Fantasy #17 : Hasmin

16.4K 449 13
                                    

Fantasy #17 : Hasmin

~

"Faye dito muna ako a?" sabi ko sa kanya.

     "Kung sa akin lang naman, okay lang. Kaso pinagtataguan mo ang parents mo nyan. Three years silang naghintay sa 'yo, huwag mo na silang palungkutin pa."

     "Hindi ko naman sila pinagtataguan, nagpapalipas lang ako ng oras dito."

     "Ang sabihin mo ayaw mo lang mabigla sa mga sasabihin nila sa 'yo. Sabagay, kung hindi ka pa ready na malaman ang tungkol sa pagkatao mo, then hindi kita pipilitin, 2 days ka pa lang naman dito."

     "Tss, two days na ba? Pero ayos lang naman kasi nagpaalam naman ako. Dito muna 'ko sa bahay mo, na-miss kasi kita," sabi ko.

     Dalawang araw na pala mula no'n, nang sandaling nanlumo ako dahil baka nga hindi totoo ang mga panaginip ko.

     "Sus nambola pa. Iniisip mo pa rin ba 'yung lalaki sa panaginip mo? Kung ano nang nangyari sa kanya mula nang nalaglag ka sa may tulay kuno year 1989?"

     "Tss, hindi ka naman naniniwala kaya bakit mo pa tinatanong?"

     "Sa two days mo rito, 'yan ang lagi nating topic kaya mahirap mang paniwalaan, medyo---medyo lang a, medyo nakaka-curious nga ang story niyo."

     "Nakaka-curious talaga. Nakita nga rin kita no'n e. Baby ka pa tapos nakausap ko pa ang Mama mo. Narinig ko pa no'ng sinabi niya na mahal na mahal ka niya."

     "T-talaga? Ano ba naman 'yang m-mga panaginip mo BFF? Weird."

     Hindi ko alam kung panaginip lang 'yon.

     Pero masyadong malinaw 'yung mga pangyayari na halos napagdugtong-dugtong ko. Hindi pa rin ba totoo 'yon?

     "Pero paano if 'yung mga kinuwento sa 'yo ng parents mo habang coma ka, nagawan mo lang ng sariling story sa imagination mo habang naririnig mo?" tanong niya.

     "Possible ba 'yon? Paano naman magiging creative nang gano'n ang utak ko sa state na 'yon? Imbento ka naman Faye."

     "Three years din 'yon Lei. Baka naglakbay lang 'yung soul mo. Alam mo ba na napaka-powerful ng utak natin? Kaya nating makalikha ng kung anu-ano sa isip natin. Baka naman gawa lang 'yan ng imagination mo or baka bangunot lang talaga."

     "Don't worry Faye, hindi ko naman gustong maniwala ka sa mga pinagsasasabi ko, na nag-time travel ako, kasi kahit ako, nahihirapan na ring maniwala kung totoo ba 'yun. Nakakatanga lang 'di ba? Baliw na ko kung sakali. Napunta ako sa ibang dimensyon, sinong maniniwala? Nakarating ako sa ibang panahon, sinong tatanggap ng gano'ng rason? Higit sa lahat, napunta ako sa panahon, kung saan ipapanganak pa lang ako. Sinong tanga ang pupuri sa 'kin at sasabihing ang astig no'n?"

     "Ako syempre! Tanga na kung tanga! Ang astig no'n! Alam mo kasi Lei BFF, wala namang imposible sa mundo. Sabihin nating the word impossible means possible from within, if you believe in Him, then nothing is really impossible. At kung sakali mang baliw ka na, dadamayan kita," sabi niya.

     Sabay kaming natawa.

     Kakaiba talaga siya, kanina kontra siya tapos ngayon moral support.

     "Ikaw ang weird sa 'ting dalawa Faye."

~

     Kinabukasan no'n ay umuwi na 'ko sa bahay. Pero kahit saan ako pumunta, may kasama akong nurse na binabantayan ako. Gusto ng parents ko na nasa maayos ako. Hindi pa rin kasi ako gano'n kalakas.

