Epilouge

16 3 0
                                    


"ginoong agustin!" sigaw ng batang lalaki na papunta na sa akin. Ngumiti lamang ako at lumapit papalapit sa kanya.

"eto ho aming nabalot ito ng maayos"
Sambit nya at Ngumiti sa akin.

"salamat, sa susunod ay ako na lamang ang pupunta para hindi mo na ako hanapin" saad ko at marahang ginulo ang buhok nya. Kinuha ko na rin ang bulaklak na ipinabalot ko. Nakita ko ring naglakad sya ng sabay sa akin.





"ginoo, sino ho ba ang binibigyan nyo ng bulaklak? Sigurado akong napakaganda nya kaya isang buwan kayong nagpapabalot ng bulaklak" tumingin sya sa akin at napatingala.

"tunay na napakaganda. Hindi lamang ang kanyang mukha pati narin ang kalooban" pagngiti ko ng maalala ko muli sya.

"nais ko rin ho syang makita ginoo!" sambit nya ng masaya. Lumuhod ako ng kaunti at hinawakan ang ulo nya saka pilit na ngumiti.

"nais ko rin"









Umupo na muli ako at isinandal ang ulo ko sa puno, kung saan ang dati naming tagpuan. Ibinababa ko ang bulaklak sa tabi ko at tinanggal ang sombrerong suot ko. Muli kong ipinikit ang mata ko.



Ngayon ko lang naisip na parehas parin ang eksena ko rito sa puno, kahit pa man ay ibahin ko ay wala talagang magbabago. Ngunit kahit kailan ay di akong magsasawang maghintay di ko na naisip kung di man ako makabalik. Ang kinakatakutan ko na lamang ngayon ay hindi na kami magkita muli.





Mahigit anim na buwan na ng makalipas ang pangyayaring iyon. Huling pagkikita namin ay sa kukungan habang sya'y umiiyak.


Rinig ko na ang pagtakbo nya papaalis. Mabuti na lamang at nakumbinsi ko sya na umalis na, kung hindi ay tiyak na mapapahamak pa sya. Dahan dahan akong tumayo habang hawak ang tagiliran ko. Naalala ko ang nangyari noong kahapong gabi. Ikinulong nila ako at pinagsasaktan, wala na rin akong magawa dahil marami sila at naka tali ang magkabilang kamay ko.





Pumunta ako sa maliit na bintana at pilit itong binuksan, ngunit kahit anong gawin ko ay ayaw talagang mabuksan. Lalakad na sana ako papunta sa kandado ng makita ko ang ina ni cecillia.


Nakita ko rin na may hawak syang susi at mabilis itong binuksan ang kandado. Tumingin muna sya kaliwa't kanan saka binuksan ang selda. Tinulungan nya rin akong tumayo, tumingin lamang ako sakanya ng takang taka. Wala rin syang sinabi s aakin at ibinigay ang balabal na binigay ko kay cecillia, ngumiti muna sya saka tumango sa akin. Gulat din ang mga ibang nasa kulungan dahil sa pagpapalaya nya. Ngumiti ako pabalik at umalis na.


Tumakbo ako papuntang aklatan. Nakita ko na malapit na matapos ang Takipsilim, mabilis na akong tumakbo para maabutan ko sila. Hindi ko na rin napansin ang hapdi sa bawat katawan ko. Habang tumatakbo ay napahinto ako dahil may isang kalesa na natumba, wala ring masyadong tao kaya siguro'y walang nakakita rito. Aalis na sana ako dahil akala ko ay walang tao rito ng makarinig ako ng iyak ng isang bata.


"itay!, tulong po!, tulungan nyo po kami" hagulgol ng bata na nasa likod ng kalesa. Lumapit ako para makita iyon. Nakita nya ako at agad na lumapit sa akin, hindi pa sya masyadong makagalaw dahil sugatan rin sya dahil sa aksidenteng nangyari.

"ginoo, tulungan nyo po ang itay ko" pagmamakaawa nya. Napatingin na lang ako sa kalangitan, kung tatakbo ako ay siguradong maabutan ko sila. Aalis na sana ako ng makitang nagmamakaawa parin sya. Itinayo ko sya para ilayo sa kalesang tutulakin ko.


"ayos lamang ho ba kayo?" sigaw na tanong ko at sumilip s abandang ibaba dahik napabaliktad ang kalesa.

"ayos l-lamang, ngunit ang paa ko ay naiipit" hindi pa ito masyadong kliro dahil sakit na sakit na sya dahil s apagkaipit nito. Tinanggal ko ang ibang parte ng kalesa na nagkahiwalay hiwalay na. Buti na lamang ay hiwalay na ang ibang parte para mas mabilis na maitulak at maihaon ito.



TakipsilimWhere stories live. Discover now