Chapter 4: ang Simula

18 2 0
                                    


Revised version of chapter 4


Nakauwi na ako, madaling natapos ang school namin. Pinauwi kami ng maaga ni ma'am, masaya siguro mood nya ngayon.


Nasa kwarto lamang ako at tinitingnan ang papel na nakita ko sa libro. Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong pumunta para tiyakin kong totoo ba iyon. Wala naman akong interesado na sa library na yun dahil parang abonded na rin sya.


Sa tuwing nakakarinig o nakakakita ako ng word na nakaraang buhay or past life ay nahuhulimaling ako. Siguro dahil sa hilig ko rin sa history?
Wala na sigurong other reason.


Ilang minuto din ako nag dedesisyon kung pupunta ba ako o hindi, buo na ang desisyon ko pupunta ako para ivlog 'to. Sigurado naman akong hindi totoo ito eh, pag may mataas na views may pera din yun. Syempre andun na yung opportunity di ko na sasayangin yun. Ang talino ko talaga kahit kailan.



11:47 ng gabi na at aalis na ako. Dahan dahan akong bumaba at umalis na sa bahay. Malapit lang din kase yung aklatan na yun dito sa bahay namin kaya hindi ako medyo nahirapan.


Papunta na ako ng makita ko ang iba na papunta rin sa aklatan, di kaya ay nakita din nila yung papel? Dumeretso na lang din ako. Papasok na sana ako sa loob ng biglang makita si Warrenson Tila mukhang ito rin ang pinuntahan ngayong gabi. Napatigil ako saka tinitigan lang sya, anong ginagawa nya rito? Nakita nya rin ba tong papel?


Magsasalita sana ako para tanungin sya ng biglang may dumaan pagitna sa amin.

"tabi." mabilis na saad nya saka pumasok na sa loob. Mukhang nagmamadali din syang pumasok. Nagkatitigan kami saglit ni Warrenson pero nauna na akong tumigil sa pagtitig.

Pumasok na lang din ako, nakita ko rin si Marion. Bakit ba nandito din sya ibig sabihin marami talagang nakakita ng papel na yun. Di kadami ang tao, anim lang kami dito na Naghihintay. Di ko akalain na merong ibang tao na pupunta.


Napatigil kaming lahat ng
May lumabas na matandang lalake dala dala ang isang box. Napaupo nalang ako sa tabi ng isang babae.
Nagulat ako ng biglang lumapit ang matandang mama saka inilahad ang kamay nya. Tinaasan ko sya ng kilay.


"bawal magdala ng ganyan iha" sambit nya habang nakatitig lang ng diretso sa akin. Napabuntong hininga ako saka Kinuha ko na ang camera na nasa bulsa ko, pano nya ba nalaman na may dala ako nito. Pagkatapos nyang makuha ang camera, tumingin din sya kina Warrenson at marion saka bumuntong hininga. Gaya gaya ako una bumuntong hininga dito eh



"sigurado ka bang kakayanin mo ang gagawin mo ngayon sa ganyang kalagayan mo?" tanong nya sa babaeng katabi ko. Teka si liana to ah? Hindi ko sya medyo nakilala dahil nakalugay sya saka may mask din sya ngayon.

"paano mo po nalaman?" takang sagot nya at humawak sa kanyang dibdib. Halata sa mukha nya na takang taka sya sa sinabi ng mama.
Nanakot pala tong si manong eh.


"mangkukulam ka noh!, sabi na eh" sigaw naman ng isang babae, yun yung pumagitna sa amin ni warrenson. Napalingon ako roon dahil sa lakas ng boses nya, gabi na baka may makarinig sa kanya.


"kumalma ka muna ziph" sabi naman ng lalakeng nasa tabi nya saka pinaupo sya.


"kung ako'y pinanghihinalaan mo, maari ka namang lumabas at umuwi na" sagot ng matandang mama saka inilabas ang mga lampara sa loob ng kahon.



Isa isa nya itong inilabas.
"bawat lampara ay may sarisariling landas na inyong tatahakin sa inyong nakaraang buhay." sambit nya saka ipinatayo na kaming lahat saka pinapili.



TakipsilimWhere stories live. Discover now