     "Anak, hinihintay ka namin. Mabuti at bumalik ka na," sabi ni Mom at niyakap ako agad oras na makita ako.

     "Pasensya na po Mom, Dad, kung natagalan ako bago umuwi."

     "Ayos lang, ang tanging gusto lang naman ng magulang ay kung sakaling umalis man ang anak nila, bumalik din sila."

     Niyakap ako ni Mom at sunod ay si Dad.

     A warm hug with overflowing love... Palagi kong pinapangarap 'to noon, hindi ko akalaing ang sarap pala talaga sa pakiramdam.

     Kumain kami ng mga iniluto nila.

     "You know what daughter, hindi June 19 ang totoo mong birthday, mas maaga kang ipinanganak kaysa date na 'yan. Naisip namin na kahit hindi ka magtanong, kailangan na naming sabihin," wika bigla ni Mom.

     "Later Mom," sagot ko.

     Kumain na kami at saka ako pumasok sa kwarto ko. Nang makapagpahinga na sandali, nahiga na ako at pumikit, bigla kasi akong nanghina.

     Huminga ako nang malalim, bakit parang ang gulo pa rin ng lahat kahit na marami na 'kong natuklasan?

     Bigla ko namang narinig ang mahinang pagkatok sa pinto.

     Hindi ako dumilat at naramdaman ko na lang na may umupo sa magkabilang gilid ng kama ko.

     Didilat na sana ako pero...

     "Pumikit ka lang anak. Ngayong nagbalik ka na sa bahay, gusto mo na bang malaman ang lahat muli?" Boses 'yon ni Mommy.

     "Sinabi na namin sa 'yo 'to nang paulit-ulit habang coma ka, pero sasabihin ulit namin ngayong gising ka na talaga, pero pumikit ka lang. Nasanay na siguro kaming ikwento 'to na nakapikit ka, para hindi mo makita 'yung luha namin kada sasabihin namin 'to sa 'yo," sabi naman ni dad.

     Tumango ako bilang pagsang-ayon.

     "There were many secrets back then. Kahit si Gracia na nanay ni Faye at kaibigan ko no'n, walang alam tungkol sa totoo mong nanay," sabi ni Mom.

     Pa'nong hindi alam ni Tita Graciela?

     Nagsimula silang magkuwento. Halos kaparehong-kapareho ng mga alaala ko sa pagta-time travel.

     "I wanted a child back then, but we couldn't have one so in my anger and frustration, I left home, iniwan ko ang Mom mo. But then ilang buwan ang lumipas, hindi ko na kaya. I love her so I came back to her. Then suddenly, there was a beautiful baby with her, you. Inampon ka niya," sabi ni Dad.

     Ipinaliwanag nila sa 'kin ang ugnayan nila sa ilang tao. Graciela. Lorena. Luis. Helena.

     Halos nagtutugma ang kwento nila sa mga alaala ko sa pagta-time travel.

     "Inakala ni Gracia na ang inampon namin ay ang anak ni Lorena pero hindi. Alam naming malaki ang posibilidad na hindi niya kayanin ang pagbubuntis at panganganak, namatay siya at ang anak niya ilang araw pagkapanganak. Nakipag-usap ako kay Helena, at sinabi niyang may bata siyang ipapaampon sa 'kin," sabi naman ni Mom.

     "Your mother was raped at akala ng lahat ay namatay ang anak niya pagkapanganak pero ang totoo ay ipinagkatiwala niya 'yon sa malayo niyang kamag-anak. Your biological mother is her, si Helena. Ang totoo ay may sakit din siya sa puso noon pero gumaling, sa kanya mo namana ang sakit mo. Nasa lahi niyo iyon. Mula pa noon, Hasmin na ang ipinangalan niya sa 'yo, 'yon nga rin sana ang gusto niyang ipangalan sa magiging anak ni Lorena. Kaya ang ginawa naming pangalan mo ay Jasmine. I'm sorry Hasmin."

     Nag-unaunahan na ang mga luha ko sa pagbagsak. Those warm tears. The root cause was so painful.

~~~~~

Time Escape (Currently Editing)Where stories live. Discover now