Chapter 14

11 2 0
                                    

Sinusundan ko ngayon si agustin, mukhang di pa nya nalalaman na nasa likuran nya ako. Marami sigurong iniidip sya, napa nguso nalang ako, siguradong nahihirapan sya rito.

"anong ginagawa mo rito?" tanong nito habang nakapatong ang kamay nya sa ulo ko. Hindi ko napansin na nakaharap na pala sya sa akin. Ngumiti lang ako at kinuha ang kamay nya s aulo ko at hinatak sya s aouno na pinagtatambayan namin.

Nakaupo na kaming dalawa sa tabi ng puno. May balak talaga akong sabihin sa kanya ngayong araw.

"mukhang malalim ang iniisip mo kanina" simula ko para mapailing sya.

"siguro nga, ngunit wag ka ng mag alala dahil ngayon ay nasayo lamang ang atensyon ko" sambit nya at Ngumiti lang sa akin.

Nagkunwari na lang ako na umubo para makaiwas ako ng tingin. Yan na naman kase sya tumitibok na naman ng malakas yung puso ko, nakakahiya.

Narinig ko ang pagtawa nya. Siguro ay halatang peke yung ubo ko.

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"kailan kaya tayo makakaalis dito" napatingin sya sa akin.

"nais mo na bang umalis?" tanong nya sa akin agad akong umiling.

"hindi sa ganon may naiisip kasi ako" salbit ko.
"sabihin mo sa akin ang naiisip mo, handa akong makinig" saad nya naman. Ngumiti ako sa kanya. Kahit na ang normal na mga salita ay nakakakilig pag sya ang nagsabi. Siguro abot tenga na ang ngiti ko ngayon.

"malapit na ang kasal namin ni marion, hindi ko rin nais na maikasal at sigurado rin akong hindi ganon ang nais ni marion." napatingin ako sa kanya seryoso na ang mukha nya.

"sigurado ka bang ayaw nyang mangyari iyon?" bulong nya, rinig ko iyon ngunit di ko alam ang ibig na sabihin sa sinabi nya.

"paumanhin, ipagpatuloy mo lang ang iyong sasabihin" bumalik muli ang ngiti nya ng makita na nakatingin ako sa kanya. Tumango lang ako sakanya.

"naisip ko rin na maari mo akong itakas at magpupunta tayo sa di kilalang lugar o kung saan man." panimula ko uli.

"itatakas?" tanong nya sakin, tumango uli ako sakanya saka pinagpatuloy ang sinasabi ko.

"pagkatapos ay tutuklasin natin kung paano tayo bumalik, sa tingin ko rin ay dapat nating bitbit ang lampara na dala natin, naalala ko kase yung sinabi ni kuya mama sa aklatan. Ang sabi nya ang lampara ang nagbibigay ng tamang landas. Saka natin isasama si marion para makaalis na"tumingin ako sa kanya matapos kong sabihin ang plano ko.

Nakita ko ang seryoso mukha nya uli. Makailang saglit ay Huminga sya ng malalim at tumingin sa akin.

"sige, pumapayag ako. Itatakas kita ng ligtas" saad nya. Ngumiti ako sa kanya at yumakap sa kanya dahil sa saya. Rinig ko ang mahinang tawa nya. At niyakap ako pabalik.

"isasama rin natin si marion ha, wag mong kalimuta-" di na natapos ang sasabihin ko ng humiwalay sya sa yakap at naging seryoso muli ang mukha nya. Siguro ay napapangitan talaga sya kay marion.






Tapos na ang pagsusukat ng susuotin kong damit pangkaasal. Ang pagkakaalala ko ay bukas na ang kasal. Kaya naman ay magkasama kali ngayon ni agustin. Kanina ay kumain kami sa kainan nina mutya. Tingin nga sila ng tingin sa amin. Sinabihan din ako ni mutya na baka raw ay may kabit na agad ako e hindi pa naman daw kami kasal ni mario. Sinabihan ko nalang sya na hindi kabit si agustin.

Naglalakad na kami ngayon ni agustin habang ako ay hawak ang tinapay at kinakain ito habang naglalakad. Maraming tao sa daanan ngayon, may mga ilang bata rin ang naglalaro sa gilid.

TakipsilimOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz