Chapter 141:

705 54 11
                                    

Thrale’s POV

Ilang araw na ang lumipas. Nandito kaming dalawa ni Dominic sa presinto habang kausap si Captain na kasama rin sa aming kaso. Gustong makausap ni Dominic ng harapan ang witness na baka may makuha siyang ibang ebidensya rito. Ngayon, dalawang video ang binigay. Pinanood namin ang dalawa, ang nauna ay nagtapos sa oras na isang minuto at labing tatlong segundo. Ang pumangalawa naman ay isang minuto at isang segundo. Hindi putol ang mga kuha dahil napanood namin ang pangyayari kung paano pinatay ang biktima.

“Kaninang umaga, may lalaking patay na inaanod sa ilog.” Striktong sabi ni Captain. Iniisip kung anong susunod na sasabihin. “Sa pangatlong video, masasabi kong iyon ang lalaking pinatay kagabi. Wala pa tayong sapat na ebidensya. Tagong-tago ang mukha ng alkalde. Hindi natin p’wedeng arestuhin nalang iyon.”

Nangunot ang noo ni Mr. Reyes sa wika ni Captain. Mukhang hindi sang-ayon sa desisyon. “May apat na tayong ebidensya! Kung hindi sila maniniwala, ididiin ko ang hayop na lalaking iyon sa korte!” Mukhang naasiwaan na rin siya sa alkalde kaya ganiyan kung magreaksyon.

“Mister, nang-aaresto lang kami kapag hawak na naman ang lahat ng ebidensya. Iyang mga pinakita mo sa akin, katiting palang ‘yan. Bakit hindi mo bantayan ang alkalde at kuhaan mo ng buo—”

“Pulis kayo, hindi ba? Dapat kayo ang gumagawa niyon! Apat na lalaki na ang pinatay niya! Sapat para arestuhin!”

Napahinga nang malalim si Captain sa kakulitan nito. Imbes na siya ang magsalita, inunahan siya ni Dominic. “Saan galing ang mga ebidensya mo?” Ang mga tingin niya ay nasa universal serial bus. Hinawakan pa para suriin ito.

“Ang unang video, nakuhaan ko. Hindi na ako mapalagay, dapat nang mahuli ang alkalde kaya ako na ang gumawa na dapat gawain ng mga pulis. Naghanap ako ng ebidensya sa bahay niya. Malupit ang mayor sa mga pasikreto niyang gawa.” Mahabang lintaya nito.

Napatango-tango si Dominic. “Kakagaling mo lang ba roon?” Tumango ang si Mr. Reyes. “Maari ko bang tingnan ang kotse mong dala? Hindi naman p’wedeng nakaalis ka ng ganoon lang. P’wede kang mapahawak sa ginagawa mo.”

“Nasa parking lot, kulay puti ang kotse ko. Pakitingin nalang.” Tumango si Dominic. Lumabas siya ng presinto. Humarap sa amin ang witness. “Susubukan kong maghanap pa ng ebidensya. Lalabas din ang katotohanan. Makukulong iyon.” May determinasyon sa kaniyang pananalita bago lumabas.

Napailing-iling nalang ako. May napansin ako sa kasong ‘to pero hindi sapat para maging ebidensya. Humarap ako kay Captain. “Anong gagawin natin? Wala akong nagiging kilos pero pakiramdam ko ang hirap ng kaso na ‘to, Captain.”

Seryoso siyang umupo sa upuan. Malalim ang iniisip. “Sino ‘yong kasama mo? Hindi mo naipakilala sa akin.”

“Kapatid ng asaw—” Hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang sikuhin niya ako sa tagiliran. Aba’t, hays. Salamat siya mas matanda siya sa akin.

“Wala kang asawa.” Kaswal niyang sagot. “Isang prosecutor, ano? Makakatulong sa atin. Tiningnan ko sa mga mata, halatang may alam sa kaso at hindi sinasabi.”

“Pulis ka, Capt. Hindi police detec—Aray! Dalawa na iyon, huh! Idedemanda kita!”

“Umayos ka, hindi biro ang kaso.” Sumeryoso ang kaniyang mukha. “May nahahalata ka ba? Sa bawat kaso natin, ikaw ang may napupuna kaya imposibleng wala kang napansin.”

“Wala.” Diretso kong sagot. “May mapupuna lang siguro ako kapag nakita ko si Mayor Gabriel Valencia.”

Natahimik kaming dalawa. Wala kaming naging usapan dahil nag-iisip kami ng gagawin. Nasa ganoon kaming sitwasyon nang marinig naming may sumabog sa labas. Lahat kami ay naging alerto. Sobrang lakas niyon. Matapos ang pagsabog, lumabas kami nila Captain kasama ang ibang pulis. Nakita namin ang puting kotseng umaapoy. Malawak ang parking lot, walang nadamay dahil wala itong katabing sasakyan.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now