Chapter 12

15 3 0
                                    

THIRD'S PERSON POV:

Dumating na ang araw ng kasal. Nakabihis na rin si cecillia sa loob ng silid habang hinihintay parin si Augustin, umaasang darating sya at tutuparin ang pangako nya. Nakailang tanong rin sya sa mga kasambahay ngunit wala paring dularating na bakas ni agustin.

Bumukas ang pinto agad namang napalingon si cecillia roon ngunit ang ina nya lamang ang nakita nya roon. Bumalik ang kanyang walang emosyon, tila hindi parin makatitig ang ina nya sa kanyang mga mata.

"gusto ko lamang kamustahin ka, napakaganda mo ngayon anak" sambit nito ngunit hindi manlang umangat ang tingin ni cecillia s akanyang ina. Napa buntong hininga na lamang ang ina nya at saka akmang aalis na ng may sabihin pa sya.

"mahal ka namin cecillia" iyan ang palaging salita na sinasabi ng knayang ina sa tuwing lalabas sya sa silid ni cecillia. Hindi ito pinansin ng dalaga dahil malapit na magsimula ang kasal ngunit wala parin si agustin. Tuluyan na syang na praning ayaw nya s asitwasyon na ganito. Ang nasa isip nya lamang ay makaalis rito.

Pumunta sya sa pintuan, nagulat sya ng makitang iniwang nakabukas ito ng knayang ina kanina at hindi ito kinandado. Agad na syang umalis at isinara ang pintuan. Balak nyang dumaan sa likod ng kusina at umakyat sa maliit na bakod sa labas ng bahay.

Kinabahan si cecillia ng makita ang kanyang ina sa salas, halos mabilis ang pagtibok ng puso nya dahil maari nya uli ikulong sya.

Nagulat lamang sya ng ngumiti lamang ang kanyang ina at tumango na para bang sinenyasan na umalis na. Tulingin lang muna sya bago umalis at tumakbo na patungong kusina, naabutan nya ang mga katulong roon nagpaalam lang sya saglit at agad ng tumakbo papalabas.
Umakyat na sya s amaliit na bakod, nagulat rin sya dahil marami ang nagbabantay sa harao ng bahay. Mabuti na lang ay sa likod lumabas si cecillia.

Pulatungo lamang sya upang hanapin si agustin. Ng makita nya ang kabayo nito, lumapit kaagad sya roon kung saan naabutan nya ang kasalahan ni agustin.

"nakita mo ba si agustin?" hingal na tanong nito sa lalaki.

"binibining cecillia anong nangyari da iyo" nagaalala nitong sagot.

"si heneral ho ba?, ang alam ko ay lumisan sya sa ibang bansa dahil may kailangan silang tapusin na trabaho roon, kakaluwas lang ho nila kanina" bumigat ang dibdib ni cecillia ng marinig iyon. Tuluyan na syang iniwan ng lahat. Tumalikod na sya at hindi alam kung saan pupunta. Saan pa nga ba sya pupunta kung pati si agustin ay wala na, wala na syang rason upang tumakas pa.

Tumakbo na sya papalayo dahil nakita nya na ang mga tagabantay na tila may hinahanap. Sigurado sya na ngayon ay hinahanap na sya dahil sa oras na ito ay malapit ng matapos dapat ang kasal. Tumakbo sya s agawing pagubat upang di sya agad mahanap.

Tuluyan ng bumuhosang ulan. Basang basa na rin si cecillia ngayon habang umiiyak parin dahil sa nangyayari ngayon. Di nya aakalain na mapupunta s aganto ang lahat.

'Tila totoo nga na kapag ikaw ay magiging masaya ay agad din itong mapapalitan ng lungkot'

Tuluyan ng bumagsak si cecillia sa damuhan hindi parin tumitigil sa hagulgol. Ng makarinig sya ng mga yapak papalapit sa kanya. Inaasahan nya na ang mga taga bantay iyon, wala na rin syang pakialam kung mahuli sya. Pagod na pagod syang lumingon agad na bumagsak muli ang mga luha nya ng makita nya si agustin.

Tumayo sya kaagad at hindi na lamang pinansin ito. Iniisip nya parin ang di pagtupad sa pangako nito at iniwan lamang sya sa lahat ng nangyayari ngayon. Hindi makalakad ng maayos si cecillia agad naman itong tinulungan ni agustin ngunit tinanggal lamang ng dalaga ang kamay ni agustin sa kanya.

Hinawakan na ni agustin ang pulsuhan ni cecillia, napabitaw na lamang sya ng biglang lumingon si cecillia at sumigaw.

"ano ba!, kaya ko naman e, kaya ko ng magisa. Hindi ko kailangan ng tulong mo!" sigaw ni cecillia at inalis ng agresibo ang pagkahawak ni agustin. Ngunit hindi parin sumusuko si agustin at patuloy parin nitong sinusundan ang dalaga.

TakipsilimWhere stories live. Discover now