Chapter 15

6.3K 88 5
                                    

(Trigger Warning)


"Okay lang ba kung mag stay tayo dito sa manila ng isang buwan?" Tanong sa akin ni Harvin at tumango ako.



"Okay lang ba talaga sayo? sasamahan natin si mommy sa ospital ah!" Sabi niya at tumango ako uli.



Niyakap niya ako habang naka upo kami sa kama at at hinalikan ang aking pisnge.




"Hindi ko pababayaan na awayin ka ni kendra , ako ang bahala sayo." sabi niya pa at tumango ako.



wala sa vocabulary ko ang pag suko kaya kahit mahirapan ako at kailangan kong babaan ang pride ko para sa pamilya niya ay gagawin ko.



Tumayo na kami para pumunta sa ospital.



Pumasok kami ng hospital room at nakita kong naroon si tita Hanna kasama si Kendra.



"Bakit sinama mo pa yang babae na yan?" Naka taas kilay na sabi ni tita Hanna.



"Mommy, siya ang mahal ko hindi si kendra kaya puwede na pong umalis si Kendra." malamig na sabi ni Harvin at hinawakan ko ang kaniyang kamay.



"Okay lang naman sayo ayani di ba?" Sabi ng mommy ni Harvin at parang nasipa ang puso ko dahil kahit tamang pag sabi lang ng pangalan ko ay di nagawa.



"Alyanna po ma'am!" Sabi ko.



"Oh my bad, hindi kasi ako nag kakabisado ng pangalan ng mga pulubi." 



Ma'am, kaya ko pong triplehin ang mga ari arian niyo pero sige po para po sa anak niyo magpapakabait ako.



"Anak, puwede mo bang tulungan ang daddy mo patakbuhin ang company natin? iwan mo dito si Alyanna para naman makapag bonding kami." Sabi ni tita Hanna at kumunot ang noo ni Harvin.




"Paano ko po malalaman na hindi kayo mag sisinungaling?" Naka taas kilay na sabi ni Harvin.



"Edi tanungin mo si Alyanna pag naka uwi siya." Sabi ng ina niya at tumango si Harvin.




Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko.



"Sabihin mo saakin kapag may ginawa sila sayo ah!" Sabi niya at dahan dahan akong tumango.



Umalis na si harvin para pumunta sa kompanya nila kaya naman tumayo na ako sa tabi ni tita Hanna.






"Alyanna dear, pwede mo ba akong ibili ng orange juice? Nauuhaw kasi ako eh!" sabi niya at tumango akong naka ngiti.



Lulunukin kona ang pride ko para hindi na mag ka gulo, kung ito ang paraan para matanggap kami gagawin ko na.



Tumakbo ako papuntang canteen baka mabilaukan na si tita kung hindi ko pa tatakbuhin, noong naka rating na ako sa hospital room ay hinihingal ako dahil sa tinakbo ko.



Nagulat ako na umiinom na ng orange juice si tita Hanna at naka ngiti si Kendra saakin.




"Nakalimutan ko iha na binilhan nga pala ako ni Kendra ng orange juice bago kayo naka rating dito." Sabi ni tita.




"Okay lang po tita, atleast hindi po kayo nauhaw!" Nakangiti kong sabi at tumabi na ako.




"Alyanna, ano yang dala niyo?" Tanong ni tita sa lunch box na dala namin ni Harvin.




"Ah lugaw po, niluto ko po yan!" Proud ko pang sabi dahil alam ko sa sarili ko na masarap akong mag luto.




"Pwede bang subuan mo ako iha?" Sabi ni tita at ngumiti ako sa kaniya.




Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now