Chapter 94:

846 54 15
                                    

Thrizel’s POV

“Nag-usap kami ni Thrale. What else can we expect? We know when he finds out I hid you from him, Thrizel. He will get angry. He was angry but were we okay. Nagagalit yata siya dahil ako ang tumayong kuya sa ‘yo. May masama ba roon? Ako na nga ang tumulong para malinawan ka riyan sa kalokohang nararamdaman mo.” Ang tinutukoy niya ay ‘yong nararamdaman ko kay Thrale. Tama ang sinabi dati ni Brooks, naguguluhan lang ako. Tama ang ginawa niyang ilayo niya ako kay Thrale. Tumingin siya kay Blue na nananahimik. “Saan pala kayo galing? Bihis na bihis ka, Blue. Halatang kakauwi niyo lang.”

“Kanina pa ako rito, si Thrizel ang kakauwi lang.” Sagot ni Blue habang nakatingin sa kaniyang cellphone. “Saan ka pala pumunta, Thrizel? Bigla kang bumaba sa jeep.”

“Pinuntahan ko lang ‘yong lolo ni Z. Maya-maya ay babalik ako sa kanila.” Maayos kong sagot sa kaniyang tanong. Pum’westo ako sa bintana para magpahangin.

“Ang tanong, saan nga kayo galing?” Umupo si Brooks sa sofa. Kinuha niya ang kapeng nasa lamesa at sumimsim.

“Sa bahay.”

Sa sagot ni Blue, napahinto si Brooks. Tinaasan niya ito ng kanang kilay. “Seriously? Anong sabi ng tatay mo? Himala dahil umuwi ka. Akala ko ba wala kang balak umuwi?”

May kinuha si Blue sa ilalim ng lamesa. Hinagis kay Brooks ang isang dyaryo. “Sinong hindi uuwi kung nasa newspaper ang mukha mo?”

Biglang natawa si Brooks nang makita niyang nandodoon nga ang mukha ni Blue. Kahit ako ay nakisilip. “Ang dami mong reklamo, gwapo ka naman dito. Last year picture mo ‘to, ano? Malinis ka sa mukha e.”

“Sandali nga, Silas ba talaga ang pangalan ni Blue? Tinawag kasi siyang Silas ng kaniyang tatay.” Singit ko sa dalawa.

“His real name is Silas. Kung ano ang tinawag sa kaniya, iyon na.” Hinarap niya sa akin ang dyaryo kung saang pahina ang mukha ni Blue. “Did you see his name? Silas Marquez.”

“Silas Marquez?” Nagulat ako sa nalaman. Inisip ko kung saan ko ba narinig ang kaniyang apelyido. “Magkapatid kayo ni Ryke? Ryke Marquez ang buong pangalan niya.” Nagtinginan ang dalawa, hindi alam ni Blue kung sasagutin ba ang aking tanong. Mausisa ako kaya nagtanong muli. “Kung magkapatid kayo, bakit galit na galit ka sa kaniya?”

“Opps, tama na ‘yan, Thrizel.” Tumayo si Brooks para akbayan ako. Bumulong siya sa akin. “May hinanakit kasi ang baby boy natin.” Napahalakhak ang lalaking ‘to nang batuhin siya ni Blue ng sapatos.

Agad ko namang tinanggal ang akbay nito dahil may nararamdaman akong kakaiba. Hindi ko iyon pinansin, tumuon ako kay Blue. “Pagkarating natin sa bahay niyo. Bakit may pasabi-sabi ka pang huli ka sa trabaho? Anak ka niya, ‘di ba? Nagtatrabaho ka roon?”

“Huh?” Napatanga si Blue sa aking tanong. Halata naman sa kaniyang reaksyon na nag-iisip siya. “Sinubukan ko lang na maging hardinero. Ulyanin si dad. Noong palabas na tayo? Sumabay siya sa pag-uusap na tungkol sa halaman ‘di ba? Habang nakikipag-usap, inaalala niya kung sino ako. Pasasalamat ko ngang pinigilan tayo dahil kung hindi niya ako naalala, tayong dalawa ang maglilinis ng mga halaman ni mom.” Humarap siya kay Brooks. “Kung magtatanong ka kung bakit ako napunta kay Brooks. Niligtas niya ako sa isang away, sa limang lalaki.” Tinuro niya ang ekis sa kaniyang noo. “Ito? Sila may kagagawan niyan. Simula nang tulungan niya ako at dalhin sa ganitong buhay. Mas pinili ko ‘to dahil masaya. Hinahanap lang ako ni dad kapag ilang weeks na akong hindi umuuwi sa bahay. Suportado niya pa rin ako, sent money to my bank account. Kahit makapal ang aking mukha, nahihiya pa rin ako sa kaniya. Hindi ko ginagalaw ang perang nandodoon. Hindi sa tinitipid ko ang aking sarili. Kaya ko namang mabuhay na nandidito e. Saka itong si Brooks, pili sa kakaibiganin. Alam mo bang inalam niya muna ang background ko bago niya ako maging tauhan? Ayaw niya raw sa mga ispiya.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now