Chapter 13

10 3 0
                                    

WARRENSON'S POV:
(flashback)

'Kahit anong henerasyon, taon, lugar ikaw parin ang pipiliin kong ibigin. Hinding hindi ako mapapagod ibigin ka.'

Nagising muli ako ng may luha s amga mata. Hindi na bago iyon ngunit mukhang na tuloy na ang istorya s aaking panaginip mula noong hawakan ko ang lamparang iyon. Pabalik balik rin ako sa aklatan para sabihin iyon sa manong na nagbabantay rito.

"sigurado ho ba kayong wala yang kinalaman sa panaginip ko" knaina ko pa kinukulit sya ngunit todo tanggi din naman ito.

"sa tingin mo ba ay isa akong mangkukulam? , marahil ay marami ka lang napapanood ng kung ano ano kaya ganyan ang mga napapanaginipan mo. Lubayan mo na lang ako" saad nito at umalis na. Paulit ulit ko lang syang pinupuntahan dahil alam kong may kinalaman ang lamparang iyon. Nararamdaman ko.

Malapit ng mag takip silim at papatungo uli ako sa aklatan. Ito lang yung ginagawa ko araw araw habang di pa nagsisimula ang start ng classes. Pagkapasok ko ay halatang walang tao roon, wala ring mga tao rito. Luma na rin kase ang aklatan kaya siguro ay wala ng may gusto pang pumunta rito.

Wala rin yung manong na tagabantay rito kaya nagikot ikot na lang muna ako. Nakita ko uli yung lampara, kinuha ko ito at hinawakan muli. Napatingin ako sa pintuan na nasa gitna.
Lumapit ako sa pintuan mukhang yun yung silid para sa mga lalagyanan ng iba pang libro. Sa pagbukas ko ay ramdam ko agad ang hangin galing sa parang tunnel sa likod ng pinto.

Napatitig lang ako rito mukhang mahaba ang lagusan bago madilim pa roon. Inilapit ko ang lampara na hawak ko sa loob para tingnan ito, tila mahaba nga talaga ang lagusan na ito. Hahakbang na sana ako para pumasok roon ngunit may humila s aakin at agad na sinaraduhan ang pinto. Tumingin ako at nakita yung manong na gulat akong makita ngayon.

"hindi ba't sabi ko sayo na lubayan mo na ako, ano ang ginagawa mo rito." sambit nya sa akin. Magsasalita sana ako pero di nya na ako pinatapos atsaka kinuha ang lamparang nasa kamay ko.

"huwag mo na ring buksan 'yan, hindi pa ang tamang oras" rinig ko ang buntong hininga nya ng sabihin nya iyon.

Tamang oras?

Kung ganon ay hindi basta lagusan iyon.

"umuwi ka na lamang" nagulat sya ng bigla kong binuksan muli ang pintuan kanina, ngunit ako ang mas nagulat dahil tumambad sa akin ang mga libro. Tila naging silid na ito at nawala na ang lagusan na nakita ko kanina. Lulingon ako sa kanya ng takang taka.

Huminga sya ng malalil bago nagsalita.
"mukhang hindi na nga kita matatakasan, may nalalaman kana"

"paano nangyari iyon?, nakita ko ang lagusan kanina" takang tanong ko. Sinensyasan nya akong maupo sa harap nya. Umupo na ako roon, nakita ko rin ang seryoso nyang mukha.

Napagusapan namin ang tungkol sa panaginip ko, ang sabi nya ay isa itong ala ala sa nakaraan kong buhay. Hindi ko ito pinaniwalaan noong una ngunit ipinakita nya sa akin ang peklat ko sa palad, naalala ko rin ang nangyari sa panaginip.

Sinabi nya rin sa akin na nagbubukas ang lagusan tuwing magtatakip silim at ito'y magsasara muli pagkatapos nito. Maari ring magbukas ng kusa ang lagusan kapag ang mga lampara na ito ay nasa tamang landas ng maghahawak. Simula noon ay palagi ko ng nasa isip ang panaginip.

"dito nalang" i said to my mother at umalis na sa kotse. Marami akong nakitang naglalakad gusto ko ring sumabay sa kanila.

"Chrysan! Bilisan mo na!" sigaw ng babae na nasa bandang harapan ko. Pinatuloy ko lamang ang pag lalakad ko ng maunahan ako ng isang babae dahilan para matigilan ako.

"wait lang naman! Hoy hintayin mo 'ko!" patuloy parin ang pagtakbo nya.

