Chapter 3

13 3 0
                                    

Revised chapter 3 version




Iniisip ko parin ang salitang sinabi nya.



'Kay tagal kong hindi narinig yan galing sayo'




Paulit ulit na naririnig ko. Patuloy lang ang mga salitang umiikot sa aking isipan ngayon



"execuse me pwede bang tumabi kayo may kukunin lang ako" sabi ng isang estudyante. Sa amin at pinagsamaan kami ng tingin. Nahiya tuloy ako saka mabilis na gumilid at umiwas lang ng tingin.


"bakit pa sila dito nag lalandian" nagulat ako ng ibulong yung nung babae habang umaalis. Grabe ang issue mo teh. Napanganga lang ako sa sinabi nya sana hindi nya na lang binulong rinig na rinig kaya.


Napatingin ako pabalik kay Warrenson, di ko napansin na magkalapit kami sa isa't isa at hawak nya ang braso ko. Naramdaman ko ang tensyon sa aming pagtitinginan. Nakita ko rin ng mas malapitan ang mga mata nya, hindi rin maitatanggi na nakatitig lang din sya sa aking mata at wala ng iba. Bumitaw ako kaagad at saka umalis na rin dahil sa nangyari.



Hindi ko na rin syang napansin ng bumalik ako doon. Nahiya rin siguro sya, dapat lang di pwedeng ako lang ang nahiya doon. Ano ba kasing pinagsasabi nya. Parang alam na alam nya na ang mundong ito, at parang alam na alam nya na rin ako.



Hindi ko namalayan ang oras nag cutting na pala ako. Wala rin akong pangambang naramdaman siguradong di rin umattend ang mga teacher kase may event ngayon eh.
Busy pa sila ngayon for sure.


Napagdesisyunan kong sumandal nalang muna at matulog dito sa lamesa. Kaunti lang din ang tao wala naman sigurong makakaalam. Pagod talaga ang mata ko ngayon dahil kanina pa ako nagbabasa ng kung ano ano para maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Pati nga hindi namin lesson eh nabasa ko na.





MINULAT ko ang mata ko ng dahan dahan, natagalan din siguro ako sa pagtulog dahil nakikita ko ang silay ng araw sa lamesa. Muntik na akong mahulog sa upuan ko ng makita si Warrenson at nakahilata din sa lamesa at nakatitig sa akin na para bang kanina pa sya dyan.




Tumitig lang din ako sa kanya ang hilig din nito makipagtitigan. Sa pagkakataong ito hindi na ako nakaramdam ng pagtataka o kahit awkwardness sa tuwing nagkatitigan kami. N1 aking pinagtataka.


Napatingin ako sa labas ng bintana, masyado ata akong napatitig sa kanya. Mukhang uwian na kaya agad akong tumayo.



"uh, mauna na ako" maikling sabi ko at saka umalis na patungo sa room. Hindi na nga dapat ako magsasalita at umalis na lang ng dietso kaso parang ang disrespectful naman non.


Naabutan ko yung iba kong mga kaklase na naglilinis, sinabi din nila na dapat kukunin na ni grace ang gamit ko at hahanapin ako kaso may emergency daw sa bahay nila. Tumango lang ako sa kanila ng sabihin nila iyon. Nagpasalamat nalang ako sakanila saka umalis na sila na daw ang bahala sa room kaya umalis na agad ako.





Papalabas na akong school gate ng biglang may humablot sa bag ko. Hindi naman ito ganun kalakas at may tamang alalay din ang paghablot kaya hindi ako masyadong nagulat. Mabilis akong lumingon para makita kung sino iyon.




"ako na magbuhat"sabi ni Warrenson saka direderetsong lakad.muntik ko na syang masapak akala ko kasi magnanakaw. Napatitig lang ako sa likod nya na ngayon ay naglalakad ng mabagal habang bitbit ang bag ko. Ano bang trip mo sa akin Warrenson ha.



"Chrysan!" sigaw ni marion sa likod dahilan para mapalingon rin si Warrenson doon. Nakalimutan ko palang sabay daw kami uuwi ngayon.napatingin sya sa bag ko na hawak ni warrenson ngayon. Nakita ko ring nagsalubong ang kilay nya ng makita iyon.



TakipsilimWhere stories live. Discover now