Chapter 124:

631 45 7
                                    

Thrale’s POV

“Umuwi na tayo.” Pagyayaya sa akin ni Gio.

Nahinto kami rito sa kaniyang kotse. Pinanood nalang namin kung paano umalis ang kotse ni Kein. Ang kamao ko ay nakalapat sa kotse ni Gio dahil sa inis. Nakayuko habang patuloy pa rin ang pagluha. Tumigil na rin ang ulan kaya sa buong kalsada, iyak at sigaw ko lamang ang maririnig.

“Gio...” Napapunas ako ng luha. Napasandal na rin sa kotse. Nanginginig ang boses kong nagsalita. “M-Mali ba ‘yong ginawa ko?” Humarap ako sa kaniya. “Mali ba ang ginawa kong ‘yon?!”

Napalayo-layo siya sa akin. Seryoso ang mukha. “Sa parents niyo, maling-mali dahil magkapatid kayo. Kung hindi mo naman kapatid si Thrizel at kung siya si Arella, mali pa rin dahil magpinsan kayo.” Tumabi siya ng sandal sa akin. “Kung ako ang nasa sitwasyon mo, mawawalan ako ng pag-asa dahil kahit anong pilit mo sa tadhana, hinahadlangan ka. You have two problems or let’s say your options. Of those two, it is also forbidden. Saan ka lulugar? Saan ka kukuha ng pag-asa? Ang mahalin ka muli ni Thrizel para parehas ang nararamdaman sa ‘yo? Maraming sumang-ayon sa sinasabi nila na kapag nagmahal ka ng bago, piliin mo ‘yon. Dahil kung mahal mo ang nauna, hindi mo mamahalin ‘yon. Sa isang salita, Thrale, hindi ka na niya mahal.”

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung kaibigan ko ba ito dahil walang pigil sa pagsasalita. Mas lalo akong nasaktan sa mga binitawan niya. Nasaktan ako dahil sa buong sinabi niya, lahat ay totoo. Saan nga ba ako kukuha ng pag-asa? Walang-wala. Bakit noong mahal ako ni Thrizel hindi ako gumawa ng paraan? Gio is right. Tadhana mismo ang humahadlang sa amin.

Napaayos ako ng tayo. Natauhan ako. Medyo lumamig ang aking awra pero iisipin ko palang na si Thrizel ang kaharap ko. Pakiramdam ko agad na lalambot ang aking tuhod, sa pagsunod niyon ang puso ko hanggang buong ako na mismo ang rumupok. Ang tagal kong tinago ‘to. Ngayon ko lang nakuhang umamin, huh? Isa lang ang nararamdaman ko bukod sa nasasaktan. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko kanina dahil ayos na kami. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari. Lalayuan din ba ako ni Thrizel tulad ng ginawa ko sa kaniya? Palaganti ang aking kapatid.

LUMIPAS ang ilang oras, ako nalang dito ang nasa sala. Sila Blue at Gio, sa guest room natulog. Tumigil ang ulan pero umulan ulit, mas malakas nga lang kaya sinabihan ng aming mga magulang na rito nalang matulog si Gio kahit may dala siyang kotse. Ang pakay ko? Hinihintay kong umuwi si Thrizel dahil alam kong uuwi ‘yon. Sa katangahan kong ginawa kanina, malakas pa rin ang aking loob. Hinahanap nga siya nila mom, ako na nalang ang nagpalusot.

Mula sa bintana na natatakpan ng kurtina, nakita ko ang isang kotseng huminto. Anong oras na, ngayon lang umuwi. Anong pinag-usapan nila ng kaibigan ko? Napatigil ako sa pag-iisip dahil bumukas ang pinto. Alam ko naman na siya ang papasok. Tiningnan ko ang kaniyang kabuoan, iba na ang suot.

“Uh.” Iyan lang ang lumabas sa kaniyang bibig nang makita ako. Nilapag niya ang payong sa gilid at lumayo-layo sa pinto.

Nangunot pa nga ang noo ko dahil nakatayo lang siya, inaasahan niya sigurong sesermonan ko siya pero hindi. Tumayo ako para isarado ang pinto. Ang pakay ko lang, ang hintayin siya. Wala akong ibang sinabi, naglakad na ako paakyat. Hindi pa nakaligtas sa akin ang mga mata ni Link na nanonood sa amin. Mukhang nakakahalata siya.

“Thrale...”

Ito, hindi ko inaasahang tatawagin niya ako. Hindi ko siya nilingon pero sumagot. “Sleep, anong oras na.” Pumasok na ako sa kwarto. Ganitong-ganito siya kapag nasasaktan ko.

SABAY-SABAY kaming kumakain ng umagahan. Ang katabi ko ay sina Link at Gio. Hindi ba kataka-taka na hindi na tumatabi si Link sa tabi ni Thrizel? Sa kinagawian, lagi niya itong pinagsasandok ng pagkain. Hindi ko alam ang dahilan.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Место, где живут истории. Откройте их для себя