Chapter 138:

641 54 9
                                    

Blue’s POV

Kanina pa ako palinga-linga dahil hindi ko mahanap ang aking hinahanap. Tawag ako nang tawag sa kaniya ngunit wala man lang sa aking lumalapit. Kakapakain ko palang sa kaniya kaya nakakapagtaka kung aalis siya. Tutal kaming dalawa lang naman ni tatay ang nandirito kaya sumigaw ako para magtanong. Kahit nasa taas siya, sa lakas ng boses ko, alam kong maririnig niya.

“Tatay!” Umalingawngaw iyon damay ang itaas. Nahihilo na ako paikot-ikot sa bahay na ‘to.

“Oh?” Iritasyon ang binungad niya sa akin. Sa araw-araw, puro yata kami pagtatalo lalo na’t nagduduty si Daddy Leo sa kaniyang trabaho. Hindi talaga ako mahal ni Thrale. Hmp.

“Nakita mo ba si Smurf? Hindi ko pa hindi nakikita. Pumunta lang akong banyo e.” Bahagya pa akong ngumuso rito. Nagpapaawa.

Masungit niya akong tiningnan. “Aba, nasa taas ako. Minsan ko lang hawakan ang aso mo. Tawagin mo kaya.”

“Nakailang tawag na rin ako, walang lumalapit.”

Nag-umpisa na naman akong maghanap. Pansin kong bumalik si tatay sa kaniyang kwarto. Nilibot ko na naman ang buong bahay, hindi ko na naman nakita ang aking alaga. Umupo ako sa sofa dahil dito ko siya iniwan bago akong pumuntang banyo. May nakita akong balahibo sa likod ng sofa kaya sinisayat ko ‘yon.

“Smurf!” Winagayway niya ang kaniyang buntot habang nakahiga. Nakakapagtaka dahil parang walang lakas ito. Nakatatlong galaw lang siya. “Kanina pa kita hinahanap!” Hinawakan ko siya sa tiyan. May nahawakan akong basa kaya binuhat ko na ito. Nang makita ko ang kaniyang mukha, basang-basa na rin, nakapikit ang kaniyang mga  mata at naghihingalo.

Hindi ko alam ang nangyayari sa kaniya kaya binaba ko siya sa sahig kaso hindi ito makatayo. Muli ko siyang binuhat at hiniga sa sofa. Kumuha ako ng panyo para punasan ang basa sa kaniyang katawan.

“Nilublob mo ba ang sarili mo sa inumin mo?” Tumugon siya gamit ang kaniyang paa. Napahinto ako sa ginagawa dahil nahihirapan talaga siyang kumilos. “Smurf, anong problema?” Dinikit ko ang tainga ko sa kaniyang puso, tumitibok pa iyon. Rinig na rinig ko ang habol-hininga niya. Ngayon lang ako nagka-aso kaya wala akong alam kung anong nangyayari sa kaniya.

Matapos ang aking ginagawa, tumayo na ako para sana isauli ang panyo ngunit muling napatingin kay Smurf dahil hindi na ito gumagalaw. Hindi ko na rin nakikita ang pag-angat ng kaniyang tiyan para huminga. Hindi na rin nanginginig ang kaniyang mga paa. Umupo ako sa sofa at binuhat siya.

“Smurf.” Hinarap ko siya sa aking mukha para suriin. Tila lantang gulay nalang ito. Hindi na talaga gumalaw. Kung anong gagawin ko sa kaniya, sumusunod nalang ang kaniyang katawan. “Smurf?” Dinikit ko siya sa tainga para muling pakinggan ang pagtibok ng puso niya pero wala na akong marinig doon. “Smurfff!” Inalog ko siya ng tatlong beses pero wala talaga.

Nag-umpisa nang tumulo ang aking luha. Hiniga ko ulit siya sa sofa para pakainin ng dog food na baka gutom lang. Inayog-ayog ko na rin na baka natutulog. Kumuha ako ng bagong panyo para matuyo ang kaniyang balahibo.

“Smurf, uy!” Ginalaw-galaw ko ang kaniyang dalawang tainga. Masakit ang aking lalamunan kaya sumigaw ako. “Thraleeeeee!” Doon umagos ang aking luha. “Hoyyyy, Smurffff!” Pilit ko siyang pinapagalaw pero ayaw niya talaga.

“Ano na naman? Hindi mo ba nakita?” Naglalakad siya palapit sa akin.

“Thraleeee...” Umiiyak akong humarap sa kaniya kaya nangunot ang kaniyang noo. Ang iritasyon ay napalitan ng pag-aalala. “Thrale, si Smurf. Gisingin moooo... Ayaw niya gumising e...” Animo akong batang nagmamakaawa sa tatay na gawin ang aking inutos.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now