chapter 63: Amnesia

571 17 0
                                    

Ana POV

Nagising ako ng may humalik sa akin sa noo. Ngumiti ako at agad siyang niyakap.

"Asus, nagpapalambing na naman ang baby ko" natawa ako sa sinabi niya at pinanggilan ang pisngi niya. "How's your sleep?"

"It's good. Anyway, you have a work right? Umalis ka na baka malate ka pa"

"Sure. Huwag kang makulit dito, ah!"

"Darling naman!" Natawa siya at hinalikan ang noo ko. "Sige na, baka hinihintay ka na ni kendra"

"Ow, sure. Don't be jealous again, okay?"

"Yah! Sinong hindi magseselos? Lagi kaya kayong magkasama"

"Cause, she's my secretary. Of course, lagi kaming magkasama. I'll see you later, darling"

"See you! Maybe, punta ako sa work mo maya"

"Okay" hinalikan na muna niya ako sa noo bago siya umalis. Napangiti ako dahil napaka-swerte ko kay ian, siya na atah ang pinaka-perfect na tao sa buong mundo.

Napatitig ako sa bintana dahil hanggang ngayon misteryoso pa din ang pagkatao ko. Wala akong maalala sa nakaraan ko, pakiramdam ko may malaking kulang sa pagkatao ko. Hindi ko alam kung ano iyon.

Flashback

Nagising ako sa puting kwarto at agad akong napahawak sa ulo ko ng sumakit ito.

Nasaan ako? Bakit ako nandito? At sino ako? Anong pangalan ko.

"Ian, gising na siya!" Sigaw ng lalaki sa tabi ko, dali-dali namang lumapit sa akin ang isang lalaki. Puno ng pag-alala ang mukha niya kung kaya't hindi ko maiwasang magtaka.

Sino sila?

"Ayos ka kang ba? May masakit ba sayo?" Tanong niya at sinuri ako.

"Sino ka? Sino kayo?" Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Sino ako?"

"Darling, ako ito. Ang boyfriend mo" napakunot noo ako sa sinabi niya. Bakit hindi ko maramdam? Bakit walang spark? Bakit pakiramdam ko, dapat ko siyang layuan? "At ikaw. Ikaw si rhia, ang girlfriend ko"

"Anong nangyari sa akin?"

"Na-car accident ka. Five years ago"

So, ibig sabihin. Five years na akong walang malay? Five years na akong nandito?

End of Flashback

Ilang buwan na ang nakakalipas ngunit pakiramdam ko, hindi ko dapat sila pagkatiwalaan. Hindi ko alam kung bakit.

Napailing na lang ako at nagsimula ng maligo at magbihis. Pagkatapos bumaba na ako upang magluto ng aalmusalin ko.

Habang hawak ko ang rice cooker, biglang sumakit ang ulo ko kung kaya't napahawak ako dito at napasandal sa pader.

"Hey, ipag-luto mo ko"

The Cold GuyWhere stories live. Discover now