For You

14.5K 355 9
                                    

Since matagal din akong hindi nakapag-update, heto at gumawa ako ng 'summary' sa mga nakaraang chapters. For you... dear reader.

~

(Narrator)

Year 2015, nakipag-break si Jheremy Lawrence kay Jasmine Lheanne o 'Lei'. Sa araw ding 'yon, masasagasaan dapat ng van ang dalaga pero may lalaking tumulak sa kanya at iniligtas siya.

     June 17, 1989---'yan ang date na napuntahan ni Jasmine Lheanne o 'Lei' sa kanyang pagta-time travel sa nakaraan. June 19, 1989 ang birthday ng dalaga.

     Nakilala niya si Anastacio o 'Tacio' at si Francisco o 'Mang Isko.' Sila ang tumulong kay Lei na hanapin ang mga bagay na gusto niyang matuklasan. Naging mabuti ang dalawa sa dalaga.

     Ayon kay Tacio, muntik nang masagasaan si Lei ng isang kalesa(imbis na van sa hinaharap) pero may lalaking nagligtas dito. Gayunpaman, umalis din ang lalaki kaagad kaya naman si Tacio ang tumulong sa dalaga.

     Sa tuluyang pagiging malapit ni Tacio at Lei, si Tacio na tila may pag-aalinlangan sa katauhan ay napagtantong tunay siyang lalaki dahil natagpuan niya na ang babaeng mamahalin niya.

     May sakit si Lei at may taning na ang buhay ayon sa sinabi ng mga doktor sa hinaharap, ngunit kahit nasa nakaraan siya ay tila ganoon pa rin ang kalagayan niya, nanghihina.

     Sa patuloy na pamumuhay sa nakaraan, natuklasan din niya na hindi siya tunay na anak nina Ginoo at Ginang Trinidad na tinuturing niyang mga magulang sa hinaharap (2015).

     Nakita at nakausap niya rin sa nakaraan ang Mama ng kanyang best friend(Faye), si Graciela o 'Gracia' na patay na sa hinaharap(2015).

     Another thing, nakilala niya si Dolores, ang kababata ni Tacio na magaling sa Ingles at pagkanta. Kahit na nakakainis minsan ang babaeng 'yon, may mabuti ring kalooban.

     Gayundin, ang angkan ng mga Moya ay nakilala niya rin sa nakaraan. Mga may kinalaman sa pulitiko sina Ginoong Frederico Moya Sr. at Ginoong Frederico Moya Jr., habang drug pusher naman si Frederico Moya III. (Si Frederico III ay minsang ipinagkasundo kay Lei sa hinaharap.)

     Si Helena naman ay ang ate ni Dolores. Pinsan nilang dalawa si Ginoong Luis Estrella. Si Lorena naman ang asawa ni Luis na may sakit sa puso.

     Namatay na si Lorena ilang araw matapos ipanganak ang isang bata na kinuha di umano ni Ginang Eugenia Trinidad. Habang si Luis naman ay na-ospital dahil sa isang aksidente at kailangang putulin ang dalawang paa.

     Natuklasan din ni Lei na hindi magkaanak ang itinuturing niyang ina sa hinaharap na si Ginang Eugenia Trinidad. Dahil sa pagkukulang na iyon kaya umalis si Ginoong Trinidad(ang itinuturing niyang ama sa hinaharap).

     Nalaman din niya mula sa masungit na si Helena na ang dapat ipapangalan ni Lorena sa kanyang anak ay 'Hasmin.'

     Si Graciela naman ang may-ari ng ampunan na laging binibisita ni Tacio. July 17, 1989, one month na si Lei sa past, naisipan nilang puntahan iyong ampunan.

     Sino nga ba talaga ang tunay na magulang ni Lei? Ano'ng nangyayari sa 2015? More secrets?

~

CAMSANN

Time Escape (Currently Editing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat