Time Escape

18.7K 545 128
                                    

Time Escape

~

"Ayon kay Einstein, 'time is just an illusion.' Quantum Physicists and Einstein also believe that everything is happening simultaneously. There is no time..."

     Nasa isa akong lecture ng isang professor sa isang university.

     Nakangiti ako habang nakatingin sa babaeng nagsasalita sa harap.

     "May dalawang philosophical view na na-create: the Eternalism which believes that time is just another dimension and that the future events are "already there", there is no objective flow of time; and the Presentism which believes that neither the future nor the past exists and there are no non-present objects so time traveling is impossible. So what can you say? Maniniwala ba kayo sa time traveling?" tanong niya.

     "Ma'am naranasan niyo na po ba?" tanong ng isang estudyante. So brave to ask.

     "Who knows? If I really want to, who knows? Noong 28 years old pa lang ako, naniniwala akong nakakilala ako ng babaeng nag-travel backward. Naramdaman kong galing talaga siya sa future."

     Nagtaas ako ng kamay at nilingon niya ako.

     "Do you remember her po?" I asked.

     Napatitig siya sa akin ng ilang segundo bago sumagot. Medyo malayo siya sa 'kin dahil masyadong malaki ang room na 'to.

     "It's weird but no, hindi ko na matandaan ang itsura niya. Pero nararamdaman kong nandito siya ngayon," sabi niya at bigla akong kinabahan pero nangiti rin.

     Tumanda na siya... But still the same awesome Dolores.

     It's really weird, how things turned out this way.

     Hindi kailangan ng Science para i-explain ang mga nangyari sa 'kin. Si God, Siya lang ang nakakaalam nito.

     Biglang nag-ring ang cellphone ko at nakita sa screen ang pangalan ni Jheremy Lawrence. Nandyan na pala ang sundo ko.

~

     Ilang buwan na ang lumipas mula nang maliwanagan ako sa pagkatao ko. Naintindihan ko at natanggap ko na. Life has so many mysteries to offer.

     Nang naghiwalay kami ni Lawrence noon, sobra akong nasaktan. Muntik na akong masagasaan pero may nagligtas sa 'kin. Hanggang sa mapadpad ako sa year 1989, nakilala ko si Anastacio Bermudez at minahal ko siya nang sobra. Minahal ko rin ang mga taong nakilala ko sa nakaraan except the Moya family.

     Kahit sandali, nakita ko ang tunay kong ina. Hindi ko man nalaman kung sino ang tunay kong ama, pinatawad ko na siya sa ginawa niya sa nanay ko.

     Pain, hatred, resentment and every negative feeling, I let it all go. Away from me.

     Humingi ng tawad sa 'kin si Lawrence sa nagawa niya at tinanggap ko ang pagiging friends na inalok niya. Kahit si Mom at Dad ay hindi na siya sinisi sa pag-iwan sa 'kin sa mall noon.

     Nag-a-adjust pa kaming pamilya sa pagsisimula namin ng panibagong buhay. Pero masaya...

     Tinutulungan ko si Faye sa mga programs na ginagawa niya.

     Gumaling na rin ang sakit ko. Miracle. Although madali pa rin akong mapagod kaya nag-iingat pa rin.

     Sabi ng ibang tao, dapat handa kang mamatay anumang oras. No regrets. Kung ako ang tatanungin, handa na 'ko. Ang mabuhay pa ng ilang taon, napakalaking biyaya, siguro ay may purpose pa ako na hindi pa natatapos. Kaya nga bawat oras mahalaga, bawat minuto, bawat segundo. Hindi naman kasi natin alam ang mga pwedeng mangyari.

Time Escape (Currently Editing)Where stories live. Discover now