Fantasy #13 : Playful Fate

16K 470 26
                                    

Fantasy #13 : Playful Fate

~

"Talagang nagustuhan mong pumunta rito a?" sabi ni Tacio.

Nandito kami ulit ngayon sa ampunan kahit noong nakaraang araw lang nung nagpunta kami rito. Naadik na 'ko.

"Ewan ko ba, siguro dahil ito na rin 'yung paborito kong gawin noong nasa kolehiyo ako," sabi ko.

"Anong kinuha mong propesyon?"

"Teacher," sabi ko.

"Talaga? Ibig sabihin naranasan mo nang maging maestra?" tanong niya.

"Oo, sobrang saya ko no'n. Gustong-gusto ko ang pagtuturo. Pero tumigil din ako kalaunan. Nanatili na lang ako sa bahay at mula ro'n, doon ako nag-iisip ng ibang paraan para makapagturo pa rin sa mga estudyante."

"Hindi mo naipagpatuloy gawin 'yung mga gusto mo dahil sa sakit mo..." malungkot niyang sabi na parang nasasaktan din siya para sa 'kin.

Ngumiti lang ako sa kanya.

Kinuha ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa may upuang kahoy. Naupo kami.

Napansin ko naman ang isang mahabang sugat sa tuhod niya. Naghilom na 'yon pero may bakas pa rin.

"Ba't nagkasugat ka?" tanong ko.

Madalas kasing mahabang short ang suot niya noon kaya hindi ko napapansin, ngayon ay above the knee ang suot niyang short kaya nakita ko.

"Nakuha ko 'yan noong araw na una kitang nakita. Swerte 'yan."

Ngumiti na lang ako.

Bigla naman niyang itinaas ang magkahawak naming kamay, kita ko pa 'yung pag-smile niya.

"'Yung kamay mo tamang-tama sa kamay ko. Destiny," sabi niya. 'Di hamak na mas malaki ang kamay niya pero tamang-tama raw.

"Corny ka rin pala," sabi ko.

"Wala akong magagawa. Mahal kita."

Natawa na lang ako sa kanya. At may bigla akong naisip.

"Tacio..."

Tumingin siya sa 'kin.

"Gawa tayong love letter, ng sulat para sa isa't isa. 'Pag dumating ang araw na magkahiwalay tayo, do'n lang natin babasahin 'yon."

Naging seryoso ang mukha niya. "Gusto mo ba talagang gawin 'yan?"

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Paano kung hindi naman tayo magkakahiwalay?" tanong niya.

"Edi hindi natin babasahin," sabi ko.

"Kung 'yan ang gusto mo," sabi niya.

Nanghiram kami ng papel at pangsulat sa ampunan at saka nagsulat ng love letter.

Nang natapos kami ay nagpalitan na kami ng letter. Inilagay niya sa wallet niya ang ginawa kong sulat at inilagay ko naman sa bulsa ng paldang suot ko ang sulat na ginawa niya.

"Uwi na tayo Lei, hindi pa tayo nagtatanghalian, hapon na rin, baka hanapin na tayo ni tatay."

"Pwede bang mauna ka nang umuwi Tacio? Gusto ko lang talaga muna rito."

"Mamaya na tayo uuwi kung gano'n."

"Hindi na, hintayin mo na lang ako sa bahay. Saka 'di ba may gagawin kayo ni Mang Isko sa sakahan? Baka mapagalitan kayo ng mga Moya, sige na."

Time Escape (Currently Editing)Där berättelser lever. Upptäck nu