Chapter 128:

642 47 12
                                    

Thrizel’s POV

Pauwi na kami ngayon. Isang linggo rin kaming namalagi. Simula nang umuwi si Thrale, wala na akong gana. Halos magkulong na nga lang ako sa kwarto kung hindi pa ako yayayain ni Kein na lumabas. Nakakaburyo kapag hindi namin kasama si Thrale. May parte sa aking hinahanap ko ang presensya niya. Dahil ba nakasanayan ko siya?

“Sana ay makabalik kayo.” Nakangiting turan sa amin ni Mang Boy.

“Sige po, Mang Boy. Una na kami.”

Matapos ang maayos na pamamaalam. Sumakay na kaming lahat sa van. Ang katabi ko ay Silas. Nakakapagtaka dahil hindi man lang siya kumikibo. Ang atensyon niya ay nasa aso lamang. Ni isa sa amin ay wala siyang pinapansin. Gusto ko sanang tanongin kung anong problema pero ‘gaya niya, wala rin akong gana makipag-usap sa iba.

Tahimik ang buong biyahe. Ang mga maiingay ay tulog. Hindi ako nakatulog dahil sa pag-iisip. Nang malapit na kaming makauwi, nagkakaroon ng pagkasabik sa aking pagkatao. Para bang matutuwa ako kapag nakarating sa bahay. Ang unang hinatid sa mga bahay ay ang mga kaibigan ni Thrale. Nang kami nalang, agad na diniretso sa bahay.

Bumaba agad ako habang bitbit ang aking mga dala. Pagkarating sa main door, nangunot ang noo ko dahil nakasarado. Kung naunang umuwi si Thrale, dapat bukas ito dahil nandirito siya. Si dad ang nagbukas gamit ang susi niyang hawak. Agad siyang humilata sa sofa dahil sa pagod. Inilibot ko ang aking mga mata, wala si Thrale. Napatingin ako kay Link na dire-diretsong umakyat sa kaniyang kwarto. Ganoon din ang ginawa ni Silas.

“Thrizel, pagkatapos mo riyan. Pumunta ka sa kwarto.” Naglalakad si mom paakyat ng hagdan. Siguro ay may itatanong siya sa akin.

Humarap ako kay dad na nakapikit. “Si Thrale, dad? Nakakapagtaka na walang bumungad sa atin.”

Napadilat ng mga mata ang aking tatay. Dumiretso ang tingin sa akin. “Hindi ko alam, anak. Marami namang tutuluyan si Thrale kaya panatag kami ni Threa. Maya-maya, uuwi rin ‘yon. Tinawagan siya ng mommy mo kanina.”

Napatango-tango nalang ako bago umakyat sa taas. Binuksan ko nang pinto nang matunton ang kwarto ng aking mga magulang. Nakita kong nakaupo si mom sa kama habang nagliligpit ng mga damit. Tinuro niya ang sofa na roon ako umupo. Wala akong maisip kung anong gusto niyang pag-usapan.

Humiga ako sa sofa. Nakatingin sa kisame. “Bakit, mom? Ngayon nalang muli tayo nagkausap ng ganito.”

“May itatanong lang ako.” Hinihintay ko ang tanong niya. “Noong wala kami ng daddy mo, anong nangyari sa inyo ng kuya mo?”

Nawala ang atensyon ko sa kisame dahil sa tanong ni mom. Hindi agad ako nakasagot. Pinag-iisipan ko muna na dapat hindi ako magkamali. “Wala naman, mom. Kung ano kami nang umalis kayo, ganoon pa rin naman po. Hindi naman pumalya si Thrale sa pag-aalaga sa akin.” Bakit ko ba pinagtatakpan ang lalaking ‘yon?

“Sigurado ka?” Nagkatitigan kami ni mom nang itabingi ko ang ulo patungo sa kaniyang gawi. “Nalaman kong hinahanap ni Thrale si Arella. Si Link naman, nagtanong kung anong mayroon sa pinsan niyong ‘yon. May nagbago sa inyo ng kuya mo. Hindi na kayo tulad ng dati. Pansin na pansin ko ‘yon kaya tinatanong kita. May pinag-awayan ba? Naalala ko rin na dito nakatira si Anissa. Bakit wala man lang kaming naabutan? Hindi siya nabanggit sa amin ni Thrale.”

Napabuntong-hininga ako bago sumagot. “Si Thrale po yata ang kailangan niyong tanongin tungkol kay Anissa.”

“Si Thrale?” Napatabi ng ulo si mom. Tila sinusuri ako. “Hindi mo na tinatawag na kuya ang kuya mo, Thrizel. Pati ba iyon ay nagbago?”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now