Chapter 6

15 2 0
                                    

Umaga na at rinig ko rin na tinatawag na ako para kumain ng agahan. Hindi ko rin alam kung anong oras na dahil wala rin akong nakikita na orasan.

Umupo muna ako at sinampal sampal ang sarili kung totoo ba talaga ang nangyari kahapon.

"aray!"sigaw ko napalakas ata yung sampal.

"bakit ho?" agad na pasok ng isang babae sa aking silid. Sya pala yung isa pang humabol sa akin kahapon, sya rin ang naghatid ng pagkain sakin kagabi.

"ah wala, napatid lang ako. Susunod na rin ako" sagot ko at napakamot nakang sya sa batok.

Nasa tapat na ako ng pintuan nag dedesisyon kung ano ang dapat kong sabihin. Kahit pala rito ninenerbos din ako.

Wala na akong nagawa at bumaba na para kumain, nagugutom na rin kase ako. Tanghali na rin siguro ako nagising. Napatigil ako sa pag lalakad ng makita ko kung gaano kahaba yung lamesa. Hindi naman ganon kahaba siguro oa lang ako.

Umupo na ako sa pinaka sulok nang biglang nagtinginan sa akin yung mga tao sa loob ng silid. Hindi ko alam ang nangyari, may muta ba ako?

Saka ko lang napagtanto na baka upuan ito ni ama agad akong umupo sa ibang upuan, syempre yung malayo din doon nakakatakot kaya sya kagabi. Nakita ko syang umupo na sa upuan na inupan ko kanina, buti nalang talaga nakaalis na ako bago pa sya nakarating.

Nakita ko rin ang pagkain dito. ulam lang din bago kanin, akala ko mag papandesal sila. Hinihiwalay ko rin ang gulay sa ibang plato, hindi kase ako kumakain ng gulay e. Habang hinihiwalay ito napatingin ako sa paligid ng mahagip ko ang mata nila na nakatingin sa akin.

Binitawan ko tuloy ito at saka kumain nalang. Nawalan tuloy ako ng gana.

"sigurado akong hindi na lalabag si cecillia. Kung kaya maari na siguro syang mamasyal at-" hindi na natuloy ang sinasabi ni ina ng magsalita si ama.

"mas mabuti ng nandito sya sa tahanan hanggang ang salu-salo ng pamilyang hidalgo" sambit nya at akmang tatayo na para umalis.

"hindi ho ba akong pwedeng lumabas para tulungan sina mutya sa kanilang kainan" saad ko, nagulat din ako saking sarili kung saan ko hulugot ng lakas para sabihin yun.

Ngayon ko lang din napansin na nandyan na pala ang mga kalalakihan na naka uniporme sa bandang pintuan.

"kahit ibig mong silang tulungan, ay hindi ka dapat tumutulong sa kanila. Hindi iyon ang layunin mo rito." sagot nya kaagad at humarap sa akin.

Akala ko magkaibigan ang pamilya nila mutya at ang sa akin.

"kung inyong pahihintulutan maari ko namang bantayan si binibining cecillia ngayong araw" napalingon ako sa nagsalita. Hindi ko rin namalayan na nandito rin pala si agustin.

Matagal na natahimik si ama at tumingin kay agustin.

"kung ganon ay maari ko syang pahintulutan." gulat akong lumingon sa kanya.
"malaki ang tiwala ko sayo agustin, wag na wag mong aalisin ang iyong mata sa aking anak" patuloy nyang sabi.

"hinding hindi ho iyon mangyayari" sagot naman ni agustin habang nakatitig sa akin.

PUMASOK na ako sa aking silid upang mag ayos ng aking sarili. Hindi ko naman talaga alam kung anong gagawin ko sa labas. Inayos ko ang suot kong baro't saya at saka inipit fin ang buhok ko. Sinuot ko rin ang balabal na nakita ko sa loob ng silid. Siguro sa akin naman 'to.
Nakita ko rin na may parang wallet doon, kinuha ko na rin baka may mabili din ako.

Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita ko agad si Augustin nakatayo sa salas at hinihintay ako. Naglakad na ako papunta sa kanya, saka tinapik sya sa kanyang balikat. Napalingon din sya sa akin.

TakipsilimWhere stories live. Discover now