Chapter 126:

650 49 11
                                    

Thrale’s POV

Matapos ang pagsasama namin ni Thrizel. Nandidito ako ngayon sa puno, nakahiga. Malapit-lapit na ang paglubog ng araw. Sa ganitong oras, tinatamad ako kaya mas pinili kong magpahinga. Ewan ko rin doon sa mga kaibigan ko, sasama raw sila pero hanggang ngayon wala pa rin akong naririnig na sinisigaw nila ang aking pangalan. Mukhang sa iba ito pumunta.

Napahinga ako nang malalim. Pipikit na sana nang may marinig akong yapak ng mga paa sa mga bulok na dahon. May tao. Bahagya kong nilihis ang aking sarili para tingnan ang ibaba. Nakita ko si Kein na nakapamulsa. Dito siya mismo huminto kung saan ako nakahiga. Walang duda na napansin niya ako.

“Hindi ba dapat kasama mo ang kapatid ko?” Kahit nakapikit ako at mahina ang aking pagsasalita. Alam kong narinig niya dahil kami lang ang nandidito, masyadong tahimik.

“Kasama mo lang kanina.” Iba ang kaniyang pananalita. Simula nang ulitin niya ang kaniyang ginawa, ganiyan na siya umasta. Hindi na ngumingiti. Hindi ko mawari kung saan apektado. Kay Thrizel ba o kay Isla na iniwan siya?

“May itatanong ako. Kaya mo bang sagutin?” Ngayon nalang muli kaming nag-usap. Mailap na rin kasi ako rito lalo na si Elkhurt. Paano niya nakakayanang makisalamuha sa amin kung kakaunti lang ang namamansin sa kaniya?

“Lahat ay kaya ko. Kaya kong maging totoo.” Hindi ko alam kung ano nang puwesto niya. Hindi ko kasi ito nililingon.

“Dati noong sinalo ko si Anissa, doon mo lang nalaman na mahal mo siya. Halos masaktan ka nga, iyon din ang dahilan mo para lumayo sa amin lalo na sa akin. Ngayon, tatanongin kita. Mahal mo ba talaga ang kapatid ko? Umamin na ako sa kaniya. Baka kapag sinalo ko iyon, papapel ka na naman. Hangga’t maaga, sumagot ka. Kung mahal mo, susuporta ako.” Humangin ng malakas kaya muli akong napapikit.

Rinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. “Naulit ang pangyayari makalipas ang dalawang taon pero ang pinagkaiba, sa kapatid mo na. Ibang babae na ang pinag-agawan, hindi na si Anissa. Kung si Anissa, minahal ko. Ang kapatid mo, hindi. Porque nangyari, obligasyon ko rin bang mahalin ang babae ngayon? Kusa akong nagmamahal, Thrale. Hindi ko tinuturuan ang sarili ko.”

“Ayusin mo lang...”

Bumaba na ako ng puno dahil nainip na ako roon at masyadong malamok. Wala na akong naging salita, iniwan ko na si Kein doon. Ito na naman ako ngayon, naglilibot-libot. Gusto ko sanang mangabayo kaso maghahapon na, siguro ay bukas nalang. Habang naglalakad ako, nakita ko si Mang Boy na kausap ang iilang kawani. Hindi ko mapigilang hindi makiusisa.

“Ang dami naman pong budle ng mga gulay na iyan. Saan niyo ho dadalhin?” Mas marami kasi rito ang okra, kalabasa at kangkong. Iyon agad ang napansin ko.

Napatingin sa akin si Mang Boy. “Sa palengke, hijo. Hindi nga kami makaalis dahil wala ang kargador naming si Dodong. Naku, ang batang talaga iyon, layas. Kung kailan kailangan namin siya, ngayon naman ay wala.”

Hindi ko alam basta bigla akong ginanahan. “Wala naman ho akong gagawin. Ako nalang po ang magbibitbit.”

“Baka mayari kami sa tatay mo. Puti pa ang suot mong damit baka madumihan.” Tiningnan ako ni Mang Boy mula ulo hanggang paa. “Saka kaya mo bang buhatin ‘yan, hijo? Hindi gaano kalakihan ang   katawan mo.”

Natawa ako dahil doon. “May muscles naman po ako. Kaya ko naman pong magbuhat.” Kusa ring natawa si Mang Boy sa sinabi ko. “Hubarin ko nalang po ang t-shirt ko. Tutulong lang naman po ako, hindi ho magagalit ang mga magulang ko. Buhatin ko na ho ito, huh.”

“Osige na, hijo. Maraming salamat.”

Thrizel’s POV

Napabuntong hininga akong nakaupo rito sa bato. Hanggang ngayon kasi ay ika-ika pa rin ako maglakad. Nakakailang hakbang palang ako, sasakit na ang aking paa. Gusto ko nang pumasok sa loob, ayoko na rito, nakakangalay umupo. Aayusin ko nalang siguro ang lakad ko kapag nakapasok sa loob, mayayari ako sa aking mga magulang lalo na sa tatay ko dahil ayaw niyon na nasusugatan ako.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora