Chapter 85:

2.6K 89 18
                                    

Thrizel's POV

1 month later...

Nandito ako ngayon sa VIP Room. Kinuha ko ang beer na nasa aking harapan. Tiningnan ko iyon saka pinatunog ang yelo sa baso. Huminga ako nang malalim at tinitigan ang aking kaharap. Napailing-iling ako at ngumisi. "What are you asking?" Ininom ko ang laman ng aking baso. Pagkatapos ay nilapag sa lamesa.

"Ano nga bang tinanong ko?" Tamad itong tumingin sa akin. Sumandal naman siya sa sofa at pinikit ang mga mata, nairita ako sa paraan ng pagkilos niya. Siya ang may kailangan, siya dapat ang nangungulit sa akin para sagutin ko ang tanong niya.

"You can leave now." Masungit kong sabi sa kaniya. Tumayo ako at pumunta sa closet. Naghanap ako ng damit na aking isusuot dahil may pupuntahan ako ngayon.

"Mas lalong sumama ang uga-"

"I don't care." Putol ko sa kaniyang sasabihin nang hindi siya nililingon. Tuloy pa rin ako sa pamimili. Kahit anong sabihin niya tungkol sa akin, wala akong pakialam.

"Seriously, Thrizel?" Ramdam kong tumayo siya mula sa pagkakaupo ngunit hindi niya pa rin nakuha ang aking atensyon. Kung may gawin man itong masama sa akin, edi magkakaso ako ngayon. Bakit hindi nalang kasi ulitin ang tanong niya? Kasalanan ko bang makalimutan ko nang inunim ko ang beer? Silly boy.

Hinarap ko siya na nakataas ang kanang kilay. "I said you can leave now. You need me, right? Alam mo namang mabilis akong mawala sa mood. Uminit ang ulo ko kaya lumabas ka na." Mas lalo kong tinaas ang aking kilay ng wala siyang naging kilos. Napatawa ako nang mahina at lumapit sa pinto. "O baka naman gusto mo pagbuksan pa kita." Hinawakan ko ang doorknob. Bubuksan ko na sana nang magsalita siya.

"Anon dahilang ng rejection mo? That's my question." Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Ganitong tao ang mga gusto kong kausap. Nasasabik ako kapag ganito dahil pakiramdam ko, mapipikon lang sila sa akin.

"Kahit non-sense ang tanong mo, I can answer that." Napasinghal siya sa aking sinabi. Halatang nagtitimpi sa ugaling pinapakita ko ngayon. "I rejected your boss. God, hindi ako pumapatol sa gano'ng mga lalaki. Oo, nakakasama ko kayo. May pagtitiis naman, edi iyon ang pinili ko." Natawa ako roon. Kita ko ang pagyukom ng kaniyang kamao kaya mas lalo akong ginaganahan na sumagot. "Walang respeto at bastos ang boss mo. Hindi ako easy to get at patol nalang nang patol. Pinili ko ang magtiis, kung pipiliin ko na naman para sa boss niyo. Ano nalang ang mangyayari sa buhay ko? Matalino ka niyang kanang kamay, huwag mo ngang isalang ang sarili mo sa katangahan ng pinuno mo. Nakakatawa kayong dalawa, nagmumukha kayong desperado. No, you two are certified desperate."

"I respect you kahit ganiyan ka sumagot." Tiningnan ko ang kaniyang kamay. Hindi na ito nakayukom at ramdam kong kalmado na siya ngayon. "But please kung sasagot ka ng tanong, iwasan mo ang panglalait. Thanks to them na nakapagtiisan ka nil-"

"Hindi nila ako pinagtiisan." Matigas kong sabi rito. Umaaktong may alam sa aking pagkatao. "Hindi niyo 'ko kilala. Kung walang respeto ang kaharap ko, bakit ko rerespetuhin? Umaasa ba kayong aayos ang pagtrato ko sa inyo?" Seryoso ang pananalita ko ngayon. "Mga tanga, para kayong naghintay na mahahati ulit ang dagat."

Napahinga siya nang malalim, alam ko namang susuko agad 'to. "I need to go, hindi ka talaga makakausap ng maayos." Nakapamulsa itong lumabas ng kwarto. Hindi ko naman na siya pinansin. Nag-usap naman na kami dati, ganito rin ang nangyari. Dapat masanay na siya sa akin, umaasa pa kasing aayos ako sa kanila. Tsk.

Nang makahanap ako ng damit. Pumasok na ako sa banyo para maligo. Mabilis din namang natapos. Lumabas ako ng kwarto, bumungad sa'kin ang napakaraming lalaki. Nakuha ko rin ang atensyon ng karamihan dahil napatingin sila sa akin. Hindi ko na pinansin ito, naglakad na ako palabas. Ang mga tingin nila ay masyadong mapanuri, pakiramdam ko 'yong ibang hindi ako kilala, para akong hinuhubaran sa kanilang mga titig. Tsk, may mga ganito talagang lalaki.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now