Fantasy #2: Driving Me Crazy

32.7K 708 86
                                    

Fantasy #2: Driving Me Crazy

///

Bukod sa kirot sa ulo pagkagising kanina, wala naman akong ibang masamang nararamdaman. Huminga ako nang malalim at napatingin sa malaparaisong paligid. Nawala 'yung kaba ko. I wonder if it's heaven already?

     Lumingon ako sa likod nang narinig na may paparating. Nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng simpleng stripes shirt, may kaluwagang pants, at tsinelas. May kahabaan ang buhok niya na umaabot sa batok, medyo malayo sa modern hairstyles ng mga tao ngayon.

     Dumiretso siya papalapit sa may puno malapit sa 'kin. Sino siya? Buhay pa ba 'ko? Kailangan kong lakasan 'yung loob ko at magtanong.

     "Nasaan po ako? Patay na ba 'ko? Ito na ba 'yung heaven?" tanong ko sa lalaki. Nakatingin lang siya sa malawak na lupain.

     Bigla naman niya 'kong nilingon. Tinitigan niya 'ko nang mabuti bago seryosong nagsalita. "Humihinga ka, tumitibok ang puso mo, palagay mo ba patay ka na?" Pinakiramdaman ko 'yung sarili ko, tama siya. Pero parang may kakaiba pa rin, base sa instinct ko.

     Naglakad ako papunta sa pinanggalingan niya kanina, sa may likod ng bahay, at sa gawing 'yon, kita 'yung mga normal na kabahayan sa malayo. I smirked. Bakit nga ba inisip ko'ng patay na 'ko? Maybe because I don't mind because this place seems good?

     Naglakad na 'ko pabalik. At habang tinitignan ko 'yung lalaki na nakatalikod mula sa 'kin, iniisip ko kung masamang tao kaya siya?

     Huminto ako sa may gilid niya pero may malaking space sa pagitan namin. Nilingon naman niya 'ko na parang bang bored na bored sa buhay. Siguro kaedaran ko lang o pwede ring mas matanda siya kaysa sa 'kin. Inilipat din niya agad 'yung tingin sa malayo. At hindi ko alam pero nahikayat din akong gawin 'yon.

     Nahumaling ako sa sobrang ganda ng tanawin.

     Nandito kami sa isang mataas na lupain. Tanaw ko rito 'yung malawak na sakahan, maraming matataas na mga puno at bundok sa malayo. Ang ganda ng ayos ng ulap sa kalangitan. 'Yung huni ng mga ibon at simoy ng hangin, magaan sa pakiramdam. Parang nakakatanggal ng problema.

     Umupo siya sa lupa at nagpatuloy sa pagtingin sa malayo. Huminga ako nang malalim. "Buhay pa nga ako. Pero sino ka? What is this place and what am I doing here?" tanong ko.

     Kunot ang noo niya nang nilingon ako. "Magtagalog ka lang, hindi ako gano'n kahusay mag-english," sagot niya.

     Tumango naman ako. "Nasaan ako? Ano'ng ginagawa ko rito? Paano 'ko napadpad dito samantalang ang huli kong naaalala, nasa may gilid ng fly over ako malapit sa SM?"

     Lalo namang kumunot ang noo niya. "Sandali lang, una narito ka sa Bulacan. Pangalawa, nakita lang kita sa may bayan. Muntik ka nang mabangga ng kabayo. Ako lang ang lalaki ro'n nang oras na 'yon," bigla siyang nag-poker face. "Kaya... kaya ako ang tumulong sa 'yo. Saka walang fly over do'n o SM."

     "Ha?" Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. "Teka," sabi ko nang ma-realize na magkaiba kami ng pinaniniwalaan.

     Kabayo? Seriously? Paano?

     Pero kung gano'n, siya siguro 'yung tumulak sa 'kin para hindi ako mabangga ng sasakyan?

     Umupo rin ako sa lupa at mas sinuri siyang mabuti. Pinaglololoko ba 'ko nito... o masyado lang exaggerated 'yung pagkukwento niya sa nangyari? Van tapos naging kabayo? Napailing na lang ako.

     "Ilang taon ka na?"

     "Bente otso, bakit, ano'ng problema mo?" sagot niya. 28 siya, halos 26 na 'ko, mas bata pala 'ko.

Time Escape (Currently Editing)Where stories live. Discover now