Fantasy #1: Time to Escape

45.3K 879 81
                                    

Fantasy #1: Time to Escape

///

"Maghiwalay na tayo Lei, tama na 'to," sabi niya sa 'kin.

     Nakayakap ako sa katawan niya kanina pa, pero mas hinigpitan ko nang sabihin niya 'yon. Ngayon lang ako naging ganito... ka-clingy. Sa huling pagkakataong 'to, wala na 'kong naging pakialam kung masyadong PDA. Mas lalong namuo 'yung luha sa mga mata ko habang ramdam ko 'yung init ng yakap niya. Please, no...

     Alam ko namang darating 'to. Noon ko pa nararamdaman... pero ang sakit pala kapag nangyari na talaga sa harap mo.

     "Suko ka na?" tanong ko. Tuluyan nang tumulo ang luha.

     Lumuwag ang kapit ko nang hinalikan niya ang noo ko. Alam ko'ng kailangan ko nang bumitiw kasi wala ng pag-asa. "I'm sorry Lei," sabi niya.

     Sa mga sandaling 'yon, habang nakatitig sa mga mata niya, ang dami kong gustong itanong, isumbat, ipakiusap... pero hindi ko nagawa.

     "I... love you Lawrence."

     Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata niya. Nag-iwas na siya ng tingin. "I-I need to go, get well soon... Lei," huling sabi niya at saka tumayo na sa upuan namin dito sa food court sa mall at... nagmadaling umalis, tila gustong umiwas sa mas malalim na komprontasyon.

     Unti-unti, nawala na siya sa paningin ko habang ako, naiwang nakaupo at napapaligiran ng mga taong may iba't ibang direksyon sa paglalakad.

     Ang daming tao sa paligid at alam kong 'yung iba sa malapit, may idea sa nangyari. Nag-uusap ang ilan at parang namangha sa pakikipaghiwalay sa 'kin ng boyfriend ko sa gitna ng mataong foodcourt sa mall. Pero sa lahat ng problema na mayro'n ako ngayon, hindi ko na 'yon pinagtuunan ng pansin.

     Pain, I hate you.

     I love him... and he loved me too. Pero simula nang malaman namin na may taning na 'yung buhay ko, nagbago lahat. Nagsimula siyang mapalayo. At siguro gano'n talaga, darating at darating 'yung panahon na masusubok 'yung pagmamahal ng dalawang tao. May mananatili, pero pwede ring may sumuko.

     Still, I am thankful. It may be a painful destination, but the journey was full of good memories.

     May sakit man, hindi bakas na limitado na lang ang oras ko. Huminga ako nang malalim at pinakiramdaman 'yung puso ko.

     Lumabas na 'ko ng mall at naglakad-lakad... Napansin kong marami nang nagbago mula nang huli kong bakasyon dito sa probinsya. Malaki na ang inunlad ng lugar.

     Hindi ako sumakay ng tricycle o jeep kahit kanina pa may busina nang busina. Naglakad lang ako... walang pakialam sa nangyayari sa paligid.

     Wala akong kahit anong dala maliban sa isang rosaryo na nasa may bulsa ng damit ko.

     Nang hanapin ko kasi 'yung wallet ko, napahilot na lang ako sa ulo ko nang maalalang naiwan ko 'yon sa bahay kasama ng cellphone ko. Naiwan ko sa sala namin sa sobrang pagmadali. Minsan na lang kasing mag-aya si Lawrence na magkita kami. Kotse niya rin ang sumundo sa 'kin pero umalis naman siya.

     Gano'n niya siguro kagustong makipaghiwalay para iwanan na lang ako, sa ganitong kalagayan. Hindi niya rin siguro naisip na kahit cellphone, hindi ako nakapagdala.

     Nakalayo na 'ko sa mall at nakarating sa gilid ng fly over, sa banda kung saan walang masyadong tao at madilim.

     Hindi 'ko alam kung dapat ba 'kong matakot. Pero ano pa ba'ng mas ikakatakot ko kung mamamatay na rin lang naman ako. Gusto ko na lang maging malaya... bagay na ipinagkait sa 'kin dahil sa sakit na 'to. Now, I want to embrace it fully... like crazy. I smiled painfully. What an irony.

Time Escape (Currently Editing)Where stories live. Discover now