Chapter 96:

792 72 28
                                    

Thrizel’s POV

Panay ako sigaw sa loob ng sasakyang ‘to, hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Wala akong nakita kun’di itim lang. Ayaw akong tanggalan ng saklob nitong mga ‘to. Nakailang tanong na rin ako sa kanila ngunit hindi sila sumasagot. Ang isa pa ay mahigpit ang pagkakahawak sa akin. Nakakapagod mang ang piglas nang piglas, panay ko pa ring ginagawa.

“Mga tauhan ba kayo ni Cide?! Pakawalan niyo nga ako!” Masakit na ang aking mga kamay. Alam kong tinalian nila iyon para hindi ko sila masapak. Hindi rin ako makasipa dahil gitgit ako ng tatlong ‘to.

Naramdaman kong huminto ang sasakyan. Nakiramdam ako kung anong gagawin nila sa akin. Nagulat ako nang hatakin ng isa ang aking paa, ang isa naman ay naka-alalay sa aking baywang at  ang isa pa ay nakahawak sa aking dalawang balikat. Ano bang pinaggagawa nila sa akin? P’wede naman akong buhatin ng isang lalaki!

“Ibaba niyo na ako!” Bakit ba kasi wala akong makita? Makikala ko lang kung sino ang may pakana nito. Sasapakin ko siya sa panga. “Sasapakin ko talaga sa panga ‘yang nag-utos sa inyo!”

Maya-maya lang ay naramdaman kong tinayo ako nito ng mga ‘to. Tanging hangin lang ang aking naririnig dahil walang ni-isang nagsasalita sa amin. Baka naman nasa overpass kami at ihuhulog na ako? O baka iniwan nila ako rito sa gitna ng kalsada para pasagaan?

“Tulongggggg—”

Hindi natuloy ang aking pagsigaw nang bigla nilang tanggalin ang saklob sa aking ulo. Nagulat ako sa bumungad. Kung ano-ano ang pumasok sa aking isip dahil si Brooks ang nasa harapan ko ngayon. Magkasabwat ba sila ni Cide? Sinadya niya bang ako ang pagtapunin ng basura para makuha ako ng mga tauhan ni Cide? Anong motibo niya? Hindi ako makapagsalita.

“Let’s g—” Naputol ang sasabihin ni Brooks nang magsalita ako.

“Para saan ‘to? Magkasama palang tayo sa bahay niyo! Bakit mo ‘ko pinadukot?!” Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay nasa ulo ko na dahil sobrang galit na galit ako sa kaniya.

“Hindi ako ang nag-utos niyan.” Kaswal niyang sagot. Walang emosyon ang mukha. Ano bang nangyayari sa ‘yo?

“Si Cide? Magkasabwat kayo rito? Brooks, akala ko ba magkakampi tayo?! Bakit mo pa ako pinagtanggol kung ganito lang naman?!” Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang lapitan sabay walang pasintabing susuntukin ang kaniyang mukha.

“Siya ang nag-utos.”

Napatingin ako sa kaniyang tiningnan. Nagtaka ako dahil ang nakita ko ay si Thrale. Nakapamulsa itong nakatingin sa akin. Dahil doon, tiningnan ko ang tatlong lalaking nasa aking tabi. Sabay-sabay silang nagtanggal ng mask. Bumungad ang mukha nila Gio, Elkhurt at Ryke. Ang matindi pa ay nagtatawanan sila.

“How dare you, Thrale!” Inis kong sigaw sa kaniya. Tanging pag-iling lang ang naging tugon nito. Hinarap ko ang tatlo. “Kayo naman, ayusin niyo ang pagbubuhat sa akin. Ginagawa niyo akong baboy para marami pang magbuhat.”

Si Elkhurt ang sumagot. “Sabi ko sa kanila, ako na ang magbubuhat sa ‘yo palabas kaso ayaw magpaubaya ng dalawa. Kaming tatlo nalang daw para fair, walang dayaan.”

Inirapan ko silang tatlo. “Tanggalan niyo na ako ng tali.” Napailing-iling ako dahil tatlo pa silang nag-agawan sa aking kamay.

Nang matanggal nila ang tali. Dali-dali akong naglakad papunta sa p’westo ni Thrale. Oo, desidido ako sa sinabi ko kanina na sasapakin ko sa panga ang nag-utos n’on. Palapit na ako sa kaniya, seryoso lamang ang kaniyang titig sa akin. Aambahan ko na sana ito ng suntok nang bigla niyang hawakan ang aking likod dahilan para masubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Hindi ako nakakilos.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now