Fantasy #11 : Contentment

17.3K 498 23
                                    

Fantasy #11 : Contentment

~

"Ilang linggo na rin ang lumipas," biglang sabi ni Tacio.

     Tama siya, mula noong umalis ako ng hospital at noong nagsabi siya ng 'I love you,' mga dalawang linggo na ang nakakaraan.

     "Oo nga, saktong isang buwan na pala 'ko rito sa inyo, first monthsary na natin," sabi ko.

     "Ano 'yon?" tanong niya.

     Doon ko lang na-realize kung ano ang nasabi ko. Parang hindi appropriate ang monthsary, parang pang-couple 'yon.

     Napatayo ako sa duyan na inuupuan ko habang siya, nakatayo pa rin sa harap ko.

     "A-ahh wala 'yun. Ang ibig ko lang sabihin, July 17 ngayon, saktong isang buwan na noong nagsimula akong mapadpad sa buhay niyo, sa buhay mo," sabi ko.

     "June 16 ka unang dumating rito. Pero una mo 'kong nakausap noong paggising mo kinabukasan, June 17."

     Namangha naman ako na mas tanda niya 'yung saktong araw.

     Naglakad ako at nilagpasan siya. Huminto ako sa tapat ng malawak na lupain. Naramdaman ko naman na tumabi siya sa 'kin. Pareho kaming umupo sa lupa.

     "Ang ganda ng tanawin, napakasimple, napakanatural," sabi ko habang nakatingin sa ganda ng kalikasan. Ang daming puno at mga halaman sa paligid. Tanaw ang mga bundok at ang mga ibon na malayang lumilipad. Freedom.

     "Parang ikaw. Simple. Natural," bulong ni Tacio.

     "Bolero na rin pala ang mga lalaki ng 1989," natatawa kong sabi.

     "Tss. Bakit ano ba ang mga lalaki sa 2015?"

     "Hmm, ibang-iba. Siguro epekto na rin ng pag-unlad ng sensya at teknolohiya, iba na ang mga tao, ang mga pananaw nila saka pag-iisip. Hindi na simple-minded."

     "Mukhang ayos nga. Sabi mo umunlad 'di ba?" tanong niya.

     "Ewan ko ba. Hindi dahil umunlad, okay na. Maraming nagbago dahil sa pag-unlad na 'yon. Iba na kasi ang mundo sa 2015 Tacio, halos nakaasa na sa teknolohiya, maraming nangyayaring krimen at higit sa lahat, nakakalungkot pero unti-unting nasisira ang kalikasan."

     "Makakalikasan ka pala."

     "Noong nasa college ako, karamihan ng mga programa tungkol sa kalikasan, sinasalihan ko. Tree-planting at kahit maglinis sa bawat community, go na go ako. Pati mga paraan para maging eco-friendly may idea ako. Maliit na bagay lang 'yon pero napapasaya ako no'n. Pero nang lumala 'yung sakit ko, hindi ko na nagagawa 'yung mga 'yon."

     "Dahil sa sakit mo na ayaw mong sabihin sa 'kin?" tanong niya.

     "Nakakalungkot, tama ka. Pero nang napadpad ako rito, sumaya ako, sobra."

     "Hindi ka ba masaya sa buhay mo sa hinaharap?"

     "Masaya, syempre 'yun ang nakasanayan ko. Kaso kakaiba 'yung ganito, simpleng buhay lang."

     Nakita kong napangiti si Tacio nang nilingon ko siya. Natahimik kami saglit bago ako magsalita ulit.

     "Pero kahit gaano ko kagusto rito, hindi ako para rito. Hindi ito 'yung panahon ko."

     Natahimik kami ng ilang minuto. Malakas na hangin lang ang bumabalot sa 'min.

     "Ayaw mo na ba rito?" biglang tanong niya.

Time Escape (Currently Editing)Where stories live. Discover now