Fantasy #8: I'm Sorry

17.5K 494 65
                                    

Fantasy #8: I'm Sorry

///

Sa pananaw ko, ideally, bawat tao deserve na may kahit isang tao lang na magmamahal at magmamalasakit sa kanila. At napagtanto ko rin na may mga tao namang hindi deserve masaktan nang sobra. Kaya kung may paraan para hindi ako maging dahilan ng sakit para sa iba, gagawin ko.

     "Ang luma ng mga kanta ni Dolores, pero ang ganda ng boses. Ayos 'yung mapapangasawa mo a," bulong ko sa katabi kong si Tacio.

     Pero na-realize ko rin agad na hindi pala luma ang mga 'yon sa panahong 'to.

     "Hindi ko alam na ikakasal na pala 'ko?" seryosong sagot niya. May pagka-sarcastic.

     Nandito kami sa labas ng bahay. Nakaupo ako sa duyan, sa favorite spot ko na hindi naman nila ipinagdamot sa 'kin. May tatlong upuang kahoy naman para kina Tacio, Dolores at Mang Isko.

     "Mang-aawit 'yan noon pa," dagdag niya.

     Nagkantahan kami at masasabi kong sobrang sayang libangan pala nito. Nagsasalit-salit sina Mang Isko at Dolores sa paggigitara. Ang cool nila, humahanga kasi talaga ako sa mga taong nag-aaral ng mga instrumento. 'Yung tipong ikaw ang mismong gagawa ng tunog na sasabayan ng mga mang-aawit.

     Minsan sumasabay naman ako 'pag alam ko 'yung kanta. Lalo na sa "Anak" ni Freddie Aguilar.

     Napansin kong tahimik si Tacio at nangingiti lang minsan. Mas madalas siyang nakatulala sa magandang tanawin.

     Naisip ko kung ano'ng gumugulo sa isip niya? 'Yung lupain ba nila? O 'yung naging usapan namin kanina?

     Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko, gusto kong may gawin para guminhawa 'yung loob niya?

     "Hey..." pagkuha ko sa atensyon niya. Mabilis naman siyang lumingon at naghintay sa sasabihin ko. "Ah, alam mo, boto na 'ko para kay Dolores. Hindi lang pala panlabas ang maganda sa kanya, pati kalooban. Masyado lang talagang matapang 'yung imahe niya. So kailan mo siya balak pakasalan?" Mahina lang ang boses ko para hindi magambla 'yung kantahan.

     "Pakasalan?" kunot ang noo niyang tanong pabalik, hindi man lang nilimitahan ang lakas ng boses!

     "Sinong ikakasal?" tanong na rin ni Dolores. Huminto na siya sa paggigitara.

     Na-pressure naman ako sa mga tingin nilang tatlo sa 'kin. "Ah... Kasal niyo ni Tacio? Akala ko balak niyong magpakasal 'pag 28 na kayo?" Naisip ko lang naman kasi 'yun ang sinabi niya noon.

     "Mga bata pa sila noon, Lei anak. Ewan ko na lamang ngayon kung gusto pa nila," sagot ni Mang Isko.

     Hindi sumagot si Tacio. Sumenyas lang siya kay Dolores na tila hinihiram ang gitara. Tinitigan ko siya na ngayon ay tila mas tinotono 'yung instrument.

     "Mang Francisco, may naging nobya ba si Tacio habang wala ako?" tanong ni Dolores.

     "Naku wala..." sagot ni Mang Isko.

     "Hindi yata nobya ang gusto. Mukhang nabago 'yung type nung umalis ka," mahinang sabi ko.

     "What are you trying to say? Nabago?" Narinig pala niya.

     Naisip ko tuloy kung dapat ko bang i-open lalo 'yung topic na 'to, para mas maliwanagan kaming lahat kay Tacio at unti-unti nila siyang matanggap kung sakali ngang nagbago siya?

     "I'm just trying to say that maybe... Iba na si Tacio, baka nagbago na 'yung mga paniniwala niya... at nag-transform," sabi ko. Tinitignan ko 'yung reaksyon ng katabi ko pero tahimik lang siya at sinusubukang maggitara na parang hindi siya pinag-uusapan.

Time Escape (Currently Editing)Where stories live. Discover now