Chapter 123:

658 58 17
                                    

Thrizel's POV

Balik na naman ako sa trabaho. Ito na ang huli kong pasok dahil kailangan ko nang umalis. Ayos lang naman kay Gio, bago naman ako pumasok dito nabanggit niya kila manager na pansamantala lang ako rito. Sinusulit ko na ang pakikisalamuha ko kay Chef Sanchez dahil hindi naman kami gaano malapit sa isa't isa. Hindi hadlang 'yon para makisalamuha ng sobra sa kaniya ngayon.

"Hindi ko akalain na hindi na kita makasasama." Mula sa aking gilid 'yon, kay Chef Sanchez. Abala siya sa paghihiwa ng mga gulay dahil ako ay naghahalo ng kaniyang niluto. Siya naman ang nagtitimpla at tumitikim nito.

"Oo nga po." Sagot ko. Binitawan ko ang sandok at kinuha ang kaniyang ginagawa. "Kailangan kasi dahil uuwi ang aking mga magulang. Sa totoo lang, hindi nila alam ito." Tinuon ko nalang ang paningin ko sa ginagawa.

Sabay kaming napatingin ni chef sa pintuan nang bumukas 'yon. Nakita ko ang aming manager na seryoso ang mukha. May pagkasungit pa rin sa kaniya. Kakabalik ko lang sa trabaho, simula pa kanina ay hindi ako nito tinatapunan ng tingin. Ayos lang naman sa akin dahil ganiyan siya noong baguhan ako. Dapat na akong masanay doon.

"Ms. Wrent, sa labas ka muna." Ang mga tingin niya, nasa hawak niya lang na maliit na kuwaderno. May sinusulat ito. "Maiba tayo." Tinitigan niya ako sa mga mata. "Sabi ng batang si Gio, aalis ka na raw?" Tumango ako sa kaniyang tanong. Mabilis siyang napaiwas ng tingin, nawala ang atensyon sa akin.

Hindi na siya nagsalita kaya napagpasyahan ko nang lumabas. Inasikaso ko na ang mga costumers. Nang kakaunti nalang, bumalik ako sa kusina. Sa pagpasok, agad na nagsalita si Chef Sanchez.

"Naalala mo 'yong lalaking tinanong ko sa 'yo? Marami siyang inoder." Tumingin ako sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata. "Ang sabi mo, kuya mo 'yon."

"Ah, opo, kuya ko." Nilagay ko na sa lababo ang mga pinggan. "Mabuti nga't ayos na kami. Dati kasi ay puro pagtatalo."

"Kinausap ko 'yong kaibigan ko tungkol sa sinabi ko sa 'yo." Natigilan ako. Iyon ba 'yong sinasabi niyang may kasamang matatanda si Thrale? "Kilala niya raw si Thrale Wrent, kaibigan din daw nila. Sa pagkakaalala kong sinabi niya, iyong mga nasa 30 years old, hinuli ng mga pulis dahil sa pakikipag-away. Matagal na raw hinahanap. Nakaalis lang ng police station nang makilala sila ng kuya mo. Nakakapagtaka nga raw dahil wala man lang isang pulis na tumutol sa gusto niyon."

Humarap ako sa kaniya. "May kasalanan ang mga lalaking 'yon. Kung kuya ko ang ang hihiling, hindi p'wede 'yon."

"Kasama si Thrale sa magkakagrupong 'yon. My friend fought with elders with evil intentions. They were the ones the police charged so they were arrested. Sa explanation at reason ni Thrale, madali niyang nakuha ang kaniyang gusto. Malaki ang tiwala ng mga pulis sa kaniya."

Nakakapagtaka ang sinabi ni Chef Sanchez ngayon. Naalala ko tuloy na siya si Mr. X. Naalala ko rin ang sinabi ni inspector na bawal sabihin kung sino si Mr. X dahil sila ang malalagot. Sa kasong pinapasok ni Thrale, doon palang malaki na ang tiwala ng mga pulis sa kaniya. Ngayon, hindi na kataka-taka kung bakit sumang-ayon ang pulis sa kaniyang patakasin ang kaniyang mga kaibigan.

DUMATING ang gabi. Maayos akong nakapagpaalam kay Chef Sanchez. Kapag daw may libre siyang oras, baka raw dalawin ako sa bahay. Masarap naman siyang kausap kahit minsan lang ako kausapin. Sa tutuosin, gusto ko rin siyang maging kaibigan kahit malaki ang agwat ng edad namin. Sa ngayon, palabas na ako ng resto. Napahinto lang nang may tumawag sa aking pangalan. Hinarap ko, ang aming manager.

"Ms. Wrent!" Naglakad ito papalapit. May kinuha siya sa kaniyang bulsa. Isang calling card. "You can call me, aalis ka na, hindi ba?"

Tatango na sana ako nang bigla siyang yumakap sa akin. Matapos iyon, naramdaman ko nalang na humihikbi ito. Taas-baba ang kaniyang balikat. Napayakap ako pabalik dahil ngayon ko lang nakita ang aming manager na ganito. Mula sa pintuan ng kusina. Nakita ko si Chef Sanchez na nakangiti.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now