutuo yon!" Mahinang sabi ni Reigner at hinawakan ni Kendra ang kamay niya.


Nagulat ako noong may pumasok at agad agad na tumakbo patungo sa akin para yakapin ako.



"Nag yes siya! Kami na! Kami na!" Masayang bulong ni ivan kaya naman tumayo ako at niyakap ko siya.


"Hoy!!! Omg!!! Ack!!" sabi ko pa at tumalon habang yakap yakap siya.


"Mamaya dinner tayo , my treat!" sabi niya 


"Okay sige! excited na ako!" Sabi ko.


"Sorry po sa abala, masaya lang ako dahil may ibinalita ako sa girlfriend ko. alis na po ako!" paki usap niya pa sa dalawa at nag flying kiss siya palabas sa akin.


"Ang swerte mo naman pala sa boyfriend mo, Alyanna. Mukhang mahal na mahal ka niya!" Sabi ni kendra at tumango ako.



"Oo naman halata naman eh!" Pakikisakay ko ba at ngumiti siya.


Nag pirmahan kami ng kontrata at naka ramdam ako ng kaunting lamig dahil sa aircon na saakin nakatapat.



Nagulat ako noong tumayo si Reigner at hinubad ang coat niya para ibigay sa akin??



Nababaliw na ba toh??!!!



"Ah hindi na po sir, kaya naman po at yung secretary ko naman na po ang kakausap sainyo niyan para sa ibang procedure kaya hindi na kailangan!" Sabi ko, pag tanggi sa coat niya.


"Oo nga naman babe, isuot mo na yan! Hindi niya kailangan ng coat!" Sabi ni Kendra kaya naman hindi na rin binigay ni Reigner at nilapag nalang iyon sa katabing upuan.

Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now