Chapter 11

9 2 0
                                    


THIRD'S PERSON POV:

nakita ni cecillia na naguusap ang magulang nya at ni mario. Labag sa kalooban ni cecillia ang pagpapakasal kay Mario dahil hindi nya naman ito kilala at hindi nya ito mahal. Matagal din nyang natanggap iyon, marahil alam nya na wala na syang magagawa kaya naman ay tinanggao nya na lamang iyon.

Lumabas si cecillia sa likod ng kusina dahil ayaw nyang makagulo sa pinaguusapan ng mga magulang nila sa sala. Marami na rin ang tao sa labasan. Nagulat sya ng may lumapat sa kanyang balikat na dahon at agad syang napatalon sa takot. Natapilok ang kanyang paa sa pagtalon nya, akmang mahuhulog na sya ng masalo sya ng isang lalaki. Hinigpitan nito ang hawak sa bewang ni cecillia upang hindi ito mahulog.


Napatitig na lamang si cecillia sa lalaking nasa harapan nya.

"ayos ka lamang ba?" agad na umayos ng tayo ito dahil sa hiya tanging tango na lamang ang kanyang naisagot.

Walong araw na nakalipas ang nangyari na iyon ngunit napukaw ito ng atensyon ng dalaga. Palagi nya ring naiisip sa gabi ang itsura ng binatang kanyang nakilala. Kung kaya't palagi syang umaalis ng bahay upang kung sakali man ay sila'y magkita muli.


Mag isa na ngayong naglalakad si cecillia. Ng sa pag lalakad nya ay matalsikan sya ng alak ng mga kalalakihan na nasa harap nya. Pinunasan nya ang knayang mukha at pati narin ang suot nya. Galit na tumingin sya rito dahil sa kabastusan na ginawa nila.

"naku binibini masyadong mainit ang iyong ulo, di naman namin ito sinsadya" sabi ng isa at saka nagtawanan silang lahat dahilan para magalit lang lalo si cecillia.

"nagbibiruan lamang kami rito" saad naman ng isa pang lalaki atsaka tinalsikan uli si cecillia ng alak. Napanganga na lamang si cecillia dahil di nya akalaing may gagawa ng ganitong kabastusan sa kanya. Akmang susugurin nya na ito ng may humarang sa kanya, napatigil sya ng makilala kung sino iyon.


Agad namang nagsiayusan ng tayo ang mga lalaki na ngayun ay mukhang takot na takot na.

"paumanhin ho heneral, nadala lamang kami dahil sa kalasingan" saad nilang lahat ng hindi manlang tinitingnan ang lalaki sa mata.

"kung sana ay iniwasan nyo ang pag iinom nyo rito s agilid ng daanan ay hindi kayo mapapahamak, talagang nagpakita pa kayo ng kabastusan sa isang binibini"

Kinuha na sila ng iba pang naka uniporme dahil sa paglabag sa batas na bawal ang pag inom sa daanan. Napangisi na lamang ang dalaga sa nangyari. Nagulat rin ito ng biglang hawakan nito ang kanyang mukha ng dahan dahan atsaka pinunasan ang kanyang mukha. Pagkatapos ay inalok nya ang kanyang kamay upang makipag kamay.

"Augustin soriento" saad nya, agad namang nakipagkamay rin ang dalaga.

"cecillia deleon" ngiti ng dalaga sa lalaking kaharao nya. Nagpaalam na muli ang nag ngangalang Augustin na isang heneral. Muling nabaling ang tingin ni cecillia sa heneral.


Makaraan din ang ilang linggo ay nagkikita sila at nagsasama. Nagsusulatan rin sila ng kanilang sulat kung si cecillia ay hindi maaring umalis. Unti unti na rin silang nahuhulog sa isa't isa habang tumatakbo ang oras.

Ngayong gabi ay nagkita muli sila sa kanilang tagpuan. Iyon ay ang isang malaking puno na malapit sa isang aklatan. Tila nakatitig lamang sila sa kapaligiran at dinadama ang ihip ng hangin.


Hindi makapagsalita si cecillia ng sinuotan sya ni Augustin ng isang balabal, Tila nakatitig lamang sila sa isa't isa hindi alam kung anong sasabihin.

"ano ang balita sa iyong kasal?" tanong ni agustin. Kay agustin nagkwekwento si cecillia tungkol sa kanyang pangyayari sa buhay kung kaya naman ay alam rin ni agustin na napilitan lamang si cecillia na Ikasal kay mario.

TakipsilimWhere stories live. Discover now