Chapter 100:

807 65 14
                                    

Thrizel’s POV

Matapos ang pagsasagutan ng dalawang magkapatid. Ito na naman ako, nag-iisa sa labas ng resort. Ayokong makisalamuha sa kanilang pinag-uusapan, mas gusto ko pang damahin ang lamig ng hangin. Hindi man lang ako inaantok dito habang nakaupo. May kape naman sa aking gilid, inabutan ako ni Link kanina. Hindi kalayuan, natanaw ko ang isang pigura ng lalaki habang nakaupo sa dalampasigan. May ilaw sa kaniyang inuupuan kaya kita ko ang buhok niya. Kulay asul, walang iba kun’di si Blue. Nag-iisa lamang ‘to.

Huminga ako nang malalim bago siya puntahan. Nakaupo siya sa buhangin kaya umupo rin ako. I asked him. “Pagkatapos ng nangyari kanina, hinatak na ako ni Link. Susundan sana kita sa tubig dahil nag-aalala ako.” Nilingon ko siya. “Ayos ka na ba? Grabe, may hinanakit ka palang gano’n. Hindi halata sa iyo.”

Ilang minuto pa bago siya sumagot. Ibang-iba ang Blue kanina habang sumasayaw. Ngayon ay napupuno ito kalungkutan. Nakasimangot ang mukha. “Dahil ayokong intindihin ang pinoproblema ko. Napuno lang ako kay Ryke kanina, kung hindi niya ako pinigilan. Hindi kami magsasagutan.” Masyadong kaswal ang kaniyang pagsasalita. Hindi mo mawari ang kaniyang emosyon.

“Hintayin kong magkaayos kayo ni Ryke. Masyadong malawak ang isip ni Ryke para hayaan kang may ganiyang nararamdaman. Nagkamali man siya noong una, alam kong hindi niya na hahayaan muli na mangyari ‘yon.” Hinawakan ko ang kaniyang balikat. Tinapik-tapik ko iyon. “I’m always here, baka gusto mong umiyak para mapagaan ‘yang nararamdaman mo.”

Dahan-dahan siyang umiling. “Alam mo ba? Noong ipuwera siya ng kaniyang nililigawan dati, akala ko maalala niya ako pero hindi. Matapos n’on ay nahulog na naman siya sa isang babae. Iyon ang kasintahan ng kuya mo ngayon. Hanggang sa makalimutan niya ako, lahat naman ng babaeng minamahal niya, hindi niya makuha.” Tiningnan ako ni Blue. Napaiwas ako ng tingin dahil isa ako sa mga binanggit niya. “Ganoon siya kawalang kwenta.”

Natahimik kaming dalawa pero dahil may gumugulo sa aking isipan. Muli na naman akong nagtanong. “May tanong ako.” Inisip ko muna ang aking mga itatamong bago sumagot. “Naalala mo ‘yong exchange students kami nila Amira, Kier at ako sa Monarch High School? Sa paaralan niyo.” Tinanguhan niya ako. “Valle ang apelyido mo, paano mo naging kuya si Ryke? Kung Silas Marquez ang pangalan mo n’on. Pagkakamalan ko na talagang magkapatid kayo.”

Huminga muna siya nang malalim sa akin bago sumagot. “Kilala ako ng mga magulang ni Boss Brooks, malapit ako sa kanila. Hinahanap ako ng aking nanay kaya ginawa nilang Blue Valle ang pangalan ko sa Monarch High School. Hindi sila natakot mangialam sa aking buhay dahil kaya naman daw nila na walang nakakaalam kung sino ang nagbago sa aking pangalan. Si Boss Brooks pa nga ang nagpakulay sa akin ng asul para daw walang makakilala sa akin.”

“Simula nang tumakas ka sa poder ng nanay mo, hinahanap ka pa rin?”

“Oo.”

“E, noong nakaraan lang, nasa dyaryo ang mukha mo. Sigurado akong nakita na nila iyon. Iniisip ko ngang iyon ang dahilan kung bakit tayo kinukuhaan ng litrato mga babae sa jeep noong nakaraan.”

“Hmm? Dating litrato ang nilagay ni dad doon. Iyong kulay itim pa ang buhok ko, malinis ang mukha. Nabanggit iyon ni Brooks, ah? Nagagwapuhan lang sa akin iyong mga babaeng ‘yon.” Kahit pala may problema ito, nakukuha pa ring maghangin.

“Angas ni Brooks. Nagkakilala kami noong lagi niya akong inaabangan pagkatapos ng klase. Akala ko nga roon siya nakatira, pinagkamalan ko pang adik. Noong unang beses niya akong dinala roon sa kaniyang bar, akala ko abandonadong rest house lang iyon. Iyon pala sa likuran kami dumaan. Halos mamangha pa nga ako dahil kay Brooks pala ‘yong bar na ‘yon.” Hindi ko namalayan ang aking sarili na nakangiti na habang nagkukwento. Bago pa makita ni Blue, nagseryoso na ako.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now