Fantasy #16 : A Dream?

14.3K 435 13
                                    

Fantasy #16 : A Dream?

~

"Tinola for my best daughter in the world!" masayang sabi ni Mom at saka inilapag sa mesa ang pagkain.

     "Nagtulong kami ng Mom mo para iluto 'yan," malambing naman na sabi ni Dad at saka i-k-in-iss si Mom sa noo.

     "Tinola with love for our ever so lovely daughter," sabay nilang sabi na parang mga host sa isang cooking show.

     Natuwa ako sa mga efforts nila.

     It's been months mula nang nagdesisyon ako na ilabas na ako ng hospital. Nandito na kami sa bahay namin sa Manila.

     "Lord, thank you for everything, we love you so much, Amen," dasal ko.

     "Kain na po," masaya kong sabi muli at saka kami sabay-sabay na kumain.

     Habang nasa hapagkainan, naalala ko pa ang nangyari sa ilang linggong nagdaan.

~

     "Mom... what happened?" I asked her.

     Nakahiga pa rin ako sa hospital bed.

     "Just rest okay? Just relax and we will tell you soon."

     "Dad what happened to me really?" I asked dad.

     "We will explain it to you, gain your strength back first, alright?"

     Hinalikan niya ako sa noo.

     "Yes dad."

     Kada matutulog ako, may kung ano akong mapapanaginipan na hindi ko maintindihan. It's been weeks.

     "Mom, I woke up from a nightmare. Nahulog po ba ako sa tulay at inagos ng tubig?" tanong ko.

     "No anak."

     "Edi ano po ang nangyari?"

     "You remember your disease?"

     "The heart disease?" I asked.

     "Yes. It's part of it."

     Ilang linggo pa ang lumipas.

     "Dad what's the date today?"

     "June 12."

      Few days later, dumating ang best friend ko.

     "BFF! My God, thank God gising ka na. We waited for you for so long. Finally nakita na kita ulit. Sorry ngayon lang ako nakauwi galing Cebu. Miss na kita. Hindi ako makapaniwalang magkaka-bonding na ulit tayo," sabi ni Faye. Niyakap niya ako. I smiled. I missed her too.

     Mas maigsi na ang buhok niya at career woman na talaga ang aura niya.

Time Escape (Currently Editing)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz