Chapter 9

11 3 0
                                    



Tila blangko ang isip ko dahil sa sinabi kanina ni Augustin. Tama ba yung pagkarinig ko?, o baka naman imagine ko lang. Nandito na ako kasama si Mario sa aklatan. Nagkwekwento sya hanggang ngayon nakikinig naman ako kaso biglang bumalik sa isip ko yung mga sinabi ni Augustin.


"ayos ka lang ba Chrysan?" nagulat ako dagil tinawag nya ako. Sya lang ata ang tumatawag s aakin dito na Chrysan siguro ay nasanay na rin sya.
Tumango lang ako saka ngumiti, pinakinggan ko sya sa mga sinasabi nya. Hindi naman ako ganon ka bastos na tao na hindi nakikinig sa kwento ng iba.



Nagtagal din kami sa aklatan kaya umalis na rin kami kaagad dahil malapit nang mag dilim. Nagpaalam na kami sa isa't isa ng makarating kami sa tapat ng tahanan ko. Dumiretso ako sa aking silid at saka nagbihis na ng pantulog.


Nakadungaw lang ako sa bintana ngayon iniidip parin kung seryoso ba si Augustin sa pinagsasabi nya kanina. Matagal din akong natulala kakaisip. Kaya bumaba na lang ako saka pulunta kina mutya, para naman mawala sa isip ko iyon. Matagal ko na ring hindi nakikita sina mutya.


"cecillia bakit ka Napa rito?" bungad sa akin ni mutya. Natawa na lang ako yan kase palagi nyang tanong sa akin tuwing puounta ako.

"wala kasi akong magawa sa bahay dito na lamang ako tutulong" wala ng nagawa si mutya at pinapasok ako. Marami talaga ang kulakain rito sa kainan nila akay medyo naoasubok ako sa mabilis na pagkilos.



Matapos ang isnag oras ay Nagpaalam na ako sa kanila. Pilit rin nila akong pinaalis dahil gabi na raw. Wala rin akong nagawa sa huli at umalis na. Naglalakad ako ng bigla akong napatid sa isang bato. Nagkaroon tuloy ako ng sugat sa bandang paa. Lumingon ako sa bato kaso bigla nalang itong naglaho.


Takang taka ako sa nangyari as in naglaho talaga sya. Lalapit sana ako roon ng biglang may lumuhod sq harapan ko at hinawakan ang paa ko na may sugat. Hindi na ako nakagalaw ng makita ang mukha ni Augustin. Wala syang sinabi at agad akong ibinuhat at inupo sa upuan na nakita nya sa malapit.



Umupo sya sa tabi ko at pinunasan ang dugo ng sugat ko gamit ang panyo nya. Naalala ko tuloy yung ako ang gumawa nyan sa kamao nya. Muli syang umupo sa tabi ko.



"paumanhin kung ganon ang trato ko sayo kanina" sambit nya habang kinakalikot ang hawak nyang panyo.
Magsasalita sana ako ng maalala ko ang sinabi nya kanina noong kami'y magkasama. Tumango na lamang ako bilang sagot.





"hindi mo rin kailangan magsalita tungkol sa sinabi ko kanina. Batid ko na hanggang ngayon ay naguguluhan ka sa mga sinasabi ko. Ngunit ang masasavi ko lamang ay ang lahat ng mga salitang lumalabas sa aking bibig tuwing kasama ka ay totoo at galing sa puso" tumingin ako sa kanya ng makitang nakatitig na oala dya sa akin.

Napapikitpikit na lamang ako hindi ko alam ang sasabihin ko dahil wala oa namang nagtatapat na may  gusto sila sa akin mula noon. Ngumiti muli sya at akmang tatayo na.



"gabi na ihahatid na kita" tatayo na sana sya ng hawakan ko ang kanyang mukha at hinalikan sya sa bandang mata. Ramdal ko ang pagkagulat nya ngunit ito'y naoalitan rin ng ngiti. Kahit ako ay nagulat rin dahil sa nagawa ko.


Hihiwalay na sana ako dahil nahihiya na ako sa mga nangyayari. Ng bigla nyang pinulupot ang kanyang kamay sa aking bewang at niyakap ako. Siniksik nya ang kanyang ulo sa aking leeg. Unting unti nanamang natutunaw ako dahil sa mga ginagawa nya. Hinawakan ko na lamang ang kanyang buhok at ito'y sinusuklay gamit ang aking mga daliri.


Kalaunan ay yumakap din ako sakanya.ngunit nagulat ako dahil sa pagkapikit ko ay biglang nakita ko ang isang babae at lalaki na nagyayakapan rin sa ilalim ng puno. Napamulat na lamang ako sa gulat. Hindi ko alam kung sino ang nakita ko pero iba na ang pakiramdam ko rito.



INIUWI nya na ako sa tahanan ko.
Pumasok na rin ako ng makita ang lga magulang namin ni Mario sa salas, siguro ay may pinaguusapan lamang. Dumiretso na lang ako sa aking silid at saka huliga na para matulog.



Maaga rin akong nagising para ibalik
Ang mga aklat na hiniram ko, wala rin kase akong magawa rito kaya nanghiram nalang ako ng aklat para may babasahin ako. Lumabas na ako at saka nagpaalam.


Bago pa man ako makalabas nakita ko si mario sa aking harapan may bitbit na basket at puno ito ng mga prutas.

"ano 'to ayuda?" pagbibiro ko pano ba naman e ang aga aga namimigay na sya ng ganiton. Narinig ko ang tawa nya at saka iniabot s aakin ang basket.

"baliw, para sayo yan" sambit nya, habang ako ay nakatitig lamang sa mga prutas.
"baka kase namamayat kana rito, aalis na ako andami ko palang trabaho kahit dito" tumawa nalang ako. Nagulat lang din ako ng bigla nyang hinawakan ang aking ulo saka ngumiti at umalis na.




NASA harap na ako ng aklatan ng makita ko si Augustin, lalapitan ko sana sya kaso agad na napatigil din ako ng makita syang pinaliligiran ng mga kababaihan. Mukhang nanghihingi ng tulong ang iba sa kanya. Kumunot na lang ang noo ko at pumasok nalang sa aklatan. Sumasakit ulo ko sa kanila.



Binabalik ko na ang mga libro sa lalagyanan ng maisip ko muli yung kanina. Siguro ay hindi naman sila naliligaw gusto lamang makalapit kay Augustin. E ang dali dali lang naman ng mga direksyon dito. Hindi ko napansin na medyo padabog ko na pala nailagay ang mga libro. Na patingin tuloy ako sa nagbabantay. Buti nalang at abala ito sa lamparang hawak nya.




Naalala ko tuloy kung paano kali pulasok rito, paano nga rin ba kami maka aalis dito. Hindi na natuloy ang pag tatanaong ko sa sarili ng pumasok si Augustin sa aklatan, mukhang nagulat sya na makita nya ako rito ngayon. Lumingon na lang ako sa ibang direksyon, ayoko muna syang maka usap. Hindi nagtagal e wala manlang akong narinig na salita galing sa kanya. Nilingunan ko uli sya pero hindi nya lang din ako pinansin at nilampasan lang ako.



Umalis na lamang ako sa aklatan, nakita ko rin na sumunod sya s aakin palabas. Muli akong nairita dahil hindi nya pala ako sinundan at tiningnan ang kabayong nasa labas. Akma na akong aalis ng may batang nagbebenta ng prutas ang kumausap sa akin.


"binibini baka iyong magustuhan ang aking tinitindang prutas" saad nito sa akin. Bibili sana ako dahil onti na lang ang natitira ng biglang magsalita si Augustin na nasa tabi ko hawak parin ang kabayo.


"sa tingin ko ang binibini na iyan ay hindi na makabibili dahil meron ng ibang nagbigay sa kanya ng prutas" halata sa boses nya na naasar na sya, kumunot uli ang noo ko.

"kung ikaw ay naliligaw magtanong ka lamang sa ginoo na iyan, dahil tiyak na marami syang natulungan na mga babae na hindi makahanap ang daan kung saang lugar" sumbat ko atsaka masamang tumitig sa kanya.



"tiyak ako na busog na sya sa prutas ng iba" diniinan nya pa ang pagkabigkas nya sa salitang iba dahilan para matawa ako sa inis.

"siguro ay lumabas ka para makatulong uli sa mga kababaihan na hindi alam ang direksyon, sadya naman talagang napakamatulungin mo hangang hanga ako sayo" humarao na ako sa kanya at saka pilit ngumiti.


"hanga rin ako sa koneksyon nyong dalawa ni Mario, sabagay malapit na nga pala kayong ikasal" sambit nya dahilan para ako'y inis na umalis. Nakailang hakbang na ako papalayo at saka huminto at lumingon sa kanya.


"huwag mong aasahan na magpapakita pa ako sayo! " inis kong sigaw sa kanya at tuluyan nang umalis.









Nakahiga lamang ako uli sa aking kama. Inis na inis parin ako s anangyari kanina. Kanina pa ako salita ng salita rito baka mamaya akalain na nilang baliw na ako. May kumatok kaya agad akong tumayo para tingnan kung sino ito.



"ipinamimigay ho sa iyo" abot sa akin ng isang tagaluto sa amin. Hindi ko nakita kung ano man ito dahil ito'y nakabalot sa isang tela. Nang maitanggal ko ang tela bumungad da akin ang isang bulaklak na kulay puti.


Nakita ko rin na may maliit na papel, binuksan ko iyon at binasa ang nakasulat.



'masyado akong nadala ng aking emosyon, sorry na.'

Natawa ako dahil ngayon lang sya gumamit ng english word simula noong napunta kami rito. Dumungaw ako sa bintana ng makita ko sya roon.
Binuksan ko ang bintana at saka nag okay sign sakanya at ngumiti.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon