Chapter 133:

623 43 6
                                    

Thrizel’s POV

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang dumating sina Manang Lory. Alam niyo ba ang nakakapagtaka? Arella ang tawag niya sa akin pero ngayon ay Thrizel na. Pakiramdam ko talaga ay may tinatago sila sa amin. May alam na rin kami ni Thrale roon pero kailangan pa talaga ng patunay. Sa ngayon, hindi ko muna iniisip ‘yon. Ayokong sumakit lang ang ulo ko.

“Thrizel, kanina ka pa hinahanap. Anong ginagawa mo sa pool?”

Tiningnan ko ang nagsalita. Walang iba kun’di si Sittie. Ayos naman ang pakikitungo niya sa amin hindi ‘gaya noong pumunta kami sa kanila. Hindi rin siya paladikit kay Thrale, mas pinili niyang kausapin ako. Nag-uusap kami pero hindi usap magkaibigan. Kumbaga, magkakilala lang.

“Punta na ako.” Kaswal kong sagot. Nauna na siyang pumasok kaya sumunod na ako. Papasok na sana ng pinto nang biglang may magdoorbell.

“Pakibuksan ang pinto, hija.” Kahit nasa pagtatahi si Manang Lory, naramdaman niyang papasok ako ng pinto.

“Opo.” Magalang kong tugon.

Pumunta na akong gate. Pagkabukas ko, nakita ko si Dominic. Nangunot ang aking noo dahil ngayon lang siya nagpakita sa akin at anong ginagawa niya rito? Hindi agad ako nakapagsalita kaya tinapat niya ang kaniyang palad sa harapan ko.

“Wala ka bang balak papasukin ang bisita?” Kalmado ang kaniyang mukha. Maaliwalas. Nakapamulsa ang mga kamay na lagi niyang ginagawa.

“Pasok.”

Nauna na siyang maglakad. Nagawa niya pang ilibot ang kaniyang paningin na para bang namiss niya ang lugar. Sinisisayat kung may bago ba. Nakakapagtaka talaga itong lalaking ‘to ‘gaya noong pumunta siyang bahay. Kabisado niya ang bahay namin, iyon ang unang nakapasok siya rito.

“Magandang hapon, lola.” Tinungo ni Dominic si Manang Lory. Nagmano siya roon.

“May bisita ka pala, Thrizel.” Tinabi ni Manang Lory ang kaniyang ginagawa. “Maupo ka, hijo.” Tapik niya sa katabing sofa.

“Si Dominic po, manang.” Pumasok ako sa kusina. Naabutan ko pang nagluluto sina mom at Manang Perry. “May bisita po ako, mom. Kaibigan.” Kumuha ako ng juice at cake para kay Dominic.

Sumagot siya habang naghahalo ng niluluto. “Oh? Lalabas ako mamaya. Pakainin mo muna. Pakisabi kay Sittie, pakitawag na rin si Thrale para sabay-sabay na tayong kumain.”

Tumango ako bilang tugon. Lumabas na ng kusina. Pagdating sa sala, nilapag ko na sa lamesita ang pagkain ni Dominic. Agad siyang nagpasalamat sa akin.

“Nandito pala ang parents mo, Thrizel.” Abala siya sa pagkain ng cake.

“Yes.” Natanaw ko si Sittie na pababa ng hagdan. Kasunod niya ay si Thrale. Mukhang tinawag niya na ito.

Nang mapunta ang tingin ni Thrale sa sala, nangunot ang kaniyang noo nang makita si Dominic. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong ng aking kuya nang makababa. Umupo siya sa kabilang sofa.

“Nakikibirthday yata.” Walang kwenta niyang sagot dahilan para mapasinghal ang isa. Hindi talaga sila magkasundo.

“Nasaan ang bisita mo, Thrizel?” Nakasuot pa ng apron si mom habang nagpupunas ng kamay. Nang makilala ang aking bisita, nanlaki ang kaniyang mga mata pero sandali lang iyon dahil ngumiti agad. “Diyos ko, nandidito ka pala, Dominic. Hindi ko alam na kaibigan mo ang anak ko.”

Nakatinginan kami ni Thrale dahil doon. Magkakilala sila?

“Yes, tita.” Matamis ang ngiting nilaan ni Dominic sa kanila. “Ang tagal ko pong hindi kayo nakita.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now