Epilogue

9.3K 145 12
                                    

"Iho, hindi namin alam kung ano ang nangyare bakit kailangang humantong sa ganito!" Umiiyak na sabi ni Tita Sachi


Hindi parin ako lubusang makapaniwala na ang babaeng mahal na mahal ko higit pa sa buhay ko ay tuluyan ng nawala.



"Ikaw ang huli niyang tinawagan bago ang aksidente, wala ba siyang nasabi sayo Harvin?" Tanong ni Tito Alonzo sa akin at kumunot ang noo ko.




"Hindi ho siya tumawag sa akin? Wala ho akong nakitang tawag galing sa kaniya sa Cellphone ko!" Sabi ko at umiling ang dalawa.




"Iho ikaw ang huli niyang tinawagan." Malamig na sabi ni Tita at nanlamig din ako



Paanong hindi ko alam na ako pala ang huling tinawagan ng babaeng mahal ko? Paanong hindi ko narinig ang tawag niya?



Simula noong nawala si Alyanna ay parang nawala na rin ako sa aking katinuan. Araw araw na umiinom, halos hindi kumakain, halos hindi na matulog at palagi nalang umiiyak.




"Nako jusmiyo Iho! Bakit ganyan ang itsura mo!" Pag gising sa akin ni inay Helen



"Naka inom ho ako inay eh!" Malungkot kong sabi sakaniya.



"Naku, edi naabutan kang ganyan ni Alyanna? Nako iho talaga!" Sabi niya habang nag mo mop at kumunot ang noo ko.



"Ano hong ibig sabihin ninyo inay Helen?" Tanong ko at napaupo ako ng maayos sa swivel chair ko.




"Hindi mo ba nakita si Alyanna? Pumunta siya dito sa office mo! May kasama pa nga siyang babae eh!" Sabi ni Inay Helen at tumayo ako para pumunta sa cctv room para tignan kung tutuo ngunit wala akong nakita.



Napa luhod ako habang naka tingin sa kawalan.



Alyanna, bumalik kana sakin! Gustong gusto na kitang makita, miss na miss na kita baby. Wag naman ganito! Wag mo akong iwan ng ganito! Hindi ko na alam kung paano pa kita makikita kung ganito ang paraan ng pang iwan mo sakin. Alyanna gusto ko ng makasama ka riyan.



"Kailangan nyo ng mag pakasal sa lalong madaling panahon anak! Maliwanag ba!" Sigaw ni Mommy sa akin at tumango nalang ako.


Para sa akin wala ng kwenta ang mabuhay dahil ang dahilan at rason kung bakit gusto kong mabuhay ng matagal ay wala na.



Nagulat ako noong nag punta kami sa restaurant ni Alyanna!


Tinignan ko si Kendra at kumindat lamang siya.



Pumasok kami sa vip room at nagulat ako sa mukhang bumungad sa akin, Alyanna baby.


"Alyanna Esguerra!" Paglalahad niya ng kamay habang naka tingin sa singsing na kanina ko pa gustong itapon.




"Cedrik, bakit hindi mo ako tinawagan at sinabihan ng buhay si Alyanna!" Malakas kong sigaw at nagulat ako noong bigla niya akong sinuntok.




"Ano ako? Hilo? Pinsan ko yon Harvin! Pinsan ko na pinangakuan at pinaniwala mong mahal mo! Lahat kami napaniwala mong mahal na mahal mo si Alyanna pero tarantado niloko mo siya! Magpapakita kapa sakanya na may kahalikan kang iba gago ka!" Sigaw niya at sinuntok akong muli.



Anong sinasabi niya? Ano yon? Ano yon?


"Gago, hindi ka karapat dapat sa pinsan ko dahil manloloko ka! Umalis kana dito hangga't kaya ko pang mag timpi sayo!" Sigaw niya at lumuluha at nagdurugo akong umalis sa harapan niya.




Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now