Epilogue:

1.3K 75 29
                                    

Third Person’s POV

Puno ng kaba ang puso ni Thrale. Hindi niya alam kung anong irereaksyon, matutuwa ba dahil maipapanganak na ang kaniyang anak? O matatakot dahil alam niyang nahihirapan ang kaniyang asawa sa pagluwal nito? Dahil hindi siya makapili, pinaghalo niya ang dalawa. Panay tapik ang kaniyang tatay sa balikat nito para pakalmahin dahil kanina pa siya palakad-lakad. Hinihintay niyang lumabas ang doktor.

“Calm down, Thrale. Ikalma mo ang sarili mo dahil kanina pa kami nahihilo sa ‘yo.” Hindi maibanat ang labi ni Link para sa ngiti. Mas lalo siyang nagiging seryoso kapag tumatanda. Magkasalungat talaga ang magpinsan.

Agaran siyang bumaling sa pinsan na nanginginig pa rin sa kaba. “You don’t know the feeling like this, Link.” Napasabunot siya sa sarili bago umupo sa upuan. “Kanina ko pa gustong magkita ang mag-ina ko, dad. Ang tagal naman lumabas ng doktor.”

Iisipin niya pa lang kung gaano nahihirapan ang asawa sa loob, hindi niya na kayang makita ‘yon. Atat na atat siyang pasukin ang delivery room. Lumiban siya sa kaniyang trabaho para mabantayan ang asawa dahil ngayong buwan ang kaniyang panganganak.

Napatayo ang lahat nang lumabas ang kanina pa nilang hinihintay. Hinubad muna nito ang suot na mask bago magsalita. “The baby and your wife are saf—”

Hindi na pinatapos ni Thrale ang sasabihin nito dahil pumasok na siya sa loob. Kita niya ang isang nurse na inaasikaso ang bata. Sunod niyang nilingon ay ang asawa, nakadilat ang mga mata nito habang nakatingin sa anak. May ngiti sa labi. 

“Mr. Wrent, sir?” Nang matapos ibalot ng nurse ang bata. Hiniga niya ‘to sa tabi ni Thrizel dahil iyon ang gusto ng nanay.

Dahan-dahang naglakad si Thrale patungo sa kama kung nasaan ang kaniyang mag-ina. Nang makarating sa gawi, agad niyang hinawakan ang kamay ng anak. Tiningnan niya ang asawa na nakangiti sa kaniya. Lahat ng kaba niya ay napawi. Ang puso niya ay walang katapusan na saya. Ibang-iba ang pakiramdam niya nang masilayan ang mukha ng anak. Namumula pa ang mga balat nito.

“That’s him, mahal...” Mahinang wika ng asawa. Nakatingin din sa anak. “Our son, Kaitrell...”

Ngumiti siya sa anak. “Hi, baby. I’m your dad.”

Ilang minuto pa silang nasa ganoon hanggang halikan ni Thrale ang asawa dahil dadalhin na ito sa recovery room.

Thrizel’s POV

Tatlong taon na ang nakalipas. Nandirito ako ngayon sa party, ako ang kinuha nilang chef kasama si Chen Sanchez. Kakatapos ko lang magluto kaya ang ibang katulong na nandirito ay nililinis ang mga naging kalat namin. Nakaupo ako sa upuan habang nagpapahinga. Pinatunog ko pa ang aking leeg at mga daliri. Ilang oras yata akong nakatayo sa kusinang ‘to.

“Hindi na ba kaya?” Biglang pasok ni Chef Sanchez na dala ang isang ingredients. Inaayos niya rin ang ibang mga gulay sa plato. Ako ang unang nagpahinga dahil parang wala siyang kapaguran.

“Ito na yata ang pinakamahirap kong naranasan, sunod-sunod ang luto. Wala man lang tayong pahinga. Ang lawak ng venue tapos tayong dalawa lang ang chef?” Hindj makapaniwalang tanong ko. Sa sobrang daming bisita, talagang mapapagod ako.

“Tayong dalawa lang ang pinagkakatiwalaan. Triple naman ang bayad sa atin dito. Ngayong araw lang naman ‘to.” Nang matapos siyang magplating. Binigay niya sa waiter para i-serve sa nagrequest. See? Nagrerequest pa sila. Paano kapag sunod-sunod? Buti na lang maraming staffs, natutulungan kami.

“Pagkatapos nito, bagsak talaga ako sa higaan.” Tumayo na ako sa upuan para tapusin ang aking ginagawa.

Laking pasasalamat ko nang matapos ang party. Panay ako hikab dahil anong oras na rin. Nandidito ako sa entrance habang hinihintay si Chef Sanchez. Ako kasi ang unang lumabas. Siya ang maghahatid sa akin sa bahay.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now