Chapter 1

60 4 0
                                    


Revised chapter 1 version




"Hoy ate gising na!"

Rinig kong sigaw ng kapatid ko.

Dahan dahan akong umupo sa kama ko at pinunasan ang Luhang tumutulo na ngayon sa aking mata.nasanay na ako sa ganitong pangyayari tuwing umaga.

Wala namang masakit o nangyayari sa mata ko, di rin naman mahapdi 'to.Kung kaya't di na ako pumuntang doctor para patingnan ang mata ko. Nagsimula' to noong may napanaginipan akong kakaiba. Kahit ako di ko maintindihan kung anong nangyari doon sa panaginip na yun.

Nagsimula na akong kumilos, inayos ko muna ang buhok ko at inipit iyon para hindi magulo. Naligo na rin ako at bumaba na para kumain.

"si mama?" tanong ko sa kapatid ko at umupo na para mag agahan. Tumingin sya saglit sa akin bago magsalita.

"kanina pa umalis, kasama si tita mika mag zu-zumba ata eh"sagot nya habang naghahanda na rin para sa pasok nya ngayon. Iniabot nya sa akin ang plato para magsimula na akong kumain. Sya ang kadalasang naghahanda dahil mabagal talaga ako kumilos tuwing umaga lalo na't bigla nigla nalang akong umiiyak pagkagising pa lamang.

Tumango na lamang ako at binilisan ang pagkain para maka punta ng maaga sa school. Pagkatapos kumain inayos ko na ang buhok ko at nagsuot na ng uniform. Tiningnan ko rin kung may naiwan at nakalimutan bago umalis. Iniwan ko lang ang mga books ko dahil dagdag bitbitin lang ito, makikishare nalang siguro ako if ever na need sa school

Sabay na kaming umalis sa bahay ng kapatid ko. Sumakay na sya ng tricycle at nagpaalam na sakin. Naglalakad na ako ngayon pagkatapos bumaba sa jeep. Maraming tao ngayon dahil tanghali na at marami rin akong kasabay na mga estudyante.

Papasok na ako sa school gate ng mapansin ko si Warrenson sa tabi ng gate. Nagtama ang tingin namin, sya ang unang umiwas at pumasok na. Hindi na ako medyo nagtaka lagi syang ganyan simula noong nag transfer sya dito. Ganon din ang nangyayari parehas kaming magtititigan at sya ang unang iiwas saka papasok na sa loob. Nung una lang ako nagtaka pero dahil nasanay narin wala nalang reaksyon. I don't find him creepy at all, yun pa nga ata ang pinagtataka ko. Kapag may nakatitig sa akin na lalaki nawiwirduhan ako pero pag sakanya ewan.

"huy! Tagal mo ah tara na!" salubong sakin ni grace at inakbayan ako. Tinanggal ko ang braso nya dahil nabibigatan ako, kahit kailan ang gaslaw nito kumilos. Sabay kaming naglakad papasok ng gate.Agad na kaming pumasok sa room. Nakita ko na sa upuan si Warrenson, lolo nya ang nagmamay-ari ng school nato kaya naman sobrang kilala sya ng lahat. Naalala ko pa na may historical something daw dito sa school na'to at ang lolo nya lang daw ang may alam non. Pero sabi sabi lang naman yun, parang mga chismis lang din na dating simbahan ang mga schools o di kaya naman ay sementeryo.

Umupo na ako sa upuan ko at nilabas yung notebook na maglelesson mamaya. Wala pa namang teacher ng pumapasok kami kaya maingay din ang classroom. May nagbabatuhan ng papel sa kanan. Sa kaliwa naman may nagkwekwentuhan. Sa harapan may nagaaral at sa likuran ay gumagawa ng assignment na hindi naman dito dapat sa school gawin. Nakita ko lang din si grace nasa kabilang upuan nanghihingi nakita nya kaseng may pagkain yung tao dun parang hindi kumain bago umalis. Umiling lang ako saka pinaikot ang hawak kong ballpen.

Patuloy lang ako sa paglibot ng aking mata sa buong room, wala rin naman akong magawa rito. Hindi ako social butterfly katulad ni grace. Magsasalita lang ako kapag kinakausap ako. Di ko rin malabas ang phone ko, lowbattery na kase. Napakunot ako dahil ang maari ko lang gawin ngayon ay tumingin tingin sa paligid at paikutin ng paikutin ang ballpen na hawak ko.

Nahagip ko nanaman ang isang pamilyar na mata. katulad ng nangyayari sa gate ganto din ang eksena sa room. Minsan ko nang nakikita syang nakatitig lamang sa akin, umiiwas din sya sa tuwing nagtatagpo ang aming mata.

TakipsilimWhere stories live. Discover now