Chapter 13

5.2K 81 2
                                    

Hindi ko alam kung maaawa ba ako kay Harvin o matutuwa ako na ganyan ang dinanas niya pero bakit nanikip ang dibdib kong makita na nag ka ganiyan siya?


Bakit ang sakit makita na nahihirapan siya? Gustong gusto kong magalit, sigawan at itulak siya pero bakit hindi ko magawa.


"Bakit nandito ka?" Malamig kong sabi at napansin ko ang pangangalambot niya.


"Alyanna, please." Sabi niya at unti unting tumulo ang butil ng kaniyang mga luha.


"Wag tayo dito, wag mo akong ipahiya sa mismong resort ko." Sabi ko at tinalikuran siya para pumunta sa office ko.


Noong naka rating na kami sa office ko ay iniwan ako saglit ng mga kaibigan ko para maka usap si Harvin saglit.



"Bakit ka nandito?" Ulit kong tanong sa kaniya at hinawakan niya ang kamay ko, inalis ko ito at tumayo ako para lumayo sa kaniya.


"Kamusta na kayo ni Kendra?" Tanong ko sakaniya at tumayo siya para lumapit sa akin.


"Ikaw ang mahal ko Alyanna, please maniwala ka saakin." Sabi niya habang patuloy na lumuluha.



"Bullshit!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil unti unting bumabalik sa akin lahat ng sakit na nararamdaman ko.


"Tangina ginamit mo ba ako? Ginamit mo ba ako!!???" Sigaw ko at umiling siya



"Mahal kita, sobrang mahal na mahal na mahal kita!" Sabi niya.



"Tangina Harvin ang sakit eh, putangina mahal na mahal kita eh. Pinaramdam ko naman sayo 'di ba!? Hindi naman ako nag kulang di ba? Naging vocal naman ako sayo di ba! Pero bakit Harvin!? Bakit naman sanay na sanay ka paring tawagin siyang love! Yung love ba nayon ay tinawag mo sa akin dahil naaalala mo siya sa akin??" Sigaw ko.



"No no no, mahal kita. Mahal kita please please i'm begging you. Please accept me again, i promise gagawin ko ang lahat, promise Alyanna sayo ako ikaw ang mahal ko!" Sabi niya at niyakap ako pero tinulak ko siya.


"Umalis kana, itigil na natin toh please." Sabi ko at humawak sa dibdib ko dahil naninikip ng husto ang dibdib ko dahil sa sakit habang humihikbi.


Nagulat ako noong lumuhod siya sa akin at niyakap ang aking tuhod.


"Please wag. Please. Gagawin ko lahat, lahat lahat. Tanggapin mo ako uli, tanggapin mo lang ako ulit mamahalin kita at ipaglalaban kita kahit maubos ako." Sabi niya at nanlambot ako dahil hindi ko kayang makita siya na ganon.


Lumuhod ako at pinunasan ko ang luha niya.



"Paano pa kita itataboy niyan kung ganyan ka." Sabi ko at humarap siya sa akin.


"Alyanna nag mamakaawa ako , tanggapin moko uli." Sabi niya.


"Mahalin mo ako ng tutuo ah." Sabi ko at dahil don ay niyakap niya ako ng sobrang higpit.



"Thank you! Thank you! Thank you! I love you i love you i love you." Sabi niya at ngumiti ako sa kaniya.


Tinupad niya ang mga sinabi niya sa akin. Nag stay siya sa resort namin ng isang buwan at pinaramdam niya sa akin ang pag mamahal na sobra sobra .


Nag lu luto siya palagi ng breakfast, hinahatid sundo ako , pinagsisilbihan ako at minamahal ako.


"Tita Sachi, thank you po ah!" Nakangiting sabi ni Harvin.


Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now