Chapter 97:

732 55 13
                                    

Thrizel’s POV

Nandidito kami ngayon sa iisang malaking lamesa. Nandito kami sa restaurant ng resort na ‘to. Magtatanghalian kami, matapos naming mag-asikaso ay bumaba agad kaming lahat. Ang katabi ko ay si Link, sa kabilang gilid naman ay si Brooks. Nakahain na lahat ng mga pagkain. Ang iba sa amin ay nag-umpisa nang kumain.

Bumuntong hininga muna ako bago kunin ang serving spoon para kumuha ng ulam. Kukuha na sana ako nang pigilan ni Link ang aking kamay. Napatingin lahat sa kaniya, pati ako ay natigilan.

“Ako na.” Ngumiti siya sa akin. Nilagyan niya nga ang aking plato. Nasanay ako na ako ang kumukuha ng pagkain sa mesa. Nandidito pala si Link, ginagawa ang mga dati niyang gawi sa akin.

“Do you like snorkeling? Masaya gawin ‘yon.” Panimula ng pag-uusapan ni Elkhurt. “Gusto ko lang makita ang mukha ni Gio na mukhang isda.” Bigla itong humalakhak dahilan para batukan siya ni Gio. Magkatabi kasi sila. Umangal agad siya. “Mapanakit ka, Gio. Ikaw na nga dinadalaw sa sarili mong tahanan.” Napatingin kaming lahat kay Blue nang humalakhak ito. Natawa sa sinabi ni Elkhurt. Bakit hindi magsama ang dalawang ‘to? Tutal parehas lang naman sila. Kung ganiyan din si Brooks hanggang ngayon, tatlo silang magkakasama.

“Gusto ko mag-jet ski.” Sagot ni Ryke habang ngumunguya. Uminom siya ng tubig. “Nakakamiss ang ganitong bakasyon. Pagkatapos ng ilang buwan, pasukan na naman.”

“Sino marunong dito magskate?” Pagsasalita ni Brooks sa aking tabi. Humarap siya sa akin. “You know how to skate, Thrizel?”

Agad akong umiling. “Wala akong alam na kahit anong sport.” Muli akong bumalik sa pagkain dahil ayokong sa akin malilipat ang pinag-uusapan.

“Uhm, Thrizel, magsusuot ka ba ng swimsuit? Nagdala ako para sa ‘yo.” Nakangiting lingon sa akin ni Ate Anissa. Masaya ang kaniyang mga mata. Sabik sa aking magiging sagot.

Muli akong umiling. “Hindi na, I can swim pero hindi naman ako lalangoy. I would rather tour this resort than swim.” Ngumiti ako ng pilit. Nilihis na ang paningin dahil nakikita ko ang tingin ni Thrale na titig na titig sa akin.

“Is there an island here? Do you have a yacht, Brooks? I want fishing.” Ramdam ang pagkasabik sa boses ni Arella nang magsalita siya. Marunong siya? Wow.

Nagmadali na silang kumain dahil gusto na nilang pumunta sa dagat. Ako naman ay kalmado lang dito sa lamesa. Naramdaman ko namang tumayo na si Brooks para puntahan ang nauna naming kasama. Hindi naman ako sabik na makalangoy sa dagat kaya wala akong balak tumayo rito.

“Ako ang nagplano nito, Thrizel. Sunod ka nalang, ah? Magpaalam ka sa akin kung lilibutin mo ‘tong resort, sasamahan kita.” Mahinahong pakikipag-usap sa akin si Link. Tinanguhan ko siya biglang pagsang-ayon. Kumaway muna siya sa akin bago lisanin ang lamesang ‘to.

Bumalik ako sa pagkain, tahimik lang ako rito. Wala na ang aming mga kasama, wala akong p’wedeng kausapin. Kinuha ko ang tubig para uminom. Nasa gitna ako ng pag-inom nang biglang may nagbagsak ng kubyertos. Napatingin ako kung sino ‘yon. Sa mahabang mesa na ito, kaming dalawa nalang pala ni Thrale ang natitira. Hindi ko siya pinansin dahil abala naman ito sa pagtitipa sa kaniyang cellphone.

Medyo nagulat ako dahil sabay kaming tumayo, hindi ko iyon pinahalata sa kaniya. Dire-diretso lang akong naglakad, mukhang gano’n din siya. Ang huli tuloy ay sabay kaming sumakay ng elevator. Tahimik lang kaming dalawa nang umandar na ito. Walang gustong magsalita sa aming dalawa.

Nang bumukas, nagkasabay pa kami ng labas. Tumigil kaming dalawa at hinarap ang isa’t isa.

“Sumasabay ka ba sa akin?” Sabay naming pagtatanong. Nang malaman naming parehas kami ng sinabi, dali-dali kaming naglakad palabas ng elevator. Pagpunta sa aming kwarto ay sabay pa rin kami sa paglalakad.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now