Chapter 95:

820 56 10
                                    

Thrizel’s POV

Nasa hapagkainan kaming tatlo ngayon. Kahit kaming tatlo lang ay hindi mo mararamdaman ang kalungkutan. Si Blue palang na puro kalokohan, mapapahalakhak ka nalang. Loko-loko rin naman itong si Brooks, hindi ko alam ngayon sa kaniya kung bakit naging seryoso siya ngayon. Minsan nalang ito magbiro at tumawa.

“Oo nga pala, Thrizel. Anong nangyari sa lakad mo?”

Napatigil ako sa panguya nang magtanong si Brooks. Inalala ko kung ano ang kaniyang tinutukoy. Dalawa ang aking pinuntahan, si Z at Phryx. “Kay Phryx ba? Kinuwento niya sa akin kung anong nangyari sa debut ni Aevie.” Uminom ako ng tubig at nagpunas ng bibig. “May pinagtataka ako. Sleeping drugs lang naman ang aking nainom. I don’t like chocolate fountains, marami na akong okasyong napunta. Ni kailan ay hindi ko ‘yon pinuntahan. Phryx said na para akong ignorante. Dala ba ng kalasingan?” Yes, karamihan sa aking dinadaluhan ay may chocolate fountain. Wala akong maalalang kinahiligan ko iyon.

“Arella is what Phryx saw not you. Tinanong ni Anissa kung nasaan si Arella noong oras na ‘yon, sabi niya nasa chocolate fountain siya. Maraming nagsasabi na magmamukha kayo, pinagkamalan yata ni Phryx si Arella na ikaw ang nandodoon.” Kalmado niyang lintaya. Napaisip naman ako. Ang dami ngang nagsasabi na magkamukha kami ng babaeng ‘yon.

“Magkamukha ba talaga kami? How funny lang na pinagpanggap ni Thrale si Arella na ako dahil dadating si dad.” Napailing-iling ako sa aking sinabi. Oo, nang pumuntang banyo si Arella. Ako ang bumalik sa kusina. Dumating si dad, malamang ay gusto ko rin siyang makita.

“Hindi ba galit ka kay Arella? Dahil ba sa selos?”

Bigla akong napatitig kay Brooks. Hindi alam kung sasagutin ang kaniyang tanong pero mas pinili kong sagutin iyon. “Probably yes.” Napahinga ako nang malalim. “I’m jealous kahit pinsan namin siya.” Napatawa ako sa aking naisip. “Haha, sino bang hindi magseselos kung gano’n ang nangyayari, right? Pagiging isip bata ba ang labas ko rito? Dapat kay Thrale ako nagagalit pero doon sa pinsan naming may amnesia. God. But ayoko nang pagbigyan ang babaeng ‘yon. Magalit man sa akin si Thrale. Protektahan niya maya-maya. Wala na akong pakialam.”

Tumango-tango si Brooks. “That’s good.” Alam niya rin kasi ang nangyari sa amin ni Arella. Kinuwento ko sa kaniya kaya ingat na ingat siya sa akin.

Napatingin ako kay Blue dahil hawak-hawak niya lang ang kaniyang kubyertos. Nakasalong baba habang nakatingin sa aking leeg. Pinitik ko ang kaniyang noo kaya napaayos ito ng upo.

“Anong problema?” Tiningnan ko ang aking leeg. Wala namang problema rito? Baka naman iniisip nito na leeg ng manok ang aking leeg, huh!

“Saan galing ‘yang kwintas mo? Halatang kamay ang ginamit para makabuo.”

Hindi ko alam na mapapansin niya ang kwintas na ‘to. Minsan lang kasi mamuna si Blue sa aking mga suot. Kilala niya ba kung ganito ito galing? Napatingin ako kay Brooks. Gano’n din siya, nakatingin sa aking leeg.

“Bigay ng lolo ni Z noong pumunta ako sa kanila.” Kaswal kong sagot. Hinawakan ang kwintas at hinarap sa kanila. “Ang ganda, ‘di ba?

“Oo.” Hindi pa rin inaalis ni Blue ang kaniyang tingin sa kwintas kong suot. Ano ba ‘to? “Paano mo ba nakilala si Z? Sa totoo lang hindi ko pa nakikita ang babaeng ‘yon. Hindi mo siya dinadala rito. Katulad din ba siya nila Isa, Nafe at Faru?”

Agad akong umangal. “Hindi, ah. Ibang-iba ang ugali ni Z sa tatlong iyon. Disiplinado iyon ni lolo.” Tinaas niya ang kaniyang dalawang kilay. Sinasabing sagutin ang kaniyang tanong. “Kaibigan din siya ni Aevie. Doon ko nakilala si Z. Si Z dapat ang panglima sa grupo pero ayaw nitong maging magulo ang kaniyang buhay kaya umayaw. Iyong tatlo naman, kinakantiyawan si Z na mahina sa kadahilanang tinanggihan sila.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now