chapter 6: Tagaytay

1K 27 0
                                    

Ana POV

"Bukas na pala tayo pupunta sa tagaytay, I'm so excited na" tili ni elle habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

"Ilang days tayo dun?" Takang sabi ko. Si elle at jane kasi ang kumausap at nagpalista sakin dun sa trip to tagaytay list.

"2 weeks, kasi may pupuntahan pa tayong baryo sabi nila. Kaya matagal kong makakasama si miguel hehe" ngumiwi kami sa kaniya, okay na okay na nga siya.

"Hi elle" Kaway ni miguel ng makadating kami sa parking.

"Tsk. Walang poreber" bulong ko kay elle na sumama yung mukha niya na kinangisi ko.

"Bitter ka talaga" natawa na lang ako dahil dun. Lumapit samin yung B3 na kinangisi ko dahil mukhang shunga si elle na kinakausap si miguel.

"Buhatin mo" nagulat na lang ako ng ihagis ni grey yung bag niya papunta sakin buti nasalo ko.

"Bakit ang bigat?"

"Tsk. Don't open it" sita niya na kina-inis ko.

Ano ba laman nito at ang bigat?

Nilagay ko na sa kotse yung gamit niya na ang bigat-bigat. Cold akong tinignan ni grey na kinasimangot ko. Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi.

Sana pala hindi na ako nagpatulong sa kaniya kagabi.

"Huy, ano yan. Kanina pa kayo ganiyan ah" turo samin ni miguel na kinangisi ng iba.

"Wala---"

"Don't tell me ana, siya yung---"

"Yes elle, siya yun" nanlaki yung mata niya na animoy kinikilig.

"Oh my gosh, really?" Paulit-ulit tsk. Tumango muli ako. Nagulat na lang ako ng yakapin niya ako.

"I can't believe ana, but I'm happy na siya yung papakasalan mo. Hehe gwapo ah" bulong ni elle na yung kami lang talaga makakarinig. Kumalas na kami sa yakap dahil ang higpit nun.

"Hey, may hindi kayo sinasabi sakin ah. Tampo na ko" natawa kami ng nag-pout si jane sa harap namin.

"I'll tell you soon" ngiting sabi ko. Ngumiti na lang siya at niyakap din ako.

"Anong drama yan?" Natawa kami sa mukha ni miguel na hindi na maintindihan.

"Nothing" yun lang bago ko sila tinalikuran. Si grey nauna ng umalis. Bumusina ako at kumaway ganun din sila.

Pagkabukas ko ng pinto sa bahay nakita ko si grey na naka-upo na parang may hinihintay.

"Alam niya?" Cold na sabi niya na kinakunot ko ng noo. Pinunasan niya yung labi niya na parang nag-aantay ng sagot.

"Ang alin?"

"Yung satin, yung arranged marriage?" Lumunok ako dahil ang lamig ng pakikitungo niya.

"Yes, sinabi ko nun nung nasa america kami na may papakasalan ako pagkatapos ng graduation"

"Sino pa nakakaalam?"

"W-wala na si elle lang" mabilis na sagot ko bago umupo sa single sofa.

"Bukas, huwag mo kong lalapitan o hahalikan sa pisngi kapag nasa tagaytay tayo, okay?" gulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya na nakatingin sakin ng cold ekspresyon.

"Ah, oo n-naman grey---I mean boss"

"Isa pa yan, huwag mo kong tatawagin na boss kapag nasa tagaytay tayo. Ibabalik mo lang lahat yan kapag nakabalik na uli tayo dito. Ayos na rin sakin yung tawag mo sakin ngayon" yun lang bago niya ako iwan dito na nakanganga.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now