Fantasy #14 : Might Be The End

15.7K 462 28
                                    

Fantasy #14 : Might Be The End

~

Nakaalis na si Aling Helena, may pupuntahan pa raw kasi siya.

     Sumakay ako sa jeep at agad na iniabot ang bayad. Ilang minuto lang,  bumaba na ako sa bahay nila Dolores.

     Naabutan ko siyang naggigitara at kumakanta sa labas ng bahay nila.

     Napatayo siya at ngumiti sa 'kin. "O Harvard girl, kumusta? Napadalaw ka? What's with you?"

     "Dinadalaw kita babaeng galing sa Mars," sabi ko naman.

     "Tss, tungkol ba 'to sa conversation natin about time traveling?" tanong niya.

     "Well, yes. And I kinda miss you?" Natawa siya sa sinagot ko.

     Naupo ako sa tabi niya. Mas natitigan ko tuloy 'yung gitara niya. 'Yan din 'yung gitara niya noong nagkantahan kami no'n.

     "Type mo 'tong guitar? I'm sorry, 'di pwede, kay Kuya Luis kasi talaga 'to," sabi niya.

     "Gano'n? Don't worry hindi ko naman hihingin. And at this moment, gusto lang kitang makakuwentuhan Dolores."

     "Oh please, why are you like that? 'Di na ba tayo magkikita? You want me to cry?"

     "Kung aalis man ako, edi dapat masaya ka kasi wala nang umaaligid kay Tacio, right? And then your dream marriage?"

     "I really want to marry him, and I think majority of the population here too. But you know what, hindi naman talaga ako 'flirt' kagaya ng sinabi mo sa 'kin dati."

     "I'm sorry about that, medyo naging maldita ako," sabi ko.

     "It's okay, gano'n talaga mga first impression sa 'kin kahit sa Manila. But when you get to know me more, I'm not. I'm awesome kaya! Noong bata kami ni Tacio, close talaga kami and we promised to marry each other kapag 28 na kami. Pero we also promised na kapag may isa sa amin na may iba nang gusto, it's void. Tanggap ko na, Tacio is not meant for me."

     "I wonder if Tacio is meant for me," bulong ko sa sarili.

     "Babalik na ako sa Manila soon, Harvard girl, kaya good thing dinalaw mo 'ko. Kakayod muna ko dahil ang hirap ng life. Noong college, scholar ako kaya nakayanan ko makatapos at sa awa ng Diyos nakahanap ako ng maayos na trabaho."

     "Taga-Manila rin ako. Saka hindi talaga 'ko sa ibang bansa nag-college, sa UP. And by the way, you're one of the bravest people I've ever known."

     "Woah, thanks? Well I like calling you Harvard girl. You know what, nang nalaman ko no'n kay Tacio na hinahanap mo ang parents mo, I wanted to help. Pero nang nakita kong nasasaktan si Tacio sa thought na mawawala ka sa kanya, I decided not to."

     Ngumiti ako, alam kong mabuting tao talaga si Dolores, at alam kong mali talaga ang naging first impression ko sa kanya.

     Gano'n naman talaga, hindi natin dapat husgahan ang isang tao hanggang hindi natin siya lubos na nakikilala. Maybe she's not perfect, pero 'yung mga imperfections niya ang nagpa-awesome sa kanya.

     "And about sa time traveling, nagbasa-basa pa ako ng ilang aklat. May isa akong nabasa and ayon doon, 'there is a possibility that if events were changed, hindi natin mapapansin because our memories would have been instantly altered to remain congruent to the newly established timeline.'"

     "Ibig sabihin... walang makakaalam sakali na may nagbago?"

     "Hmm, probably. Pero marami pang theory and concepts bukod dyan. Well, I will read more. I really love to study this one."

Time Escape (Currently Editing)Where stories live. Discover now