Fantasy #15 : Miracle

13.5K 430 4
                                    

Fantasy #15 : Miracle

~

Ilang boses ang narinig ko sa paligid ko.

     "Anak, sinabi na namin ang lahat, sana mapatawad mo kami..."

     "Mahal na mahal ka namin anuman ang nangyari noon sa pamilya natin."

     "Anak... Patawad... Please gumising ka na. Miss na miss ka namin, araw-araw. Bumangon ka na."

     "Patawad kung hindi namin naibuhos ang lahat ng oras namin sa 'yo noon..."

     "Anak, bigyan mo pa kami ng pagkakataon..."

     Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Pakiramdam ko ang tagal kong natulog.

     Malabo ang nakikita ko sa paligid. Ilang sandaling nag-adjust ang paningin ko. Nasaan ako?

     Nakita ko ang tila pigura ng dalawang tao na nakayuko sa gilid ng kama ko.

     Kahit mahirap, iginalaw ko ang mga daliri ko na tila hawak ng babae.

     Mas nakita ko siya nang mabuti. Nag-angat siya ng tingin... at nakita ko ang mukha ni... Mommy. Nag-iba ang itsura niya, halatang tumanda siya at namayat nang sobra. Sa tabi niya ay si Daddy, gano'n din, bakas ang pagtanda.

     "A-anak... Oh God... Ang anak ko..." nauutal na sabi ni Mom at parang hindi makapaniwala sa nakita.

     "Diyos ko... T-teka, I will call the doctor okay? Anak, I'll be back in a minute," sabi naman ni Dad at saka mabilis na lumabas ng kwarto.

     Ngayon ko lang natitigan nang mas malinaw ang paligid. Nakahiga ako sa isang kama, sa isang hospital.

     Napatingin ako sa may bintana. Natitigan ko ang bahagyang sinag ng araw do'n. Parang gusto ko 'yong buksan.

     "Bubuksan ko ang bintana anak," wika ni Mom. Hindi ko alam kung paano niya nabasa ang nasa isip ko.

     Itinali niya ang kurtina sa gilid at saka binuksan ang bintana. Napangiti ako, ang sayang makita ng liwanag kahit na mukhang hapon na.

     Maya-maya ay biglang pumasok ang doctor at ilang nurse.

     Mahina pa rin ang katawan ko para gumalaw at hinayaan lang sila sa pag-check sa 'kin.

     Pagkatapos ng mahabang pag-check at pagtingin sa 'kin ng doctor, ang huli kong narinig bago ko ipikit muli ang mga mata ko ay...

     "It's indeed a miracle."

~~~~~

Time Escape (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon