Chapter 06

5.2K 88 1
                                    


Sigurado ako na nag se selos siya kaya ganon siya! Akala ko panaman hindi mo ako magugustuhan pero bet mo rin naman pala ang katulad ko.


"Oh bakit hindi nanaman mapinta yang ngiti mo?" Tanong sa akin ni Kathleen.


"Ah wala lang naman, gusto ko lang ngumiti dahil sabi nila nakaka haba ng buhay!" Sabi ko pa at ni roll eyes niya lang ako, halatang hindi naniniwala.



"Dalawang linggo ka nalang pala dito noh, paano non yon? Hindi ka na talaga mag ta-trabaho dito tapos babalik kana sa probinsya niyo?" Tanong sa akin ni Kathleen.




"Hindi ko nga alam eh, paano ba? Sa tutuo lang, gusto ko pang mag stay dito kasi nandito si sir Harvin, alam mo naman patay na patay ako sakaniya pero kasi parents ko na yung nakaka miss sa akin eh." Sabi ko at tumango tango pa siya.




"Sa bagay narinig ko nga na babalik na si Ma'am Kendra kaya sure ball ng walang pag asa. Ayoko lang si Ma'am kasi masiyado siyang possesive pero siya naman mismo yung hindi sinagot yung alok na engagement ni sir!" Sabi pa ni Kathleen na nag pa lake ng mata ko.




Ang lakas naman pala ng loob ni Kendra kung babalik pa siya pag tapos niyang iwan lang ng ganon si sir Harvin.



"Oh saan ka pupunta, break pa ah?" Tanong sa akin ni Kathleen.




"Doon sa taas kakatukin ko lang si sir Harvin! Naiinis ako baka mag ka balikan lang sila nung higad na yon!" Sabi ko pa at pumunta na sa elevator.




Noong naka rating na ako sa tamang palapag ay bumaba na ako at kumatok sa office.




"Sir! Gising na po ba kayo?" Tanong tanong ko pa kahit alam ko naman ng gising siya dahil umaga na hello.



"Wag kang pumasok!" Sabi niya at hindi ako nakinig kaya pumasok ako.



Nagulat ako noong naka hubad ang top niya at nag bibihis palang siya. Grabe parang nag lalaway ako.


FOTEKK SOBRANG HAWT MAY ABS YUMMY HIHIHI OMG GUSTO KONG HAWAKAN PERO NAAHHH.


"Sabing wag kang pumasok eh!" Malamig niyang sabi sa akin.


"Bakit ba? Okay naman tayo nung minsan tapos bigla ka nalang hindi namamansin!" Sabi ko at ngumiti sakaniya.



"Wag mong tignan ang katawan ko!" Sigaw niya.



"Bakit hindi?? Okay lang yan noh marami na akong nakita na ganyan sa beach sa probinsya!" Sabi ko at nagulat ako noong nag lakad siya palapit sa akin kaya naman umurong urong ako hanggang sa macorner niya ako sa pader.


ENEBEYEN BATA PA AKO WEG GENITU CHAROT!!


"Talaga? Kanino yung mas magandang katawan sa mga nakita mo?" Tanong niya pa sa akin.


"Kay Cedrik at Shan! Joke Sayo siyempre!" Sabi ko at malamig niya lang akong tinignan.



"Bakit sobrang close mo kay Cedrik?" Tanong niya sa akin.



"Ka babata ko siya! Bestfriend ang Mommy ko at ang Mommy niya!" Sabi ko, iniskip ko talaga yung info na pinsan ko si Cedrik.


"Ang mag ka babata sainyo ay nag yayakapan?" Tanong niya sa akin.



"Tsk wag kangang umakto na para bang nag seselos ka eh wala naman akong sinabi sayo pag kayakap mo si Pau at elize ah!" Asik ko sakaniya at nagulat ako sa sinabi ko.




Hala gagu, sa ig story niya lang pala yon hehe tas naka tag eh edi alam ko kung sino. HUHUHUHUHUHU



"Paano mo sila nakilala? At paano mo nalaman yon?" Tanong niya sa akin habang binobotones ang kaniyang damit.



"Hah wala ka na don! Aalis na pala ako dun kana! Feel ko okay na tayo!" Sabi ko at umiiwas sa tingin niya at dahan dahang umalis ng opisina niya.



KAINIS KUNG HINDI LANG SANA AKO NADULAS EDI SANA MAKIKITA KO PA YUNG SIZZLING HOT BODY NIYA EMEGED.


Tumakbo na ako pababa para kunin ang Mop dahil mag o-oras na rin pala kaya kailangan kona mag linis.



"Oh bat nandito ka nanaman?" Tanong niya sa akin.



"Kasi po sir nag lilinis ako!" Bakas ang sarkasmo sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig.



"Ganon ba?" Sabi niya at tumango ako, nagulat ako noong binuhos niya ang dumi ng basura niya sa buong office.



"Ano bang trip mo sir ah!!" Di ko na napigilan ang inis ko.




"Hindi porket crush kita ay hindi, crush na crush kita ay gagawin mo nayan!" Sabi ko at nanlake ang mata niya.



"Don't fool around here Alyanna !" Sabi niya pa.



Anong FOOL FOOL WALANG TUBIG DITO DI AKO LALANGOY! KAINIS!.



"Edi wag kang maniwala na simula highschool ako ay crush na kita , kainis dami ko tuloy lilinisin" sabi ko pa at tinignan niya lang ako.



"Gusto ko lang na mas tumagal ka dito kaya kinalat ko yan, mas marami kang lilinisin mas mag tatagal ka dito." Nagulat ako sa sinabi niya at sigurado akong pulang pula na ang pisnge ko dahil doon.




Hindi na ako nag salita at nag maganda nalang ako habang nag lilinis, aba malay ko ba kung bet na bet ako ng isang toh dahil ang galing kong mag linis. Sabi ko na talaga eh, kailangan ko talagang maging super mop char.



Noong natapos ako ay umupo ako sa upuan sa harap niya.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin sa malamig na boses.



ASHUU NAHIHIYA KA PA PORKET NAPA AMIN KA NA GUSTO MOKONG MAKASAMA NG MATAGAL! OWKEYKS LANG YAN AKO NGA OH NANDITO PARA PANG MAPANSIN MO.



"Baka lang gusto mong makita ang mukha ko!" Nakangiti kong sabi at kumindat pa.




"Ang lakas mo noh, i mean i'm your boss tapos ganiyan ka kung umasta. Hindi ka talaga natatakot sa akin?" Tanong niya pa sa akin.




"Kahit gusto kong matakot sayo, hindi rin mangyayare kasi gwapong gwapo ako sayo." Sabi ko.



"Gusto ko na sobrang straight forward mo!" Sabi niya pa.



"Oo nga eh, kaya nga hindi ko alam bakit nag selos ka pa kay kuya Cedrik eh halata namang ikaw ang gusto ko." Sabi ko at tumawa siya.


"Mawawala rin pagka gusto mo saakin!" Sabi niya na parang sigurado na siya.



"Hindi siguro, gusto ko lang talaga is yung maka usap ka at makita kita kahit ganito lang solve nako!" Sabi ko sakaniya.



"Narinig ko na dalawang linggo kanalang? Anong ibig sabihin non?" Tanong niya sa akin.



"Nag trabaho ako dito kasi gusto kong mapansin mo ako, gustong gusto kita pero hindi naman ito ang kurso na natapos ko." Sabi ko at tumango pa siya.



"So you will find another job after two weeks?" Tanong niya sa akin.



"Hindi, uuwi na ako sa probinsya namin at doon itutuloy ang buhay." Sabi ko at naging malamig ang tingin niya sa akin.




"So iiwan mo rin pala ako." Mapakla niyang sabi at nalungkot ako dahil sa tono nito na para bang mag isa lamang siya.



"Hindi naman sa ganon! Hindi ko alam naguguluhan nako! Gusto ko makasama ang mga magulang ko kasi miss ko na sila!" Naka pout kong sabi.



Tumayo siya at lumapit sa akin, feeling ko hindi ako maka hinga dahil isang dangkal nalang ang pagitan naming dalawa.


"Anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.


"I just think that i will  need to give you a reason for you to comeback," sabi niya at napalunok ako.


Lumapit siya at unti unting inilapat ang labi naming dalawa.

Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now