Chapter 16

8 3 0
                                    


Malapit na kami sa aklatan, malapit na rin kaming makaalis sa taon na ito. Lingon parin ako ng Lingon dahil hanggang ngayon ay wala parin si agustin. Ang sabi nya susunod sya. Tumigil ako sa paglalakad dahilan para lumingon sa akin si marion.

"Chrysan halika na malapit na tay-" hindi nya na na tuloy ang sinasabi nya ng umiyak na muli ako. Lumapit sya sa akin.

"marion, balikan natin si agustin please. Ayokong umalis dito ng wala sya." hagukgol ko sa kanya. Napa buntong hininga na lamang sya sa mga nasabi ko.

"malapit na tayo sa aklatan Chrysan, sigurado akong makaka sunod rin si-"

"makakasunod?, kung makakasunod sya ay dapat narito na sya. Marion mag isa lang sya" saad ko habang pinupunasan ang mga luha sa mukha ko. Lumingon ako para tingnan ang kalangitan, tapos na ang Takipsilim hindi na kami maaring makalabas. Napalingon rin sya sa gawi ko.

"tapos na ang Takipsilim, hindi na pwede. Kaya pwedeng bang hanapin na natin sya. Marion nagmamakaawa ako, please" muling hagulgol ko muli sa kanya. Sa pagkakataong ito ay lumapit lang sya sa akin at niyakap ako.

"huwag ka ng umiyak, ako ng bahala" saad nya. Agad namang napanatag ang isip ko na hindi kami aalis ng wala si agustin. Bumalik kami sa tinulugan naming kubo, wala na ein doon sina mutya dahil ang alam nila ay nakaalis na kami.

Nakahanda na rin kami para matulog. Nasa labas lang ako ng kubo habang iniisip ang nangyari kanina. Hindi na mapakali ang isip ko, lalo na muli akong naiyak, kung alam ko lang na pwedeng masaktan ang sinuman dito ay dapat pala hindi na ako pumasok sa lagusan na iyon.




Maaga rin akong nagising. Naglilinis na ako ngayon ng kubo dahil wala naman akong magawa rito. Kung nakahiga o nakatayo lang naman ako maiisip ko lang uli ang nangyari kahapon. Lumabas na ako para makalanghap ng sariwang hangin, sabagay kapag nakaalis na kami rito di ko n aito mararanasan. Tanghali na rin kaya medyo mainit narin sa labas. Si marion na man ay may inaasikaso kaya naman umalis rin ito, ako lang din ang naiwan sa bahay.


Nagulat ako ng makitang tumatakbo papalapit sa akin si mutya. Ng makalapit na sya sa akin ay agad nya akong hinawakan ang balikat ko. Saka hinahabol ang hininga nya.

"si heneral agustin, nahuli na sya. Panigurado na nasa kulungan na sya sa ganitong oras" saad nya para matulala ako.

"ano ba ang nangyari kagabi, ayos ka lamang ba-" hindi na nya na tuloy ang babanggitin nya ng tumakbo na ako papalayo, ang nasa isip ko lang ngayon ay makita sa agustin. Siguradong may gagawin si ama dahil sa nangyari noong kasal.


May humablot naman sa braso ko dahilan para mapatigil ako at mapalingon.

"aalis ka ng walang plano?" yun lamang ang nasabi nya sa akin. Tama rin sya kung walang plano ako tiyak na mapapahamak lang din ako lalo na si agustin.







"kung nasa kulungan si agustin ay tiyak na mas marami ang bantay rito" panimula ni marion sa sisimulan naming plano. Nakaupo na kami sa lamesa kasama si mutya dahil nagalok sya na tutulong din sya.


"may alam akong ibang daanan, sigurado din akong walang masyadong nagbabantay doon dahil malapit iyon sa sementeryo.


Natapos na kaming mag usap para sa gagawin namin. Si mutya ang kakausap para ma distract namin ang nagbabantay roon. Habang si marion naman ang magbabanatay s aakin sa loob ng kulungan habang ako ay hahanapin si agustin.



Nasa kalesa na kami at tinakpan rin namin ang mukha namin at iniba ang suot na damit. Nakatitig lang ako sa daanan para makita ang mga taong nagsisiyahan. Bumuntong hininga na lang ako umiwas ng tingin.


TakipsilimWhere stories live. Discover now