Chapter 110:

681 46 1
                                    

Thrizel’s POV

Nasa oras ako ng trabaho nang bigla akong tawagin ni Link. Wala akong pagpipilian kun’di lumabas ng kusina dahil lamang sa kaniyang pagiging paladesisyon na palabasin ako sa kusina. Ang kapal pa ng kaniyang mukha dahil inaatat niya ang aming manager. Masungit iyon pero walang talab sa kaniya. Akala mo siya ang may-ari ng resto. Ni hindi nga sila magkaibigan ni Gio. Ayokong lumabas dahil alam ko na ang aming pag-uusapan pero ito ako ngayon.

“How many times I have to tell you na hindi nga ako uuwi? Hindi rin ako magpapasa ng resignation letter para umalis dito. Masaya ako rito, Link. P’wede mo akong hayaan kung saan ako masaya.” Tinitigan ko siya ng seryoso dahil desididong-desidido ako sa aking sinabi.

Nakatitig siya sa akin ng walang emosyon. Tila hindi nais ang aking pinaggagawa ngayon. “I’m worried. May Cide at may Mr. X, papatayin mo ba ako sa pag-aalala? Thrizel, kaya pinapauwi kita ng bahay dahil mababantayan kita. Lapitin ka ng gulo, hindi ko papalampasin ‘to. Pinuntahan kita para sunduin. Makinig ka naman.”

Napahinga ako nang malalim. “Salamat sa pag-aalala. Walang ginagawa sa akin si Mr. X, malayo ako kay Cide. Walang mangyayari sa akin dito. Huwag kang praning, Link. Ayos naman ako. Gusto kong makisalamuha sa mga matatanda. Hindi ba advantage sa akin iyon?”

Napapikit siya at bumuntong hininga. “Papalagpasin ko ‘to pero kapag may nalaman pa ako tungkol kay Dominic. Ako mismo mag-uutos kay Gio na tanggalin ka rito. Hindi ko sasabihin sa mga magulang mo ‘to dahil kapag gusto mo, wala na akong magagawa. Kung may kailangan ka, I can help you.”

Agad akong ngumiti sa kaniya dahil siya lang talaga ang nakakaintindi sa akin. Sigurado naman akong walang mangyayari sa aking masama. Malayo ako kay Cide dahil iyon lang naman ang kilala kong makitid ang utak. Kung hindi ako aalis sa hideout ni Brooks, baka nga nagkagulo na roon kung sakali.

“Saka nga pala, Link. Kung pupunta ka rito ulit. Pakidala ang identification ni Redelyn Gauniria dahil isasauli ko kay Phryx."

Nang sabihin ko iyon, bigla siyang natigilan.   Nakunot ang aking noo dahilan para magtanong ang aking mga mata sa kaniya.

“Nandoroon ang cellphone mo, nakita ko.” Huminga siya nang malalim at tumingin sa kaniyang pagkaing dinala ko kani-kanina lang. “I saw sketch sa cellphone mo, sino nagguhit niyon? Thrizel, kamukhang-kamukha siya ni Arella. May napapanaginipan akong batang babae, sa guhit na ‘yon. Siya ‘yong batang babae na nasa panaginip ko. Paano mo naiguhit?”

Nakita niya na pala.

“Iyon ‘yong batang babaeng napapanaginipan ko. Pinaguhit ko kay Phryx. Bakit?”

“Hindi ko masyadong maalala ang batang babae. Pero para siyang konektado sa akin. Pakiramdam ko hindi panaginip, ala-ala.” Huminto siya. “Kung kamukhang-kamukha ni Arella, kamukhang-kamukha mo rin, Thrizel. Paano kung ikaw ‘yon?”

“Nakita ko na ang buong mukha ng bata pero sigurado akong hindi ako siya. Kitang-kita ko mismo sa aking panaginip.” Kontra ko sa kaniyang naisip. Malabong ako ‘yon. “And are you kidding me? This year lang tayo nagkakilala, kung ala-ala iyang pumasok sa isip mo. Malabo ‘yon, Link.”

Pansin kong nag-isip siya. Maya-maya ay tumango rin naman. “Yeah, you’re right.” Pero pakiramdam ko, hindi siya kumbinsido. Hindi uto-uto si Link. “Kailan pala huling usap niyo ni Thrale? Saka hindi ka man lang nagtanong tungkol sa kaniya.”

“Wala akong pakialam sa kaniya. Hindi ko na inabalang tanongin. Huling usap namin ay sa beach. Ang sabi ay babawi raw siy—”

“Iyon naman pala e, edi umuwi ka—”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now