Nakita ko ang gilid ng mukha nya dahilan para hawakan ko ang pulsuhan nya. Napahinto sya at tumingin sa akin. Nagtataka kung bakit ko ginawa yun. Tumitig lang ako sa kanya.

Nakita ko uli, nakita na kita.

Ng makita ko na nawiwirduhan na sya sa akin kaya binitawan ko na sya. Agad namang sumulpot ang babae kanina at hinatak sya papaalis sa akin. Nakatutok parin ang mata ko sa kanya na ngayon ay papalayo na. Napahinga ako ng malalim saka ngumiti. Nakita ko rin ang mukha nya at hindi ito sa litrato.

Nasa loob na ako ng room habang nakatitig parin sa kanya. Chrysantha, Chrysantha na ang ngalan nya ngayon. Nagdidiscuss ang teacher namin sa harapan. Habang ako ay nakatitig oarin sakanya. Bahagya syang lumingon sa gawi ko. Magkatitig lang kami ngayon tila ba parang wala kaming naririnig at parang kaming dalawa lang tao sa room.

Two weeks narin ang nakalipas ng magkita kami ng unang pagkakataon. Siguro ay nasanay narin sya na nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko rin alam ang gagawin at sasabihin sa kanya, sa ngayon nagpapasalamat na lang ako dahil nakita ko muli sya.

Naglalakad ako sa hallway papunta sa art room, ito ang subject namin ngayon. Papasok na sana ako ng makita ko si Chrysantha na nasa lapag na kasama ang mga materials na nagkalat. Habang nagliligpit na sya ay pumunta na ako sakanya at tumulong. Matapos mailagay ang lga materials sa box ay nagpasalamat sya.
Tatayo na sana sya para kunin ito ngunit inunahan ko na sya.

"ako na" iyon lamang ang salitang nasabi ko. Pinilit kong itago ang ngiti ko dahil nasa tabi ko lamang sya sinasabayan ako sa pag lalakad.

Nasa teachers office ako ngayon dahil naguusap ang mga magulang ko at ang principal, siguro ay tungkol rin sa business. Umalis na muna ako at pumunta sa garden ng school, dun ko rin kasi makikita ang paboritong bulaklak ni cecillia.

Hindi ko na pansin na may tao palang nauna rito at tinititigan lang din ang bulaklak. Ng tingnan ko kung sino ito nakita ko si Chrysantha, napangiti na lamang ako dahil nagsasalita na sya tungkol sa bulaklak. Nakinig din ako sa kanya dahil matagal ko ng hindi narinig ang boses nya ng matagalan.

"Tila hindi ka parin nagbago" sambit ko dahilan para matigilan sya. Nakatitig lang ako sa mga mata nya, para bang nabuhayan muli ako tuwing kasama ko sya.




"Chrysantha pa tulong naman ako rito" rinig kong tawag ng babae kay Chrysantha. Na patingin ako sa libro na iniwan ni Chrysantha na ngayon ay hawak na ni mario. Binitawan nya ito sa ibang lamesa. Lumapit ako rito at kinuha ang libro. Ng mabuksan ko iyon nakita ko ang isang maliit na papel kilala ko na agad kung sino ang gumawa noon. Binitawan ko nalang ito.

Naglakad na ako papalayo at naalala ang sinabi ni manong.

Maaring magbukas ang lagusan kung nasa tamang landas ang mga lampara



Nasa tabi ko na si Chrysantha taka rin ng makita nya ako ngayon. Magsasalita pa sana sya pero may dumaan s agitna namin. Pumasok na lang din sya at sinundan ko. Nakita ko si marion inaasahan ko ring nandirito sya dahil sa nangyari kanina sa library.

Nakita ko ang pagtingin ni manong sa akin at tumingin kay Chrysan at marion na ngayon ay naguusap. Nagsalita na sya sa gagawin at ipinaliwanag nya rin ito.

"paano mo nalaman" takang tanong ng babae sa nasabi ni manong sakanya.

Siguro nga ay marami syang nalalaman.

Pumili na kami ng sarili naming lampara. Binuksan na ang pintuan kita rin ang gulat sa mukha ng bawat isa. Unang pumasok si Chrysantha sumunod na rin ako sakanya at napatigil ng magkatinginan kami.

"tandaan mo ang mga binilin ko sa iyo" bulong nya sa akin. Tumango lang ako, nagpapasalamat rin ako sakanya dahil may nalalaman ako ngayon bago pa man bumalik sa nakaraan kong buhay.

TakipsilimWhere stories live. Discover now