Chapter 129:

671 54 13
                                    

Thrizel's POV

"Mom, aalis kami ng mga kaibigan ko. Magsasaya lang naman po, walang gagawin. We'll stay at the hotel, I don't know yet when we will go home." Napatingin ako kay Thrale na nakaharap sa salamin. Ang dami niyang dalang gamit. Hindi ko alam na aalis pala sila at saka sinong kaibigan? Hays, pakiramdam ko may iba pa itong kakilala.

Napalingon sa kaniya si mom na abala sa pagsasaayos ng mga flower vase. Pinaghihiwalay-hiwalay ang mga bulaklak. "Ilang araw kayong nandoroon? Bilisan mo dahil dadating na sila Manang Perry. Mag-istay naman pala kayo sa hotel, bakit ang dami mo pang dala?" Pansin ko rin 'yon.

"Uh, diretso po kaming hotel pero hindi ko pa po alam kung anong gagawin namin." Nang matapos niyang ayusin ang kaniyang buhok. Binuhat niya na ang bag niyang dala. "Hindi po yata kami magtatagal. Don't worry, I'll update kung anong mga ginagawa ko."

"Osige na, mag-ingat ka. I-text mo ako kung nakarating ka na." Nagpagpag ng kamay si mom para halikan si kuya sa pisngi.

Umangal agad naman ang isa. "Oo na, mom. Una na ako. Pakisabi nalang kay daddy. Busy kasi sa kausap niya."

"Kausap ni Leo si Manang Perry." Tumango nalang si Thrale at tuluyan nang lumabas. Wala akong naging salita.

Kaming tatlo lang ang nandidito dahil umalis si Link. Pumunta kay Tita Line, doon muna yata siya ng ilang araw. Babalik din siya sa kanilang bahay dahil malapit na ang school year, he needs to focus. Si Silas naman, wala pa rin hanggang ngayon kahit ilang araw nang umalis. Mukhang nakulong na sa bahay ng kaniyang nanay.

"Nakakanibago dahil hindi man lang nagpaalam sa 'yo ang kuya mo." Napatigil ako sa pag-iisip nang i-wika ni mom iyon. Hindi ko napansin, siya pala ang nakagawa.

"Uhm, nagpaalam po siya noong nasa kwarto ako." God, ilang beses pa ba akong magsisinungaling? Lagi ko nalang pinagtatakpan ang lalaking 'yon.

Tumango nalang si mom sa akin bilang sagot. Nagpaalam muna ako na sa kwarto muna dahil buryo naman ako sa baba. Walang makausap. Hindi rin mawala ang atensyon ni mom sa kaniyang ginagawa. Parang dati lang noong apat kami, maingay ang bahay at sobrang saya. Kakaiba ang ngayon kahit dito tumira sina Link, Silas at Ate Anissa. Kay Ate Anissa, wala na rin akong balita.

Habang nakahiga, tumunog ang aking selpon kaya agad ko itong kinuha at binasa ang nagmensahe. Natuwa ako dahil nakita ko ang pangalan ni Brooks. Hindi ko akalaing magmemensahe siya sa akin. Minsan niya nalang kasi gawin 'to.

From: Brooks.

Pack your things. Aalis tayo. Magpaalam ka sa parents mo para alam nila. Alam kong boring ka na riyan lalo na't wala si Thrale. Sasama ka ba?

Agad akong tumugon. Nakakasabik kapag siya ang kasama ko.

To: Brooks.

Yes, magpapaalam na ako. Sunduin mo nalang ako, huh.

Sumagot siya ng oo sa akin kaya nag-impake muna ako ng aking mga gamit. Hindi ko pa alam ang dadalhin dahil wala naman siyang sinabi kung saan kami pupunta. Mukhang ibang kaibigan ang tinutukoy ni Thrale. Nakakapagtaka naman kung sila Kein, hindi ba? Nakakailang iyon lalo na't hindi sila ayos.

"Mom, dad, please. Pumayag na kayo." Pamimilit ko pa dahil tutol ang aking nanay. Wala raw kasi si Thrale tapos ako aalis din? Wala raw maingay sa bahay. Ingat na ingat din siya sa akin.

"Saan ba kayo pupunta?" Tanong ni dad habang nanonood sa telebisyon. Ako naman ay nakasandal siya kaniyang likod. Nangungulit.

"Hindi ko alam, si Kein naman po ang kasama ko. Maya-maya, darating na po iyon. Please, dad..." Sinandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now