Chapter 26

6.1K 90 0
                                    

"Mommy!! Siya yung boyfriend nung super model na si Kendra!! Why are you with him!!" Sigaw sigaw pa ni Reign habang naka turo kay Harvin.




"Ahm anak, puwede bang punta muna kita kina lola uli? May pag uusapan lang kami!" Sabi ko at tumango siya.




"Sige na nga po Mommy! Pero after niyan, kwento na po kayo about daddy! Excited na po ako, nakalimutan ko po kasi itanong kanina eh!" Sabi niya at tumango ako.


Nag lakad na kami palabas ni Reign at tinignan ko si Harvin.



"Umupo ka muna saglit." Sabi ko at tumango siya.



Nag punta na kami sa villa nina mommy kung saan sila nag stay kapag narito sila sa resort.



"Mommy, bakit po kayo magka kiss ni tito? Di ba po ang nag ki kiss ay dapat po sa love lang po yon na tao!?" Naguguluhan niyang tanong sa akin at tumango ako.



"I love that man, anak." Nakangiti kong sabi sa kaniya.



"But mommy he will be the husband of kendra!" Sabi ng anak ko at umiling iling ako.




"I'll explain it to you later baby! Pasok ka na!" Sabi ko at tumango siya bago tuluyang pumasok sa villa.


Nag lakad na ako kaagad pabalik at huminga ng malalim dahil ito na ang araw na pilit kong pinipigilang mangyare.



Pagka pasok na pagka pasok ko pa lamang ng opisina ay nakita ko na kaagad ang matang sobrang lungkot at galit ni Harvin.



"Anong nangyare, alyanna? Bakit?" Nabasag ang boses niya at unti unti g tumulo ang kaniyang luha.


"Ayokong mag sorry kasi gusto ko naman talagang sabihin sayo kaso nakita kitang may kahalikang iba." Talagang pinanimdigan ko yung pagiging masama kong nilalang.



"Anak ko iyon eh! Anak ko! Kamukha mo siya pero yung mga features na hindi galing sayo, sakin eh!" Sabi niya pa.




"Mahal na mahal kita Alyanna eh!" Sabi niya at doon na ako nanlambot at nanghina.



"Mahal na mahal kita, bakit mo ginawa sa akin toh? Bakit mo tinago sa akin ang anak ko? Bakit?" Tuloy tuloy niyang tanong habang lumuluha.



"Oo Reigner Harvin tinago ko sayo yung anak mo! Kasi tangina noong nag kita tayo ikakasal kana sa iba! Noong nag kita tayo putangina alam ko na may anak kana! Tangina ayokong sirain yung pamilya na binuo niyo nuong mga panahong wala ako! Ayokong maging unfair lalo na kay kendra dahil alam ko kung gaano kasakit ang iwanan! Alam ko kung gaano kasakit ipagpalit! At ayokong ayokong maramdaman ng magiging anak niyo na iniwan siya ng tatay niya kahit na alam ko sa sarili ko na yun ang nangyare sa sarili kong anak!!! Tangina palagi nalang kayo ang iniisip ko!! Palagi nalang ibang tao ang iniisip ko!!" Sigaw ko habang lumuluha at napaluhod ako.


"Paano naman ako?" Nanginginig kong sabi at lumapit siya sa akin para yakapin ako.




"I'm here, alyanna. Sasamahan kita sa lahat ng bagay, bubuoin natin ang pamilya natin. Wala ng haharang sa pagmamahalan natin!" Sabi niya at tumango ako habang nanginginig ang aking mga kamay.



One thing i realized after all this time, even beast cries when they cannot handle how cruel the world is.


"Anong pangalan niya?" Tanong sa akin ni Harvin habang naka sandal ako sa kaniya.



"Anna Reign" maikling sagot ko



"Pwedeng ipakilala mo ako sakaniya?" Tanong niya sa akin.


"Bakit hindi mo tinanong lahat ng sa kaniya?" Kyuryoso kong tanong sa kaniya


"Ako ang aalam non sa sarili ko. Nasaan na pala siya?" Tanong niya sa akin.



"Hinatid ko kina mommy at daddy." Sabi ko at tumango siya.


Tumayo siya at nilahad niya ang kaniyang kamay sa akin kaya naman inabot ko iyon.


Sabay kaming nag lakad habang mag ka hawak kamay.


Noong naka rating kami sa harap ng villa ay tumingin ako kay Reigner.


"Ako nalang muna ang mag sasalita at makikipag usap sakaniya, ipapakilala kita pero mag behave kana muna kasi baka magulat siya." Sabi ko at tumango siya.


Kumatok ako ng tatlong beses at tuluyan ng pumasok sa villa, sumunod sa akin si Harvin.



"Baby, nandito na si mommy!" Sabi ko at narinig ko agad ang mabilis niyang nga yapak at noong nakita ako ay tumakbo siya palapit sa akin para mayakap ako.



"Yehey ku kwento na ni Mommy sa akin si Daddy!! Yehey!" Sigaw sigaw pa niya at tumango ako.




"Remember the man you saw that im kissing with?" Tanong ko sakaniya at tumango tango siya.



"Oh Kendra's boyfriend?" Tanong sa akin ng anak ko.




"No, they broke up." Sabi ko at kumunot ang noo niya.




"What's with him? Who is he?" Tanong ni Reign at unti unti na akong lumuhod para mapantayan ang level niya



"He is your Daddy, anak!" Mahina kong sabi at bakas na bakas sa anak ko ang pag ka gulat sa mukha ng aking anak .



Unti unting lumapit si Harvin at lumuhod katulad ng akin habang naka tingin sa kaniya ang anak.




"Daddy, ikaw po ba talaga yan? Hindi ka po ba ghost?" Nanginginig ang boses ni Reign habang nag tatanong kay Harvin



Tumayo ako at lumayo ng onte sa kanila para mabigyan ko sila ng konteng space



"Anak andito na si Daddy!" Sabi ni Harvin at niyakap ang kaniyang anak.



"Ba-bakit ngayon ka lang po!! Hinahanap po kita palagi daddy!! Palagi po kita napapanaginipan! Palagi po akong nag pe pray kay papa Jesus! Palagi kopong hinihiling tuwing birthday ko!! What took you so long daddy!!?? Gustong gusto ko na po kayong makilala, gustong gusto ko na po maramdaman na may daddy ako!!" Umiiyak na sabi ni Reign at sinuntok suntok pa ang daddy niya.



Niyakap ni Harvin si Reign at may binulong sakaniya.



"Andito na si Daddy, hindi ko na kayo iiwan ni Mommy! Love na love ko kayo at hinding hindi na mawawala si daddy! Mahal na mahal na mahal na mahal ko kayo ni Mommy mo!" Sabi niya at niyakap siya ng mahigpit ni Reign.


"I love you daddy!! Super duper love you po!! Kayo ni Mommy!! Kasyang kasya po kayo sa heart ko!!" Sigaw niya pang sabi at sabay kaming natawa ni Harvin.



Nag vibrate ang cellphone ko sa bathrobe na suot ko kaya naman kinuha ko ito at tinignan.



Unknown Number:

Kinaya kitang ipadukot at ipapatay noon, kayang kaya kong gawin ulit ngayon. Hindi pa ako tapos, Alyanna.

~Kendra

Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now