Chapter 7

14 3 0
                                    




Rinig ko ang ingay sa labas pag kagising ko. Inayos ko muna ang sarili ko at lumabas na habang kinukudot ang aking mata, para malaman kung ano bang nangyayari.

Wala pala sa salas ang ingay. Nagmumula ito sa kusina, pumasok ako sa kusina kita ko na marami ang tao rito na nagluluto. Nakita ko si ina na papalapit sa akin.


"gising kana pala anak, tandaan mo mag ayos ka mamayang gabi dahil ngayong gabi ang salu-salo ng pamilyang hidalgo rito sa ating tahanan." hindi ako inform na dito pala mag sasalo salo.


Tumango lang ako at saka tumingin sa mga pagkain na ngayon ay niluluto nila. Sa ngayon ang nasa isip ko lang ay pagkain para sa mamayang salo salo mamayang gabi. Tiyak na masasarap ang pagkain ang sosyal kase siguro ng pamilyang yun.


"o aling myrna pakidala na lamang ito sa kainan nina aling erza at paki sabi rin kay mutya na sya'y pumarati rito" aalis na sana ako at babalik sa tulog ng marinig kong sinabi iyon ni ina.

"Ako na lamanh ang magdadala nito sa kainan nina mutya ina" agad kong takbo sa kanya.

"ngunit hindi ka pa nag uumagahan"
Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"ah!, kakainin ko nalang ito habang ako'y patnugo kina aling erza" saad ko at tinuro ang piraso ng pandesal at ngumiti.

Sa huli pulayag din si ina. Nag ayos na ako ng aking sarili saka hinayaang naka lugay ang buhok ko. Papaalis na ako ng biglang sumalubong sa akin si ama.

"mag ayos ka mamayang gabi" sabi nya at binigay sa akin ang tatlo pang piraso ng tinapay. Ngumiti lang ako at saka nagpatuloy sa pag lalakad. Syempre habang lumalakad ako ay kulakain rin ako, eto nga lang pala ang umagahan ko.

Nakarating na ako sa kainan nina aling erza. Una kong nakita si mutya na nagdidilig ng mga halaman sa tapat ng kainan nila. Nakita nya ako at saka kumaway sa akin. Lumaput na ako sa kanya.


"bakit ka naparito cecillia?" bugad na tanong nya sa akin.
"pinabibigay ni inay ang sulat na ito kay aling erza." sabi ko habang kami'y papunta sa loob ng kainan at dumeretso sa kusina, naroroon siguro si aling erza.


Iniabot ko na ang sulat na ipinabibigay. At saka lumabas kasama si mutya.

"oo nga pala, iniimbitahan ka ni ina sa amin"

"alam ko na iyan, huwag kang mag alala magiging masayang araw mo ito" sambit nya. Bakit naman masayang araw para sa akin, nagmukha na ba talaga akong matakaw sa pagkain.


Pabalik na ako sa bahay ng maalala ko si Augustin. Hindi ko rin sya nakita ngayong umaga. "I mean hindi naman dapat palagi kaming magkita pero sya lang kase yung kakilala ko rito. Asan kaya sya, ay hindi kaya ko naman mag isa eh kaya ko talaga" napatigil ako ng magtinginan ang mga tao sa paligid ko.


Kanina pa pala ako nagsasalita ng magisa. Napasapo nalang ako sa aking noo at saka lumakad papalayo. Iniisip siguro nila tuluyan na akong nabaliw.







WALA rin akong nagawa buong maghapon. Wala rin kasi si Augustin kaya hindi ako maaring umalis sa bahay. Tinanong ko rin kay ama kung bakit hindi ko nakita si Augustin ngayong araw, ang sabi nya lamang ay may itinatrabaho sya. Sabagay isa syang heneral tiyak na marami syang gagawin.




Mabilis na Dumaloy ang oras at hapon na. Nagsimula na rin silang mag ayos ng kubyertas at mga plato sa lamesa. Guminhawa ang mukha ko ng makita si mutya sa pintuan. Kumaway lang ako sakanya at diretsong pumunta sa slid ko.


Magsasalita na sana ako ng bigla nya akong sinermonan.
"ano pa ba ang iyong ginagawa. Bakit hindi kapa nakabihis?" taranta nyang sabi sa akin.

"wala pa naman ang bisita, saka na ako magbibihis kapag paparating na sila" hihiga na sana ako ng makita ko ang masamang tingin ni mutya sa akin.

TakipsilimWhere stories live. Discover now