Fantasy #4: Don't Stare

21.9K 563 44
                                    

Fantasy #4: Don't Stare

///

Katatapos lang ng huling tutorial ko sa ilang mga estudyante. Last lesson ko na 'yon sa kanila at may surpresa pa sila sa 'kin pagkatapos. Sinabi kong titigil na 'ko sa pagtuturo kaya nalungkot sila, mayro'n pang umiyak. How cute. I know someday they might forget about me but it's okay, I still wish them the success that they deserve.

     Naging unfair ako na hindi ko sinabi sa kanila 'yung dahilan kung bakit 'yun na ang huli, pero ayoko namang alalahanin pa nila 'yung kalagayan ko. Alam nila na may komplikasyon ako sa puso pero ayokong magbigay ng detalye. I want them to remember me as a healthy and lively teacher as I still look.

     Bago at pagkatapos makapasa sa board exam para sa teachers, nasubukan kong magturo sa dalawang magkaibang school. Napaka-fulfilling ng profession na 'yon, nakikita ko 'yung mga naging estudyante ko na unti-unting nagbabago at inaabot 'yung sari-sarili nilang mga pangarap.

     Pero kalaunan, mas nag-focus na lang ako sa online teaching at pagiging tutor sa ilang estudyante na pinupuntahan mismo 'ko sa bahay.

      Pagkaalis ng mga kabataang tinuruan ko, dumating naman si Faye, ang best friend ko. Umakyat kami sa kwarto ko, pumunta sa may terrace na tanaw 'yung mga nagtataasang building at iba pang establishment 'di kalayuan.

     "Faye... sa tingin mo ba unfair ang mundo para sa ibang tao?" tanong ko.

     Huminga siya nang malalim, nakatingin sa malayo. "Minsan pakiramdam ko oo. Pero ayokong sobrang maniwala. Gusto ko pa ring isipin na lahat espesyal, bawat tao, mahalaga," sagot niya. "Ikaw ano sa tingin mo?"

     Ako naman ngayon ang tumingin sa malayo. Minsan, tinatanong ko pa rin ang langit, kung nabuhay lang ba 'ko para maging lesson sa iba na maigsi lang ang buhay? Para ipaintindi sa iba na swerte sila kasi wala silang sakit? I wonder if that's my life's greatest purpose?

     Pero kalaunan tumigil na 'ko sa paghahanap ng sagot. After all, I don't believe in luck. I believe in the small miracles everyday. I'm still blessed despite everything.

     "Sa tingin ko, sa lahat ng tao, pwedeng maging unfair ang mundo. Pero nasa sa 'tin kung paano tayo magre-react sa mga nangyayari sa buhay. Nakadepende sa mindset natin kung paano tayo mas mabubuhay ng may freedom, peace of mind, love at happiness," nakangiti kong sabi.

     Tumango siya at ngumisi. Nakilala ko siya noon bilang isang depressed na kaklase. Nalaman kasi niya na ampon lang siya at wala na 'yung totoo niyang mga magulang. Kalaunan, naging nagkaibigan kami. Marami pa ring mga problema sa kanya-kanyang buhay pero nagkasundo kami na mas maging maganda 'yung pananaw sa buhay para na rin maka-inspire kami sa mga kabataang magiging estudyante namin balang araw.

     "Maraming bumabalik sa school para hanapin ka Lei, students mo noon," pagkukwento niya.

     I smiled and felt a warm feeling inside my heart. "Nakaka-touch naman."

      "Mas lumalala ba 'yung lagay mo?" tanong niya.

     Huminga ako nang malalim. "Ang sabi ng mga doctor, hindi na raw ako magtatagal. May ibang paraan pero napakaliit ng chance at ang hirap," sabi ko, pinipigilang 'wag maiyak.

     Nagulat siya at natulala. Matagal bago siya tumayo at niyakap ako nang mahigpit. Naririnig ko 'yung paghinga niya na parang hindi makapaniwala.

Time Escape (Currently Editing)Where stories live. Discover now