Chapter 5

14 2 0
                                    



Pagkalingon ko ay nasa tabi ko na sya at nakatitig sa akin. Agad ko syang Hinila papaalis at pumunta sa may sulok upang walang makakita sa amin.

"bakit ka nandito?" agad kong tanong sakanya ng makapunta na kami sa sulok. Kita ko rin ang suot nyang uniporme na pang heneral. Wala rin namang nagbago sa itsura nya, siguro ang nagbago lang ay ang ayos ng buhok nya.

"ah edi kung ganon, magkakilala tayo dati?.​ O baka naman magkasabwat kayo ni manong. Ang realistic nito ha siguro madali silang budget para magawa nila 'to" patuloy kong daldal sa kanya, habang sya ay nakatitig lang sa akin.

"bagay saiyo ang suot mong baro' t saya" sambit nya at ngumiti.

"medyo magaling kana sa pagsalita ng tagalog, alam mo yun yung para taga rito ka na dati." daldal ko uli sa kanya. Napatitig tuloy ako sa hawak ko, nakalimutan ko nga pala na pupunta ako sa kainan nung ano nga uli pangalan non?.

"tila may pupuntahan ka yata"
"ah oo, dun sa kainan nina.." napahinto na lang ako sa pag sasalita, ganto na ba ako kaulyanin.

"kainan ba nina mutya ang iyong ibig sabihin" saad nya, oo nga pala mutya.

Tinakpan ko ang bibig ko sa gulat, pano nya kaya nalaman yun siguro may powers sya sabi na eh immortal yan.

"paano mo nalaman ha!, nanghihinala talaga ako sayo eh, ang weird mo" sabi ko habang tinuturo turo pa sya.

Ngumisi lang sya at naglakad papalapit sa akin saka kinuha ang hawak ko.

"iyon ay isa sa pinaka kilala na kainan dito, samahan na kita" sambit nya at akmang aalis na.

Paano nya naman nalaman na pinakilala yun na kainan rito.

"agustin" sambit ko na akmang ikinatigil nya naman. Halata din ang gulat sa mukha nya na may kung ano mang reaksyon.

"ah, narinig ko kasi yun yung tawag sayo ni ama kanina" agad kong sagot. Nagulat din ako ng matawag kong ama ang lalaki kanina. Siguro nga ay unti unti ko nang naiintindihan.

"tayo na" sabi nya naman at saka pumatuloy lang sa pag lalakad. Sumunod lang at sumabay sa kanyang lakad.

"kung ganon nandito na tayo sa nakaraan nating buhay, bago ang iyong pangalan ay agustin, ang akin naman ay cecillia. Bago yung lalaki na kausap mo ay ang aking ama. Nakatira din ba ako dun sa malaking bahay na iyon?" patuloy kong salita habang kami'y naglalakad.

Hindi ko rin napansin na nagpalit kami ng pwesto sya na ang nasa gilid ng daanan. Nakita ko rin syang ngumiti habang nakikinig sa mga daldal ko.

"parang ganun na nga."maikling sagot nya. Tumigil sya sa tapat ng isang kainan andito na siguro kami. Dahil sa pagtigal nya ay muntik na akong masubsob sa likuran nya. Na pahawak ako roon dahil sa kawalan ng balanse. Nakita ko rin sya na tumingin sa akin, agad ko nalang kinuha ang hawak nya at diretsong pumunta sa kainan.



Napahinto ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin kilala ang mga tao dito.

"oh cecillia bat ka naparito"salubong sa akin ng isang matandang babae, habang pinunasan ang kanyang basang kamay.

"ah ibabalik ko lang po sana ang mga lalagyanan na inihiram namin" hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko.

"oh cecillia! Bakit ka... Heneral agustin bakit ikaw ay naririto rin?"saad naman ng isang babae na kararating lang. Eto siguro si mutya, astig ng pangalan yan yung pangalan sa isang teleserye eh.

Ngayon ko lang din na nasa likod ko pala si Warrenson, hindi ko alam kung ano bang itatawag sa kanya.

"Sinamahan ko lamang si binibining cecillia papunta rito" sambit nya ng walang emosyon sa mukha, oarang kanina lang ang saya saya nya.

TakipsilimWhere stories live. Discover now