Fantasy #9 : Only A Month

16.2K 464 18
                                    

Fantasy #9 : Only A Month

~

"Dolores..." tawag ko sa kanya.

     Kasalukuyan akong nagdidilig ng mga bulaklak habang nakaupo siya sa favorite spot ko, 'yung duyan.

     Syempre wala naman akong karapatang angkinin 'yun kahit na favorite tambayan ko 'yun.

     "Why?"

     "Alam mo ba kung ano ang pangarap ni Tacio?" tanong ko.

     Natawa siya bigla kaya nilingon ko siya. "Of course I know!" confident niyang sagot.

     "Ano?"

     "He wants to be happy!"

     "What? I mean, be more specific okay?"

     "E 'yun ang palagi niyang sinasabi niyang pangarap niya. Pero kung propesyon, hindi ko alam."

     "Tsk, akala ko pa naman alam niya," bulong ko sa sarili.

     Araw-araw nandito si Dolores kaya nakakausap ko siya madalas. Na-realize kong kahit sobrang magkaiba ang ugali, pwede pa rin talagang magkasundo.

     Bigla namang lumabas si Tacio ng bahay. Napatingin siya saglit sa 'kin tapos naglakad na siya palayo. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang bumaba siya at tinulungan si Mang Isko na magsaka. Nasa mataas na lupain kasi itong bahay kaya tanaw namin sa baba ang mga nagsasaka.

     Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Tacio. Nakakalungkot, kaso 'di ba aalis naman ako? Isang way na 'to para hindi gaanong maging masakit.

     "May itatanong ako sa 'yo Lei," sabi bigla ni Dolores.

     Tumingin lang ako sa kanya habang nagdidilig pa rin ng iba pang mga halaman.

     "Naniniwala ka ba sa 'time traveling'?"

     Bigla akong napatigil sa pagdidilig. "Pwede... B-bakit? Ikaw ba?" sagot ko at tinalikuran siya.

     "Hmm, pwedeng oo pwedeng hindi, it depends. Pero kasi nakaka-curious 'yung mga concept about it. Nakaka-excite pag-aralan," wika niya.

     "Pag-aralan? Teka ano ba ang natapos mong kurso?"

     "Hindi naman sa kurso e, pero kasi one time nagkaroon kami ng debate sa school about doon. Ako 'yung hindi naniniwala sa time traveling pero magaling kasi 'yung kalaban ko. Napahanga niya ang lahat. Napaisip ako, paano nga kaya 'di ba?"

     "Ano'ng mga nalaman mo about time traveling mula sa nakalaban mo at sa pag-aaral mo sa mga concepts?" tanong ko.

     Ibinaba ko na ang pangdilig at umupo sa upuang kahoy malapit sa kanya.

     "Hmm, ayon sa mga nababasa ko, kadalasang sinasabi na posible ang time traveling sa future, pero ang mag-time travel sa past and mess around with it, masyadong controversial.'"

     Bigla akong kinabahan.

     "So imposible ang time traveling in the past?" tanong ko.

     "Hindi naman sa gano'n. Pero kahit kasi may mga laws in physics na nag-a-allowed sa visiting ng past, hindi malinaw. Hindi malinaw kung paano 'yun nangyayari sa universe."

     Tumayo siya mula sa duyan at naglakad nang balik-balik na parang nag-iisip pa nang mas malalim. Kinakabahan pa rin ako nang bigla siyang magsalita ulit.

     "Kasi kapag nag-time travel ka sa past, may mababago ka. Halimbawa, gusto mong bumalik sa past para patayin ang tatay mo noong kabataan niya, edi paano ka mabubuhay at makakapag-time travel? Kumbaga, siguro may mga pipigil sa kanya para hindi niya mapatay ang tatay niya. Kahit na makapag-time travel ang isang tao, may mga bagay na hindi niya kayang baguhin," paliwanag ni Dolores.

     "Pwede ka pa bang magsabi about time traveling?" tanong ko.

     "Hmm, well okay sige."

     Pero magsasalita pa lang ulit si Dolores nang tawagin siya ni Mang Isko.

     "Dolores, 'yung Ate Helena mo raw nasa baba, paakyat na, may Ate ka pala, 'di ko kasi masyadong kilala ang angkan niyo," sabi ni Mang Isko.

     "Bihira po kasing lumabas si Ate. Siya lang po ang kapatid ko. Mga pinsan na po ang iba." Bumaling naman siya sa 'kin. "Next time na lang Lei a?"

     "Sige Dolores," sabi ko.

     Sinalubong ni Dolores ang ate niya. Sakto namang namukhaan ko ito.

     Helena... Siya 'yung kasama ng mag-asawang Estrella sa may bayan noong halos manganak na ang babae.

     Lumapit din ako.

     "Ate Helena bakit po kayo nandito?" tanong ni Dolores.

     "Na-ospital si Luis. Naaksidente siya. Halika na at bumiyahe na tayo," sabi nito.

     Bigla akong kinabahan.

     Luis Estrella... 'Yon ang pakilala sa 'kin ni Ginoong Estrella.

     "Pwede po bang sumama?" tanong ko.

     Napatingin sila nang nagtataka sa 'kin.

     "Kilala po niya 'ko, magkaibigan po kami," sabi ko.

     "Sige isama na natin siya Ate," sabi ni Dolores.

     Nagpaalam kami kina Tacio at Mang Isko.

     "Sasama ako," wika ni Tacio.

     Tumango na lang si Dolores para mapabilis na saka kami bumiyahe.

     Ilang oras ang inabot ng biyahe dahil malayo ang ospital.

     Pumasok agad kami sa loob at nakasalubong namin si Tita Gracia.

     "Ate Graciela, kumusta ang pinsan namin?" tanong ni Dolores kay Tita Gracia.

     "Kailangan daw putulin ang dalawang paa niya," malungkot na wika nito.

     Napayuko ako.

     Pinuntahan na nina Dolores at Tita Helena ang kinalalagyan ng pinsan nila samantalang nilapitan ko si Tita Gracia.

     "Ate Gracia... May gusto po akong malaman. Gusto ko magmula mismo sa 'yo," wika ko.

     Handa na 'kong malaman ang totoo.

     "Ano 'yon?"

     Napatingin ako kay Tacio na nasa tabi ko at nakatingin sa 'kin. Siguro kailangan ko nang linawin ang lahat bago ako mawala.

     "Gusto ko pong makilala ang sarili ko, at kayo lang ang makakapagpaliwanag sa 'kin ng totoo kong pagkatao," sabi ko kay Tita Gracia.

     Kailangan ko nang malaman ang lahat. Dahil na-realize ko na kahit nasa nakaraan ako, ang taning ng buhay ko, gano'n pa rin. Malala pa rin ang karamdaman ko. Ramdam ko, dahil gabi-gabi nahihirapan ako sa sakit na 'to.

     Traveling in the past doesn't change the truth that I will die soon.

     Tama si Dolores.

     Kahit na makapag-time travel ang isang tao, may mga bagay na hindi niya kayang baguhin.

     Hindi ko alam kung makakabalik ako sa panahon ko bago ako mawala.

     Only a month...

     Ayon sa taning ng buhay ko, halos isang buwan na lang ang itatagal ko.

~~~~~

Time Escape (Currently Editing)Where stories live. Discover now